JhasMean: Isang chapter na lang then epilogue na! Whoo. Love you guys! Salamat sa paghihintay ng UDs.
-------
Chapter 29
Roussanne Shelkunova
Hindi ko alam kung anong plano ni Alastair, kinuha niya lang ang numero ng attorney ng may-ari ng bahay na ito tapos ay umalis na kami pabalik ng resort. Wala siyang sinabi pa sa akin habang nasa biyahe kami dahil busy siya sa pagtawag sa kung sino. Estate agent ang kausap niya, Bangko, at kung ano pa. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya sa telepono kahit naka-loudspeaker naman ito, but I have an idea where theses calls are heading.
Bibilhin niya talaga ang bahay. Hindi lang siya interesado, bibilhin niya kaagad.
I know, Alastair is impulsive, pero hindi ko inakala na ganito siya ka-impulsive. Hindi ba ay dapat i-check pa niya nang mabuti ang lugar, kung Bahain, kung maingay, kung maganda ang lupa, kung maganda pa ba ang gamit doon sa bahay -- yes, the place was beautiful, pero marami pang bagay ang dapat alamin kung maganda ba talaga ito, hindi lang sa labas na anyo malalaman kung maganda ang pagkakagawa sa bahay.
"Alastair, bibilhin mo ba yung bahay?" Tanong ko sa kanya nang matapos siyang makipag-usap sa isang attorney. Tumango siya sa akin.
"It's a good place for us, I can live at the other house while my annulment is still in process. We can live closer to each other."
"Pero nasa Cavite ang trabaho mo," I told him, trying to talk some sense to him. Masyado siyang mabilis kumilos at magdesisyon.
"I can work anywhere. I want to be near you, or are you still-"
"Hindi. Hindi sa ayaw ko. Gusto ko. Pero mas madali para sayo sa Cavite, 'di ba?"
"Anywhere is fine. I want to be with you, it doesn't matter where."
Hinaplos niya ang kamay ko at pinisil iyon.
Gusto ko siyang makasama, kahit saan. Kung pwede lang ay sa mas malayo, sa ibang bansa... kahit saan. Gusto ko nang wala kaming problema, iyong totoong bagong buhay, iyong walang magpapaalala sa sakit na naramdaman namin, sa problemang pinagdaanan namin. Kung sana lang ay pwede, mas gusto ko iyon.
"Pero yung bahay? Ipapa-check pa yung loob? Paano kung may problema iyong bahay? Masyadong luma? May mga sira? Dapat i-check muna natin kung maganda nga siyang bilhin." Nakangiti kong saad; he smiled as well, and even without me telling it to him, he knows I'm saying yes to his offer.
"What's broken can be fixed. Let me handle this one, in no time we'll be starting over."
PAGKABALIK ng resort ay dumaan kaagad kami sa restaurant doon. Anong oras na rin kasi, lagpas tanghalian na. We talked about the house the whole lunch, ang sabi niya ay hinihintay na lang Niya ang respond ng nag-aasikaso ng bahay, kailangan pa raw Kasi nitong kausapin yung may-ari sa ibang bansa, and when everything is settled, he will ask someone to check the whole place, kung may mga dapat ayusin. He promised that we will move to the house in less than a month.
I appreciate his efforts, pero nag-aalala rin ako. He still has work sa Cavite, and with the case he's taking right now, baka makaabala pa Ito sa kaso, ang kaming dalawa.
"Hindi ba magiging problema ito sa kaso na hawak mo?" Umiling siya at hinawakan ang aking kamay. Naglalakad kami sa shore ngayon, nagpapatunaw ng kinain namin, at kasabay ng alon ng tubig ay ang musika na nagmumula sa bandang nagpeperform sa stage sa may beach.
BINABASA MO ANG
Exquisite Saga #2: Roussanne Shelkunova
General FictionDoctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula sa paggising sa umaga, pagpunta sa kanyang klinika hanggang sa pagtulog ay nakalagay na sa routine...