Stalker!

4 0 0
                                    

Pag karating naming sa Davao ay agad sumalubong saamin ang mga auntie ko, mga kapatid ni mama. Ang kapamilya ni papa ay nasa cebu naman. Ang layo nila sa isat-isa. At hanggang ngayon ay kinikilg pa rin ako kapag na alalala ko ang lovestory nila.

"Hi ate!" lumapit ang pinsan ko saakin, ang ganda nya Australian kasi si lolo kaya may pagka mestiza ang hitsura nila mama

"hello baby, what's your name?" I smiled at her

"My name is Johanne Mariz Estoso and I am 5" sabay pakita ng limang daliri sa kamay nya.

I stared at her with impression; this little girl is so intelligent. Kahit bata pa ay makikita mo na talaga sa kanya. I wondered how it is like to have a little brother or a sister perhaps. I once told my mom about it pero dahil busy sya sa pagiging guro ay ayaw na daw nya akong sundan ng isa pa, she even told me na mas maganda nga kung ako lang isa ang anak nya dahil matutukan nya raw ako ng maayos.

"anak mag mano ka sa tito Andrew mo" my father commanded me at agad akong bumangon sa pagkaka-upo para puntaha ang tito ko at nag-mano

"Aba! Ang ganda ng anak mo Alice ah, hating-hati sainyo ni Ricardo"

"Aba syempre! Anak ko yan eh" my father proudly uttered

May kaunting salo-salo ang naganap at nakilala ko na rin lahat ng mga pinsan ko. Habang busy sila mama catching up kami naman ni MArga ay sa balkonahe lang naka-upo.

"Tori, ang daming stars" sabi ni marga kaya tumingala ako at sumang-ayon"

"gusto nyong mag star gazing?" napalingon ako sa likoran at nakita si kuya Harry na nakatitig kay marga na may dala na canned drick.

"S-sure" sagot ni Marga, namumula-mula pa ang pisngi nya. Kaya may pakiramdam ako na gusto nya si kuya Harry.

"San tayo kuya" ngising-asong tanong ko sa pinsan ko.

"Dun tayo sa rooftop. Uhm do you drink?" nag-aalinlangan akong sumagot dahil pakiramdam ko hindi ako ang addressee doon.

"Oo" sagot ko at tinignan nya ako na nakakunot ang noo.

"umiinom ka?"

"Oo, minsan pero pag may okasyon lang naman sina mama naman ang kasama ko minsan mga kaibigan, pero occasional lang talaga," walang alinlangan kong sabi sa kanya.

"okay then, mauna na kayo sa taas, I'll just get something to drink" Tumango kami ni marga at umakyat na sa itaas.

"May crush ka kay kuya" that was not a question that was an opinion. Nakita kong kumunot ang noo nya.

"May Anthony na ako"

"okay lang naming magkagusto sa iba kahit may Anthony ka na"

"Tori, I know pero iba ang kuya mo. Parang.. parang may something talaga sa kanya. Nakakatakot"

"kailan ka pa natutung matakot marga?" tanong ko pero di nya ko sinagot. Hanggang nakaabot kami sa taas umupo muna kami sa mini sala doon habang naghihintay kay kuya.

"Sinagot mo na si Tyrone?" nakataas ang kilay nyang tanong.

"o-oo, kagabi" I saw her smirked.

"Boto ako sa kanya, feeling ko kasi noon may gusto na talaga siya sayo eh, di ko lang pinapansin kasi alam kong wala ka nama'ng paki-alam" nagkibit balikat siya. Na-alala ko na hindi ko pa pala tinitext si Tyrone simula kanina, pero nagpaalam naman ako na makiki-bonding muna ako sa pamilya. Naintindihan nya naman.

"I was so happy for you Agatha" maluha-luha nyang sabi, ngumisi lang ako tapos yumakap sa kanya "wag lang talaga siyang magtangkang saktan ka kundi babalian ko talaga siya ng buto." Kinalas nya ang pagkakayakap nya saakin.

"I know you're capable of that" kasama kasi si Marga sa Karate league saaming school kay alam kong kaya talaga nyang gawin yun.

"Girls talk?" sabay kaming lumingon sa likuran at nakita ko si kuya na may dalang isang bucket ng beer. Nagkatinginan kami ni Marga na parang batang nakakita ng ice cream.

"HAHA, Let's go" sabi ni kya habang binubuksan ang kwarto nya" Malaki iyon at mabango, tinignan ko si Marga na nakatitig kay kuya Harry na binubuksan ang bintana.

"li na kayo", sumuot siya sa bintana at ginaya naman naming ni Marga ang ginawa nya.

Naka-higa ako sa bubong at tinitignan ang mga bituin sa langit, habang sila marga ay nag-uusap. Alam ko at nararamdaman ko na gusto nilang talaga ang isa't-isa kaya hinayaan ko sila. Nilagok ko ang panglast nga inumin ko at tinignan ang bucket, nakita kong wala nang inumiin doon kaya binalik ko nlng ang bote.

"Talaga?" narinig kong sabi ni Marga bago ako niyug-yug.

"Tori ihanda mo ang bikini mo! We'll go to Samal tomorrow." She cheerfully said at sa pagkakatingin ko sa kanya ay alam kong may tama na siya kasi mapula na ang mukha niya.

"Wala akong bikining dala"

"Tori! ano bayan Victoria ang boring mo, kahit nagka-boyfriend ka na ang boring mo!" sabi nyang naka kunot ang noo.

"okay! Bibili ako okay? But now let's sleep. It's already 11" bumangon ako at naramdaman ko ang epekto ng alak sa ulo ko.

"Mabuti pa, san kayo matutulog ngayon tori?" tanong ni kuya

"Dun sa guest room nyo. Sila mama kasi sa kwarto ni Johanne"

"sige ihatid ko na kayo"

Pagkarating namin sa kwarto ay deretso akong nag hot-bath at pag labas ko ay tulog na si Marga. Kinuha ko ang phone sa bag at nakitang may mensahe si tyrone doon kaya tinawagan ko siya. Pero di nya sinagot ito kaya napakunot ang noo ko "aang sungit!" pero narinig kong nag ring ang phone ko.

"hello,"

"Ako dapat ang tatawag sayo Tori" sabi nya

"ah-uhm, sorry"

"It's okay, ano nang ginagawa mo ngayon? Matutulog ka na?"

"pagkatapos ng tawag oo, bakit gising ka pa?" tanong ko, malalim na kasi ang gabi pero gising pa siya.

"Naghihintay ako sa text mo." Bumilis ang tibok ng puso ko. Wala akong masabi sa kanya...

"ah-ah s-sorry ngayon lang kasi kami nag desisyon na matulog..." di ko na natapos ang siabi ko dahil sumabat siya

"I know tori and it's alright, alam ko naman ang ginawa nyo. Gusto ko lang talagang marinig ang boses mo, i-I miss you besides I understand."

"I miss you too, Alam mo ginawa namin?"

"oo"

"Ano?

"stargazing over the roof-top with marga and a cousin"

"Alam-How did you know?"

"Nagpost si marga."

"Stalker!"

"YES Tori and I've been stalking you for four years now, kaya kung nag-aalinlangan ka pa sa feelings ko sa'yo sasabihin ko. I am true to you, I've been chasing you since then. And I've been loving you and I will love you 'till you me tell so.."

And now I was astonished...


Something RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon