Chapter 18: The Visitor

37.6K 937 26
                                    

Happy new year!
Chapter 18

Roussanne Shelkunova

"Rous, Asti, bilisan niyo naman. Ang dami pang boutiques oh, two days na lang tayo rito!" Sigaw ni Syrah sa amin habang papasok siya sa boutique ng Chanel dito sa loob ng Time Square building sa Hong Kong. Isang araw na kami rito sa Hong Kong, pagod na pagod kami ni Asti dahil simula paglapag ng eroplano namin dito sa Hong Kong ay iniwan lang namin ang gamit namin sa hotel at namasyal na kami kaagad -- dahil sa pamimilit ni Syrah.

"Hindi ka mauubusan ng bibilhin, Sy." Reklamo ni Asti, sobrang pagod kasi ito. Ala-sais natapos ang shift niya kahapon tapos ang alis namin ay ala-una ng hapon, tatlong oras lang ang tinulog niya dahil kailangang maaga kaming mag-check in sa airport.

"Time is gold." Ngisi ni Syrah at kinuha ang gusto niyang bilhin. Nagpaalam ako sa kanila para pumunta sa section na may mga pabango at pumili ng para kay Mama at sa mga kasamahan ko sa clinic.

"Rous, bibili ka ng pabango? H'wag dito, may shop na puro pabango ang binebenta, mas maganda don, tara, tapos na akong bumili. May bibilhin ka pa ba? Wala na? Tara, dali!" Hindi na ako hinintay ni Syrah na sumagot at hinatak na lang paalis. May tinitignan na damit si Asti nang hatakin din siya ni Syrah, bumuntong hininga na lang kaming dalawa at hinayaan si Syrah sa gusto niya. She's too excited, wala na kaming magagawa. Isa pa, nitong nakaraang linggo ay mukhang may pinoproblema siya, hindi man halata sa pananalita niya at kilos pero alam kong meron. Iyon siguro ang kinaganda nang matagal niyo nang kilala ang isa't isa, we don't need confirmation or words just to know if the other one has a problem, we just know it.


Dinala kami ni Syrah sa shop na sinabi niya, I decided to look for men's perfume para sana kay David at Leonid. I was smelling the perfumes when I caught a familiar scent.


"Come with me," Matapos ang halos dalawang oras ng pananahimik ay nagsalita rin si Alastair. Tumango lang ako sa kanya at tumayo. Pinulupot niya ang kamay sa bewang ko at nagsimula na kaming maglakad, his scent covered my nostrils, ang amoy ng alak at ng pabango niya ay nkakahalimuyak, it made me feel dizzy and it created chaos to my whole system; nanayo ang balahibo sa braso at batok ko dahil dito.


Dinala niya ako sa lobby at kinausap niya ang receptionist. Kunot ang noong tinitigan ako sandali ng receptionist, pamilyar siguro sa kanya ang mukha ko. May mga empleyado ang Exquisite na hindi nakakaalam ng sikreto ng hotel, para sa kanila ay normal na hotel lang ang Exquisite. May binigay itong susi kay Alastair na kinalito ko. Para saan iyon?

Muli akong hinatak ni Alastair papuntang elevator at pinindot ang pang-labing-isang palapag. Bumilis ang tibok ng puso ko at humigpit ang pagkakakapit ko sa bag ko. Tumikhim ako at tinitgnan ang repleksyon ni Alastair sa salamin dito sa elevator. He looked so confuse and mad. Hindi ko alam kung anong dahilan, ayaw ko na ring magtanong. Nanatiling tikom ang bibig ko hanggang sa makarating kami sa kwartong kinuha niya. Nauna siyang maglakad sa akin, madilim ang kwarto at ang liwanag na nagmumula sa malaking salaming bintana na nasa headbord ng kama ang nagbibigay liwanag sa kwarto, hindi ko maaninag ang mukha ni Alastair, nagpapabalik balik siya ng lakad habnag niluluwagan ang kurbata na suot niya.


"Alastair, anong problema?" Hinarap niya ako, his green eyes are full of confusion but the anger I saw before was all gone, it was changed to fear... Fear of what?


Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niyang mahigpit ang pagkakahawak sa kurbata niya, lumuwag ang hawak niya roon at lumambot ang titig niya, namungay ang kanyang mga mata ngunit bakas pa rin ang takot at pagkagulo mula roon. Nilapat ko ang kamay niya sa pisngi ko habang ang isa kong kamay ay nilapat ko sa kanyang  pisngi at bahagyang hinaplos ng daliri ko ang kanyang malambot na labi.


Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon