Chapter 21: Puzzle

29.8K 865 14
                                    

Chapter 21

Roussanne Shelkunova

"Anong sabi ng doctor?" Ngumunguyang tanong ni Syrah habang ako naman ay pinagbabalat ng apples si Asti at Chi. Nakatabi si Asti kay Chi na nasa hospital bed at karga-karaga ang natutulog na si Mr. Snipes, habang kami ni Syrah ay nakaupo sa magkabilang parte ng hospital bed.

"Okay naman daw ako, Gaige's just over reacting. May mga pinadagdag siyang security system sa bahay." Inabot ko ang platito na may apples sa kanila.

"Well, hindi mo naman siya masisisi, he's just protecting you. Rous, pagbalat mo rin ako ng oranges." Tumango ako kay Syrah at nagbalat na nga ng oranges.

"Oo nga pala, bakit bigla kayong umalis kahapon? Did something happen?" Inabot ko kay Syrah ang orange at pinandilatan si Syrah na nakahanda nang sagutin si Chi dahil nakabuka na ang bibig niya at halata sa mata ang inis, inirapan niya ako at binuhos ang inis sa walang malay na prutas

"May naging emergency lang ako sa shop. Sinama ko lang si Syrah kasi may gagawin din siya, tapos ako lang ang may sasakyan kaya hinatid ko na siya." Pilit ang ngiting sinubo ko ang orange na binabalatan ko at inosenteng tinignan si Chi.

"Okay," Mukha namang pinaniwalaan ni Chi ang sinabib ko dahil hindi na siya nagtanong pa ulit at hinimas na lang si Mr. Snipes na napakahimbing ng tulog.


Nag-suggest si Asti na manood na lang ng movie dahil biglang nanahimik si Syrah at kapag hindi maingay si Syrah, wala nang buhay ang kwarto. Sa huli ay pinanood namin ang sikat na sikat ngayon na Midnight Sun. Sabi kasi ay maganda raw ito, maganda ang storya pero hindi ko nagustuhan ang pag-arte ng artistang lalaki kaya'y tinuon ko na lang sa cellphone ko ang atensyon,.

Ilang notification ang galing kay Alastair na hindi ko binasa at binura na lang, bi-n-lock ko na rin ang numero niya. Inis na binalik ko ang cellphone sa bag at pinagtuunan ng pansin ang pelikula, kahit wala naman na akong naiintindihan dahil nasa hangin ang isip ko, nalaman ko na lang na tapos na siya nang manghingi sa akin ng tubig si Chi habang si Syrah ay nasa tapat ng TV at inaalis ang DVD.


"Are you alright?" Tanong niya pagkabigay ko ng tubig. Tango lang at ngiti ang naging sagot ko. "You don't look like you are."

"Nag-break sila ng boyfriend niya," gulat ko sa paliwanag ni Asti. "Ayaw niyang sabihin sa'yo kasi marami ka ng problema, ayaw niyang makadagdag pa sa drama."

"Kelan, at bakit?" Pinaghalong kuryosidad at pag-aalala ang mukha niya.

"He ended up being one of those guys. Ayaw niya ng i-associate ang sarili niya sa katulad ko." Pinal kong sabi, I know Chi's not buying it but she dropped the subject anyway.

"What an asshole. Just make sure you're okay." Tumawa ako uminom ng tubig.

"I am," Sagot ko.

"Oo, may David naman. He's a much better person." Asik ni Syrah.

Pinandilatan ko lang si Syrah at inabot ang oranges sa kanya. "Gusto ko ng kape, gusto niyo rin? Bibili ako." Pag-iiba ko sa usapan. Walang tumatanggi sa kape sa aming lahat kaya awtomatikong um-oo silang tatlo.


Umalis na ako bago pa sila magprisinta na sumama, at nang makarating na ako sa tapat ng coffee shop ay doon ko lang napansin na wala pala akong dalang pera.


"Ano bang nangyayari sa'yo Roussanne Alina?" Naiinis na tanong ko sa sarili at naupo sa tabi ng mga flower pot na nasa labas ng shop.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon