It's Christmas day! Yepeeeee! At dahil Christmas nga ay eto ako, nagluluto ng specialty ko. Carbonara, paborito ko kasi ito kaya pinaghirapan ko talagang aralin at nagging paborito na rin kasi ni mama at papa. Masarap daw kasi, ewan ko ba kung totoo ba o dahil anak lang talaga nila ako.
Hapon na ng natapos naming lahat nga putahe namin, medyo marami kase ang iba ay dadalhin naming sa Davao. Kanina pa ako patingin-tingin sa phone ko pero walang nag ti-text oh di kaya ay tumatawag. Medyo naiinis na ako, ewan ko ba kung bakit.
akala mo ha, hindi rin ako mag te-text oh tatawag sayo no! hinampas ko ang phone ko sa kama. E'kampante naman ako ang malambot ang kababagsakan nito so walang problema. Napagdesisyonan kong maligo nlng para mapalamig ko ang ulo ko.
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang phone ko at may tinawagan.
"hello! Pangit!"
"I am not ugly im not like you so drop that"
"hahahahaha. Margarita anong plano mo bukas?"
"wala! Ikaw? Wala akong kasama sa bahay, mag du-duty kase si mother-hood!"
"gusto mong sumama?"
"saan ba? Where at?"
"papunta kaming Davao, uhm tomorrow"
"talaga? Sige! Sasabihan ko si mama! As in now na!"
"haha okay bye! Ang gift ko ha! Merry Christmas"
And I dropped the call. Bumaba ako sa sala para kausapin si daddy."
"daddy! Pwede ko bang isama si marga. Pleaaaaase!"
"why not anak?" pina-upo nya ako at inakbayan. "pwede mo syang dalhi, syempre pero dapat magpaalam siya sa mama nya. Baka malintikan na naman tayo nun."
"okay daddy"
Sumapit ang gabi at ilang oras nlng at mag papasko na. Naligo ulit ako kasi nanlalagkit na ko sa pawis ko. Nag simba kami ni mama at papa at nilakad lang naming ang chapel, malayo-layo rin kase ang distansya ng simbahan at bahay namin, chineck ko ang phone ko pero wala paring nagtitext maliban kay Marga. Binasa ko iyon.
Margarita(drama queen)
Pinayagan ako ni mommy! Yipiiiie! Kalian tayo pupunta?
"sa susunod na araw" reply ko. At linagay ko ang phone ko sa kama at bumaba. Itinuon ko ang sarili sa pagsalubong sa pasko ayokong sirain ang mood ko sa isang bagay na hindi naman dapat ikinagalit. "busy lang siguro tori" I convinced myself. Pero aminado akong hindi ko parin mapapagaan ang loob ko dun.
11:00 ng gabi at isang oras nlng ay pasko na ng may tumawag saakin.
"hello" sagot ko.
"tori nasa labas ako, please pumarito ka" nagulat ako sa sinabi nya at nararamdaman ko ang mga tambol sa puso ko.
"tori. Are you there?"
"aah-ah. Okay papunta nako", kinuha ko ang paper bag sa kwarto ko at bumaba. "mama, papa. Lalabas lang po ako, ibibigay ko lang tong regalo"
"kanino anak?" Tanong ni papa
"kaibigan papa" sagot ko
"go anak! You can go" my mom smirked at tumakbo ako palabras. Nakita ko siya sa harapan ng bahay naming naaka motor."
"nag motor ka lang?"
"oo." He smiled
"eh! Delikado yan!"
" hindi ako kaskasero Victoria. Sorry pala kanina hindi ako nakatawag o nakatext na busy kase ako. Chef eh." He flashed a smile and all my disappointment was gone. How could someone do that? Who can easily vanish your disappointment by just a smile..
"here!" he gave me a red rectangular box. "open it"
So I opened the the box and ashtonished when I saw what's inside.
"a necklace."
Ang ganda ng necklace. May heart-shaped amethyst pendant. Kahit birthstone ko alam nya. I nearly cried pero pinigilan ko.
"thankyou" at binigay ko ang gift ko.
"eto yung sakin, please open it." Binuksan nya yung paper bag at binasa nya ang nakasulat sa T-shirt.
"I have fallen inlove with you" tinignan nya ako
"sinasagot mo na ba ako Tori?" nakita kong nangangaligid ang luha sa mata nya.
"YES! Tyrone"
"Tori, this is the best gift ever"
"I'm not yet over Arone" I tiptoed and kiss his cheek. At tuluyan nang tumulo ang luha nya he hugged me so tight and I hugged him too. Narinig ko ang sigawan ng mga kapit-bahay naming. "Merry christmas".
"Merry Christmas my love" sabi nya
"Merry Christmas din mahal ko"
Tinignan nya ako sa mata, at dahan-dahang nyang niyuko ang ulo nya and then he kissed me, on my forehead.
"THE MERRIEST CHRISTMAS EVER!" sigaw ko at tumawa siya. We hugged each other and all I felt was EUPHORIA.
[A/N]
Sinipag po ang bakla so two chapters updated. :)
Leave a comment.
Don't forget to vote
Follow me'
love ya' all

BINABASA MO ANG
Something Real
Teen FictionThis story was made by plain imagination of the author. So this is my first story guys, your supports are needed :* I am trying to make this story a very natural one, yung tipong ginagawa at nagaganap sa totoong buhay natin. i hope you'll appreciat...