Kinabukasan ay pumunta kaming samal, dalawa't kalahati ang byahe papunta roon at dahil sa excited si Marga ay kahit na antok na antok pa ako ay pinilit kong di matulog.
"What bikini should I wear, the pink or the baby blue?"
"any will do Margarette"
Kanina pa siya conscious na conscious sa susuotin nya, mula sandal to pants to shirt to sunglass. Feeling ko tuloy nagpapaimpress siya sa kay kuya Harry.
"psh! Nakakainis!"
"haha, wag masyadong pahalata na nagpapacute ka Marga" biro kong sabi pero nung nakita kong namula siya ay doon ko nakompirma na tama ang hinala ko. Umiling nlng ako at bumaling sa bintana.
Kinuha ko ang cellphone ko at nang walang mensaheng natanggap ay binuksan ko ang facebook ko. Bumati na ako kay Tyrone kaninang umaga ngunit wala pang reply sa kanya. Binalewala ko ang nararamdaman ko sapagkat wala naman ata akong karapatan na magdemand. Oo boyfriend ko siya ngunit hindi ko siya pag-aari, siguro nas'akin siya at ang pagmamahal at pagtitiwala lang ang assurance ko na magtagal kami.
Pagkararing namin sa Samal Island ay agad akong hinila ni Marga sa nakita nyang magandang spot duon at hinubad ang crop-top nya para mabalandra ang black bikini nya.
"Tori piktyuran mo ako dito, wow! Perfect!" ibinigay nya saakin ang DSLR camera nya at kinuha ko naman iyon. Pini-piktyuran ko siya at todo smile naman siya.
"Tori ikaw naman" at kinuha nya ang cam at ako naman yung pinipiktyuran nya..
"kayo namang dalawa" narinig kong sabi ni kuya harry saamin at agad yumuko si Marga.
"SIge kuya, please" kinuha ko ang cam kay Marga para ibigay kay kuya at hinila siya.
"okay 1 2 3 smile" nang narinig kong nagclick na ang cam ay kumalas ako sa pagkakapit kay marga.
"Tori! hubarin mo nga yang t-shirt mo, nasa beach tayo uy. Wala sa bahay" sabi ni marga
"ha? Nakakahiya" hindi naman kasi ako katulad ni Marga na kahit skinny ay may curve naman ang katawan nya. ako feeling ko parang kawayan ang katawan ko. payat na nga wala pang ka curve-curve.
"wag ka ngang mahiya! Ang ganda kaya ng katawan mo." Kahit na nahihiya ako sapagkat marami-rami ang tao sa paligid ay hinubad ko ang t-shirt ko at tumakbo papuntang cottage para ilagay yun. Nang pabalik na ko ay nakita kong pini-piktyuran ni kuya Harry si Marga na nasa tubig na ngayon. Nakita kong parang may mutual understanding sa kanilang dalawa ngunit nahihiya lang mag aminan, saglit akong napatigil at tinitignan sila nang nag-vibrate ang phone ko, kinuha ko iyon at binasa ang mesahe.
Tyrone
Good morning, sorry ngayon lang nakapag reply. Sinamahan ko pa si mamang mag grocery eh. Where are you? What are you doing?
Napangisi ako sa text nya.. at agad tinipa ang reply
Me;
Nasa Samal Island na kami, ngayon lang kami nakarating.
Tyrone;
What are you wearing? Let me see
Huh? Pano ko naman maipapakita sa kanya ang suot ko?
Me;
Uhm, you mean send you a picture?
Tyrone;
YES.
Kaya dali-daling nagselfie ako at inopen ko ang messenger ko para mag send ng picture. Maya maya'y narinig kong nag ring ang phone ko. Tumatawag si tyrone kaya sinagot ko.
"hello"
"you're showing too much skin Victoria"
"nasa beach ako Tyrone, besides kasama ko naman pamilya ko eh, walang mababastos saakin"
"kahit na! pano kung may makakita at maninitig sayo? Tori naman"
"tyrone, I am visible so expect someone to see me. Besides alam ko naman ang limitasyon ko. I did not wore the bikini bottom just the top. Nagshorts ako" I heard him sighed, and I sighed too
"Sorry, tori. ayoko lang kasi na may titingin sayo the way I do, I'm quite possessive. Im sorry if nasasakal na kita. Sadyang mahal lang talaga kita, hay" di ko mapigilang matawa sa sinabi nya.
"why are you laughing? Am I really that laughable Victoria?"
"no! ang... ang cute lang kasi"
"Tori! Come! May starfish oh" narinig kong sigaw ni Marga saakin. Tinignan ko siya saglit at nakitang kumakaway saakin.
"is that Marga?" tyrone questioned
"uh-uhm yes"
"okay hang up the phone baby, I'll call you later.''
"okay, call me then"
"yes. I love you"
"I.. I love you too" at in-off ko ang tawag, lumapit ako kina Marga at kuya Harry.
"Tori! tignan moa ng rami naming nakitang starfish ang gaganda"
"oo nga" I responsed
"piktyuran ko kayo" sabi ko at kinuha ko ang camera kay kuya harry, agad namang lumapit si kuya ka Marga. Namumulamula si marga nang inakbayan siya ni kuya.
"okay one.. two.. three.. say cheese"
"isa naman" sabi ni kuya harry at tumawa ako.
"kay, one... two.. smile" tinignan ko ang picture nila at nakita kong idiniin ni kuya si Marga sa dibdib nya at mukha tuloy silang nagyayakapan.
"ang sweet nyong dalawa" I teased them at agad na binigay kay marga ang cam. Tumalikod ako at pumunta sa lilim para mag palamig. Tinitgnan sina marga na nag-uusap kasama si kuya Harry.
Pano kaya kung narito rin si Tyrone, sana nandito siya. Kaya kinuha ko ang phone ko at tinext siya.
Me
I miss you already.
Di nag tagal ay nakatanggap ako ng reply nya.
"I miss you more, when you get here I wanna kiss you; can I kiss you?" I smiled upon reading his text. He really is a gentleman, I thought
"I'm yours tyrone, I'm yours" and I pressed the send button.
~~
PLUG ALERT!
New story uploaded, Entitled. "For you I will"
Check it out guys :)
Vote
Comment
Share
Follow me :)
BINABASA MO ANG
Something Real
Teen FictionThis story was made by plain imagination of the author. So this is my first story guys, your supports are needed :* I am trying to make this story a very natural one, yung tipong ginagawa at nagaganap sa totoong buhay natin. i hope you'll appreciat...