Chapter Eighteen

1.2K 46 1
                                    

K's

"So, yun nga yung nangyari. Sorry talaga, Kath.." Pagpilit ni Zharm, um-oo na lang ako. Kulit eh.

"Nangyari na." Kibit balikat ko na lang na sabi.

Dahil pala iyon kay Khalil kaya nagpakalasing. Aba'y na-friendzoned. Gaga talaga nitong babae na 'to. Sinabi nang wala syang pag asa kay Khalil dahil mukhang may girlfriend na ata iyon o nililigawan, kana pa rin ng kana.

"Ikaw naman kasi Miles, bakit kasi sinabi mo pa sa kanya?" Tanong ko sa nakatulalang si Miles, habang nakaupo ito sa sofa. Andito kasi kami ngayon sa sala ng unit nya.

"Hindi ko na kasi kaya." Nagsimula nanamang nagpati-unahan ang luha nya.

"Makakahanap ka rin ng mas better sa kanya." Payo kuno ni Zharm. Tss.

"Wag mo na kasi syang pagtuunan ng pansin." I said while sipping on my coffee.

"I can't nga kasi bes." Pinunasan nya ang basang pisngi nya ng panyo.

"Lets hang out na lang kaya?" Suggest ni Zharm. "Punta tayong La Union?"

"We still have classes tomorrow, Zharm." Paalala ko rito.

"Yeah right." Napabuntong hininga na lang ito.

"Okay na ko, girls. I just need some  time alone. Chat you later na lang?" Finally lumingon na rin ito samin and she faked a smile.

"You sure you're gonna be alright?" Tanong ko rito. She simply nodded. Mukhang wala namang magiging problema kaya umalis na kami sa unit nya at nagpaalam. Umalis na rin si Zharm, sinabing may pupuntahan sya.

Dahil wala naman akong lakad or whatever, umuwi na lang ako samin. Hindi kasi ako nakauwi kagabi. You know why.

While waiting for a taxi, naisipan kong tawagan si Khalil. Chikahin ko 'to kung ano napag usapan nila ng best friend ko. Bakit kasi finriendzone ng loko?

"Lil!" Bati ko rito pagkasagot.

(Kath. Napatawag ka?)

"Uh gusto ko sanang malaman kung ano nangyari kagabi.. Miles' depressed eh.."

(About that?)

"Oo."

Napatahimik ito saglit.

(Uh.. Ano kasi.. She told me she liked me eversince we became school mates. I don't know how to response, alam mo na siguro na may nagugustuhan akong iba.. Ayoko namang saktan sya..)

"I get your intention."

(Yun nga.. I told her na friends lang talaga ang tingin ko.)

Maya maya ay may dumating ng sasakyan sa harap ko. Pero dinedma ko ito. I know who own that damn vehicle.

Pinagpatuloy ko na lang yung conversation namin ni Lil.

"Wala ka talagang pagtingin sa kanya? You hurt her. But I cannot blame you for doing the right thing."

Bumaba yung sakay ng vehicle pero dedma pa rin.

(You don't know how much guilty I am, Kath.. Pero hindi ko kasi pwedeng suklian yun ng labag sa kalooban ko..)

"Kath." Tawag sakin ni Dj. But I care less. Lumayo na lang ako sa kanya.

(Who's that?)

"Uh, just someone. Later na lang kita kausapin, Lil. Sasakay pa ko ng taxi."

(Um sige Kath. Later.)

Pinatay ko na yung call, pero hindi pa rin sya umaalis sa harapan ko.

"Kath, please naman o." He pleaded.

She's a Gangster?! (KathNiel fanfic ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon