Tyrone's POV
First year highschool, at unang araw ng pasukan. Hinahanap ko ang aking silid alaran, palinga2. Kung bakit ba kasi ang dami ng building dito. Sa totoo lang ayokong mag-aral dito, wala ang mga kaibigan ko dito. Sa Xavier University ako grumaduate ng elementarya at nandoon na ang buhay ko, ang kaibigan ko at ang first love ko, pero ayaw ng parents ko na doon ako kaya napilitan akong mag enroll dito.
Pumunta ako sa bulletin board para tignan ang mapa ng buong eskwelahan, ng may nakita akong isang babaeng nakatingin rin doon. Nakatoon ang mga mata nya sa mapa habang tinuturo ito. Tinitigan ko siya, may mapupulang labi, magagandang mata, makinis na mukha at di katangusan at di din pangong ilong. Parang koreana, utal ko sa sarili ko. Bumaling ulit ako sa mapa at nakita kong huminto ang pagtuturo nya dito, tinignan ko at binasa. Room 66(Science Curriculum) at umalis siya. Hinanap ko ang room ko at agad ko naming nakita yun, Room 69(Sports Curriculum). Not bad three steps away from her. Tumakbo ako, sinundan ko siya at siniguradong nakapasok na siya saka ako pumasok.
Sa kalagitnaan ng taon ay sinusundan ko parin siya. Nadadamay pa ang mga barkada ko sa pagsunod-sunod sa kanya dahil kung saan siya nakaupo kapag kumakain sa canteen ay dapat nasa likoran nya kami. May kaibigan na siya at maganda din ang kaibigan nya, pero mas maganda parin si Tori, syempre. Alam na ng mga kaibigan ko ang feelings ko sa kanya at pinag tatawanan nga nila ako dahil ang bakla ko daw, kung bakit hindi ko daw siya pormahan "may tamang panahon yan, at mag hihintay ako" yan lang ang tanging sagot ko sa kanila.
Second year na kami at may konting nagbago na (pero syempre hindi sa feelings ko sa kanya). May nagging girlfriend na ako pero di rin nag tatagal dahil kinukompara ko sila sa kanya. Sinusundan ko parin siya at ngayon hanggang sakayan na. Pero malapit lang din naman ang sakayan nya at sakayan ko kaya ayos lang.
Third year na kami at lumevel-up na ang pagiging stalker ko sa kanya. Ngayon hanggang bahay nya ay sinusundan ko. Ang layo pala naming sa isa't isa. Iponan ako at lumbia siya. But ika nga nila, "Don't measure the distance, measure my love". Takte! Ang baduy ko, pero totoo iyon
Isang araw ay nag facebook ako may nag friend request saakin. Pagopen ko doon ay nagulat ako dahil kaibigan nya iyon. Kaya dali-dali kong inaccept iyon, feeling ko kasi one step closer ako sakanya. Tinignan ko ang profile ng kaibigan nya at nakita kong may picture si Tori na nakabusangot. Ang ganda-ganda parin niya. Sabi ko sa sarili ko. inopen ko ang profile ni tori at puro tag pictures lang na naroon, kung may post man siya ay tungkol sa eskwelahan at life insights niya. Binasa ko lahat iyon at mas lalo ata akong nainlove sakanya. Ang maprisipyo mo! Maghintay ka lang at magiging akin ka, sabi ko sa sarili ko
Time flies so fast at seniors na kami. At ganoon parin ako, stalker nya. pero this time, magigng girlfriend ko na siya. At parang sinandya ng panahon at pinaglapit niya kami dahil magkatabi lang kami ng classroom. Ang saya ko noon Byernes nga hapon, pagkatapos ng huling subject ay aalis n asana ako para sundan ka ngunit tinawag ako ng kaibgan ko.
"BRO! birthday ni shahannie mamaya, ano? Pulse tayo?" Isang kilalang bar ditto sa CDO.
"sige bro. text lang!" at nagmadali akong lumabas nakita kong nagmamadali siya kaya nagmadali rin ako. Pero tinawag sya ng kaibigan nya.
"Victoria Agatha Dimasalang!!!!" lumingon ka at nakita ko ang annoyance na nakapinta sa mukha nya, nasayahan ako noon kasi may nalaman nanaman akong tugkol sa kanya; naiinis siya kapag tinatawag ka ng buong pangalan nya.
"Ano Lian Margarette de Ocampo?" sagot nya
"sainyo ako matutulog ngayon, my mom is having a medical mission daw sa Bukidnon eh" sabi ng kaibigan niya sakanya, may pinag usapan pa sila bago tumakbo and kaibigan niya
"sana ako nlang kaibigan nia" I uttered inwardly.
Nag lalakad siya at sinusundan ko parin siya. Basang-basa ako dahil umuulan. Naisipan kong magpapansin sa kanya kaya ko siya binangga.
"HEY! ARE YOU BLIND? O NANADYA KALANG TALAGA?!" bulyaw niya at hindi ako lumingon pero tinawag nya kong muli.
"HOY!!!!" saka ako lumingon sa kanya
"bakit miss?" tanong ko sakanya
"Ano?! hindi ka man lang ba magsosory?! nabangga mo ko at nahulog ang libro ko! alam mo bang importante to saakin!? ano nlng ba ang pagaaralan ko nito at binasa mo" mala armalyt nyang sabi. Tinitigan ko siya at kahit na inis na inis ang mukha niya ay maganda parin. Ano ang sasabihin ko? Sabi ko sa sarili ko.
"pinulot mo naman diba?! ano pa bang problema mo?! gusto mo akong magpulot para sayo?" shit! Tyrone! Ang bobo mo! first try! palpak! I scolded my self.
"what?! wala akong sinabing pulutin mo! ang gusto ko lang magsoorry ka!" inis nyang sabi
"kita mong basang-basa ako?"
"ewan ko sayo! antipatikong pangit!" sabi niya tsaka siyaa umalis at natulala ako.
Pangit ba ko? Tanong ko sa sarili ko. Tyrone panindigan mo na'to. utos nga konsensya ko
"Hoy miss!" I shouted
"Oh! Ano!" she answered in annoyance
"pasukob!" wala kasi akong maisip kaya yun nlng ang sinabi ko.
"Ano! eh basang-basa kana, susukob ka pa?! mag..."di ko na pinatapus ang sinasabi niya at tinakpan ko ang bunganga niya. Ang lambot ng lips niya. Hehe kinuha ko ang payong sa kamay nya.
"ang ingay mo! susukob lang naman" sabi ko sakanya at naglakad,
Nakaka-awkward at nakakabingi ang katangian kaya kinausap ko siya
"cogon ka diba? sabay na tayo" nakangisi kong sabi, habang tumatawid ng highway. D rin naman nagtagal at may dyip na. pinauna ko syang pinasakay at tiniklup ko muna ang payong bago ako pumasok sa dyip.
"sa MOGCHS ka rin ba nag aaral?" tanong. Niya habang tumatakbo ang dyip na sinasakyan namin
"OO' sagot ko
"hindi mo ako namumukhaan ? Basketball player ako" pagpatuloy ko, pero naramdaman kong tinitigan nya ako kaya ginulat ko siya
"oy! makatitig ka wagas ahh !" at tumawa ako.
"ah-ah hehe, pinapamilyarize ko lang ang mukha mo" she excused.
"wag kang mag alala, palagi na tayong magkikita ngayon :), andito na tayo" nauna akong bumaba sa kanya at pinayungan siya pag labas niya. 2points.
Nag lalakad kami papuntang sakayan at nakita kong may shuttlepa
"eto may shuttle na" utal ko at sinabihan ang drayber
"manong ! Grand Europa siya, La Buena Vida, block 20"...
Takte Arone! Wag kang magpahalatang stalker ka!" bulyaw ko sa sarili ko. "teka mag papakilala lang ako."
Tyrone Eziquel Villahermosa, nice meeting you tori :)" ismiled and turned away, . Narinig ko'ng parang may sinasabi pa siya pero d ko nakasarado na ang pintuan ng sasakyan kaya tuluyan na akong umalis. Nanakangiti
VOTE
COMMENT
SHARE
AND FOLLOW ME :)
-BTL
BINABASA MO ANG
Something Real
Teen FictionThis story was made by plain imagination of the author. So this is my first story guys, your supports are needed :* I am trying to make this story a very natural one, yung tipong ginagawa at nagaganap sa totoong buhay natin. i hope you'll appreciat...