Chapter 9
Roussanne Shelkunova"Okay na, Annie." Sabi sa akin ng kaibigan kong si Natasja. Siya ang OB-GYN ko. Sa kanya ako nagpapaturok ng contraceptive.
Every thirteen months, simula nang magakita kami four years ago ay sa kanya na ako nagpapaturok ng Depo-provera -- para hindi ako mabuntis. I use condoms whenever I have a client pero hindi 100 per cent na hindi ka mabubuntis sa condom, kaya nagpapaturok na rin ako. Kasabay din ng depo-provera shot ko ay nagpapa-test ako kung may HIV ako -- but I do that every six months. Nagkataon lang na nagkasabay sila ngayon ng shot ko.
Fi-nold ko ang sleeve ng damit ko at bumangon na mula sa hospital bed. Nilagay ni Natasja ang blood sample ko sa isang tray at tinawag ang nurse sa labas at sinabihan iyong dalhin sa Medical Technologist.
"Now," she folded her arms while sitting at her chair. Nakataas ang isa niyang kilay at naghihintay ng sagot sa akin. Simula nang maging doctor ko siya ay ilang beses na niyang tinatanong sa akin kung para saan ang mga shots at tests na ginagawa ko. But I never gave her the correct answer to her questions.
"Sinabi ko na sa'yo, 'di ba? I have an active sex life." Tinawanan ko siya dahil halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Technically, I really have an active sex life.
"Seriously? You want me to believe that? The great Roussanne Shelkunova, may active na sex life? Eh, ang conservative mo kaya. Kaya ka nga bi-nreak ni Adam dati, 'diba?" Sabi niya. Si Adam ang una kong nobyo. She knows about Adam dahil kaklase ko siya noong high school. We're best friends. Naging distant lang ako sa kanya noong nag-college kami, not because we're on different program but because of my family situation. At iyon pa ang panahong naging bayarang babae ako.
Umiling ako. "Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan."
"Seryoso, Roussanne, ano bang dahilan?" Seryoso na ang tono ng boses niya. Alam kong may clue na siya, after all, we've known each other long enough.
"H'wag mo ng isipin. So ano? Aalis na ako, ha? You'll email me the results?" Tumango siya sa akin. Nagbeso lang kami at hinatid na niya ako palabas ng opisina niya.
Nagtext ako kay David na tapos na ako sa ospital, nasa may Tower kasi. Ang clinic kasi kung saan nagtatrabaho si Natasja ay sa Trece -- isa sa dahilan kung bakit siya ang kinuha kong OB. Malayo siya sa trabaho ko at hindi malalaman ng mga tao sa Ternate. Ayokong bigla na lang kumalat sa buong Ternate na buntis ako dahil lang may kakilala akong nakita ako na lumabas mula sa OB-Clinic.
Nag-reply sa akin si David na dadating siya in ten minutes. So, I patiently waited at the front of the clinic for him. Nag-cellphone na lang ako.Biglang may nag-flash na numero sa screen. Na-transfer ko na ang lahat ng number dito sa bago kong phone at napaisip ako kung sino ang tumatawag sa akin.
I answered the call. "Hello,"
"Where are you? Wala ka sa appointment." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si Mr. Delcroix iyon, halata sa malalim at buo niyang boses. Kinagat ko ang ibaba'ng labi ko dahil sa ganda ng boses niya.
"Anong appointment?" Diretso kong tanong kahit halos mabulol ako sa sobrang kaba.
"Your payment. H'wag mong sabihin na tumatakas ka? I recorded our conversation." Napairap ako sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Exquisite Saga #2: Roussanne Shelkunova
Narrativa generaleDoctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula sa paggising sa umaga, pagpunta sa kanyang klinika hanggang sa pagtulog ay nakalagay na sa routine...