Chapter 2: The Client

62K 1.3K 30
                                    

Chapter 2

Roussanne Shelkunova

"Maayos na," sambit ni Asti. May iilan pa siyang ginawa sa buhok ko bago sinabing pwede na akong humarap sa salamin.

"Thank you." Tumayo na ako at pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng full length mirror. Ang straight at kulay mais kong buhok ay kulot na at may kulay, nilagyan ito ni Asti ng temporary na violet color – na siyang nagrereprisinta sa department ko sa Exquisite – sa bandang dulo ng aking buhok.


May apat na departamento kasi ang Exquisite Co., at bawat departamento ay may kulay na naka-assign. Palatandaan para sa bawat miyembro. Kulay blue para sa mga call girl o mas magandang tawagin na lang nating escort – gaya ng kay Chianti. Yellow naman para sa mga stripper – Syrah's department. White para sa mga telephone sex operator – ang lugar kung saan nabibilang si Asti. White dahil ito "raw" ang pinakamoral pang departamento ng kompanya. Kahit wala namang kamoral moral sa pagsesex gamit ang telepono. At kulay Violet para sa mga katulad kong show girl.


"Ito na ang damit mo, Rous." Sigaw ni Syrah at inabot sa akin ang naka-hanger na nighties.


Nighties ito ngunit nakadisenyo na parang wedding gown. Maikli ito na umabot lang hanggang sa kalahati ng hita ko, may manipis na sleeve, gawa sa satin at lace ang tela. May kasama pa itong isang mahabang kulay puti na lace gloves na abot hanggang siko ko. Nagbihis na ako sa harap nila, wala na naman akong kailangang itago. Kung sa isang estranghero nga ay nagagawa kong ipakita ng buo ang aking katawan, sa mga tao pa kayang matagal ko ng kilala.

Nang matapos ako ay tinulungan ako ni Chianti na isuot ang isang coat at nilagay ang isang kulay violet na ribbon sa aking palapulsuhan. Tahimik kaming umalis sa bahay ni Chianti. Kaming dalawa ni Chianti ay pumunta sa Exquisite habang si Syrah at Asti ay umuwi na sa sarili nilang bahay.

Wala pang kalahating oras nang makarating kami doon, sabay kaming pumunta ng front desk, si Chianti ay kay Diane lumapit habang ako kay Jade na siyang head ng aming departamento. Sa loob ng pitong taon ay siya ang nagbibigay ng trabaho sa akin.


"Nasa 1616 na sila Mandy at Lois," seryosong saad niya, titnitigan niya ako kaya naman ay ginawaran ko siya ng matamis na ngiti. "H'wag kang plastic, alam kong ayaw mo itong gawin."


Bumuntong hininga ako. "Wala naman akong magagawa. 'Tsaka pala, Jade, 'yung relo nakaawang at may dumi ang uniform mo." Tumawa siya at inabot sa akin ang isang condom. Kinalas ko ang unang butones ng coat na suot ko at nilagay iyon sa loob ng suot kong nighties.


"Para sa isang babaeng napakalinis, hindi mo aakalaing na dito ka nagtatrabaho." Ngumiti lang ako at nagpaalam sa kanya.


It's my only defense. Madumi na akong tao, kaya sa paligid ko ibinubunton ang lahat. I want everything to be organized, to be clean. Because that's what I lack and that's what I'll never have.

Sumakay ako ng elevator at maingat na pinindot ang sixteenth floor, good thing I'm wearing gloves. Pagdating sa floor ay lumiko ako sa kanang isle dahil doon ang papunta sa Room 1616 habang naglalakad papunta doon ay sinusuot ko ang kulay silver at violet na maskara, hindi na ako nag-abala pang kumatok at dumiretso ng pasok sa loob. Naabutan ko silang dalawa na nakatingin sa salamin at inaayos ang damit ng isa't isa. Sa tabi nila ay nandon ang tatlong layer ng cake – fake cake – malaki ito at abot hanggang sa dibdib nila ang taas nito.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon