Friday ng hapon at at umuulan, ewan ko ba at masaya ako pg umuulan. Siguro ay dahil tuwing umuulan ay bukod mapapasarap ang tulog ko, ay matitikmman ko na naman ang pinakamasarap na sinabawang spare ribs ni nanay. "hmmm" naiisip ko palang ay kumakalam na ang tiyan ko.
Pagkatapos ng huling subject namin sa hapon ay dali-daling lumabas ako sa classroom at nag lakad. nang biglang may tumawag saakin,
"Victoria Agatha Dimasalang!!!!" sa pag kakabigkas palang ng pangalan ko ay alam ko na kung sino. Ewan ko ba at ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa buong pangalan ko, sa kadahilanang parang nilalarawan ako ng apilyedo ko :/
"Ano Lian Margarette de Ocampo?" I shouted back with an obvious annoyance that was painted on my face. Lumapit siya na nakangisi saakin,
"sainyo ako matutulog ngayon, my mom is having a medical mission daw sa Bukidnon eh" pakiusap niya.
"Okay, you know where to find our house" I smiled at her and she smiled back at me
"okay, andiyan na si manong, gusto mo bang sumama at sabay na tayong pumunta sa bahay nyo?"
"no, gusto ko munang mapag isa at alam kong makikita na naman kita mamaya, seriously? nakaka umay na" biro ko at tinignan nya ako ng masama, natawa naman ako.
"okay byeee :)" she kissed me and run away.
First year ako nong unang nakilala si Marga, naaalala ko pa kung gaano ako ka loner noon. Sa Cebu ako nag aral noong elementarya ko at dahil dito nadistino si papa sa Cagayan de Oro ay dito narin ako nag aral ng secondarya ko. at sa kalagitnaan ng adjustment ko ay lumapit siya saakin.
"Hi! I am Lian Margarette de Ocampo, but you can just call me Marga. What's your name?"
"Victoria Agatha Dimasalang, tori =)" i answered her. At doon na nag simula ang friendstory namin :)
I smiled at my thoughts when suddenly...
"HEY! ARE YOU BLIND? O NANADYA KALANG TALAGA?!" Pabulyaw kong sabi nang may biglang bumangga sa likod ko at nahulog ang mga libro ko, bwisit to! Ngunit hindi siya lumingon kaya tinawag ko ulit
"HOY!!!!" at lumingon siya
"bakit miss?" tanong nya na lalong nagpainit ng ulo ko.
"Ano?! hindi ka man lang ba magsosory?! nabangga mo ko at nahulog ang libro ko! alam mo bang importante to saakin!? ano nlng ba ang pagaaralan ko nito at binasa mo" sabi ko sakanya ngunit di man lang umimik, at nagkatitigan kami bago siya nagsalita.
"pinulot mo naman diba?! ano pa bang problema mo?! gusto mo akong magpulot para sayo?"
"what?! wala akong sinabing pulutin mo! ang gusto ko lang magsoorry ka!"
"kita mong basang-basa ako?"
"ewan ko sayo! antipatikong pangit!"
Sa galit ko ay naglakad na ako paalis sa kanya, bwesit na bwesit ako sa pangyayaring iyon. Ngunit gulat na gulat naman nuong tinawag nya ako.
"Hoy miss!" he shouted
"Oh! Ano!"
"pasukob!"
"Ano! eh basang-basa kana, susukob ka pa?! mag..."di ko na natapos ang sasabihin ko dahi tinakpan nya ang bunganga ko at kinuha ang payong sa kamay ko.
"ang ingay mo! susukob lang naman"
Nabigla ako saginawa nya, dahilan na natulala ako at sinabayan sya sa pag lalakad. Tumawid kami ng kalsada para mag hintay ng dyip.
"cogon ka diba? sabay na tayo" nakangisi nyang sinabi at tumango nlng ako, Ilang minuto ay may dyip na huminto at sumakay kami.
"sa MOGCHS ka rin ba nag aaral?" tanong ko nang medyo natauhan na ako.
"OO' sagot nya
"hindi mo ako namumukhaan ? Basketball player ako" Ewan ko ba at ang sarap nyang titigan, mapupulang labi, matatangos na ilong, at ma magagandang mga mata.
"oy! makatitig ka wagas ahh !" humalakhak siya.
"ah-ah hehe, pinapamilyarize ko lang ang mukha mo" i excused at tumingin sa labas
"wag kang mag alala, palagi na tayong magkikita ngayon :), andito na tayo" nauna siyang bumaba at pinayongan ako pag baba ko
"eto may shuttle na" nabigla ako sa sinabi nya at tinignan siya, pinasakay nya ako at sinabihan ang drayber...
"manong ! Grand Europa siya, La Buena Vida, block 20"...
Alam nya? sa isip ko at biglang kinabahan, ewan ko kanina pa itong puso ko at parang dumoble pa ata ngayon...
"Tyrone Eziquel Villahermosa, nice meeting you tori :)" he smiled and turned away.
"alam mo bahay namin?" tinanong ko pero biglang isinirado ng drayber ang pintuan ng sasakyan, napabusangot ako at hinayaan nlng,
"ano nga ba ang pangalan nya?" tanong ko sa sarili ko nang pinaandar ng drayber ang sasakyan.
[A/N]
hey ! okay lang po ba ang first try ko? :)
VOTE
COMMENT
AND SHARE guyth :* love love
~BTL
BINABASA MO ANG
Something Real
Teen FictionThis story was made by plain imagination of the author. So this is my first story guys, your supports are needed :* I am trying to make this story a very natural one, yung tipong ginagawa at nagaganap sa totoong buhay natin. i hope you'll appreciat...