Chapter Twenty Five

157 5 1
                                    

Kath's

"Good job, Dark Queens. Hindi talaga kayo pumapalya nitong mga nakaraang laban natin." Nakangising pagpupuri sa amin ni Master J. Natalo na naman namin ang Faeries. Tulad ng Uno Star, may mga lalaki din na miyembro ang gang na ito. Pero syempre, dahil sa kahusayan namin, sisiw na lang yon.

"Syempre naman, Master." Nakangisi ding sagot ni Miles. Kahit kailan talaga itong babae na 'to.

"Eto na ang last na laban natin para sa buwan na ito. Aware naman kayo sa Last Gang Standing na magaganap sa Linggo, right?" Paalala muli ni Master sa amin. Ngunit wala doon ang isip ko. Parang natutuliro yata ako. Hays.

"Makakaalis na kayo." Pagkatapos ay binigyan kaming lahat ng daily paycheck ni Master.

Bumalik na kami ni Miles sa motorbikes namin. Himala tumahimik bigla itong isa na 'to. "Problema mo?" Tanong ko rito.

"Wala. Naiisip ko lang yung Last Gang Standing. Akala ko, Last Man Standing iyon?" Tila wala sa sariling sambit nya. Napatawa ako ng bahagya.

"In-upgrade, malamang." Nagkibit balikat ako bago pinaandar ang motorbike ko. "Tara na." Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko. Hindi ko na ito pinansin. Baka si Daniel lang yon.

Kinabukasan, para akong zombie na gulo gulo ang buhok at nakaupo lang sa kama. Kakagising ko lang at natutulala. Paano ba naman kasi.. ginugulo ako ng mga plano ko. Ang gulo gulo ng utak ko ngayon.

Itutuloy ko pa ba? Masyado ng napalapit sa akin si Daniel. At iyong kay Z.. Parang gusto ko ng matapos kaagad iyon. Kausapin ko kaya si Miles tungkol dito? Ngunit hindi pa sapat ang naiisip kong plano para mapatumba ng tuluyan si Z. Kailangan ko pang mas maging maingat para hindi ito makarating sa aking pamilya. Ayokong madamay silang muli.

Nawala bigla lahat ng iniisip ko ng marinig kong mag ring ang phone ko. Shems. Nakalimutan kong ibalik ang tawag kagabi ng mokong.

Sinagot ko ito.

"Oh?"

(Where are you, Kath?)

"Bahay malamang." Papilosopo kong sagot. Napairap ako sa kawalan. Mga tanungan talaga ni DJ, oo.

Narinig ko syang nagbuntong hininga. (Be ready in ten.) Pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Ano daw?

Kikidnapin nanaman siguro ako ng loko. Makapaligo na nga lang!

Pagkatapos kong maligo at mag ayos, bumaba ako at dumiretso sa kusina para sana kumain. Nagluluto na ko ng eggs with bacon ng may nag doorbell. Nasaan ba sila Mama? Umalis ba? Bakit wala sila dito?

"Waits!" Tumakbo ako papunta sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sakin ang gwapo- este ang kwagong si Daniel.

"Aga ah." Tinalikuran ko na sya at hinayaang makapasok. Pumunta na ko sa kusina at tinuloy ang pagluluto. "Kumain ka na ba?"

"Aayain nga sana kitang kumain sa labas eh. Pero sige. Ipagluluto mo ba 'ko?" Nakangisi namang sabi nito habang umupo sa sofa at sumandal doon.

"Hindi. Kakainin mo ng hilaw 'to." Papilosopo ko uling sagot.

"Korni mo." Natatawang sabi nya. Tiningnan ko ito para irapan at napansin na nakamasid lang sya sakin habang pinagpapatuloy ko ang pagluto.

"Tss." Inirapan ko na nga. "Wala pala ako sa linggo."

Nakita ko syang tumayo sa peripheral vision ko. "Bakit? Ano namang gagawin mo sa linggo?" Lumapit na sya at sumandal sa fridge habang pinapanood ang bawat kilos ko. Napailing na lamang ako. Ano ba yan! Nadidistract ako.

She's a Gangster?! (KathNiel fanfic ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon