Chapter Twenty Six

299 6 1
                                    

Kath's

"Ayan! Sige rampa!" Sambit ng kasama naming babae na kasing edad lang din ata namin ni DJ. Bantay din sya ng isa sa kaklase ng kapatid ko.

Nagtataka siguro kayo kung ano ang kaganapan?

Ang group study ay nauwi sa rampahan ng mga bata. At pinag pipicturan nitong mga loko lokong bantay. Hays. Pero infairness ah, ang ganda nung batang babae. Kabata bata pero modelo na ang datingan.

"One.. Two.." Click!

Ayan lang ang group study na pinuntahan namin. Pati itong si Jojo ay nakaporma na din. Di ko maiwasang mapailing. Pero itong katabi kong si DJ, abot ang ngisi na para bang aliw na aliw sya sa mga bata.

Naramdaman ko na lang na nag vibrate ang phone ko. Miles? Napatawag? Bakit kaya? Sinagot ko naman ito.

"Yes?"

(K. Emergency. Si Master nakidnap!)

Shit. Eto na naman tayo. Back to reality.

"Sige. Papunta na ako." Inend ko na agad ang tawag.

"Can you stay here for a while, DJ?" Pakiusap ko sa kanya na nakatingin lang sakin kanina pa nung tumawag si Miles.

"Bakit? Sino ba yun?"

"Si Miles. Meron kaming girl thing emergency. Magta-taxi na lang ako. Pakibantayan si Chojo ah?" Hindi ko na hinintay ang sagot nya at tumakbo na palabas at nagpahinto ng taxi. Sumakay na ako kaagad ng may dumaan at sinabi ang address ng usual meeting place ng Dark Queens.

Miles'

Bakit ang tagal naman ni Kath? Jusko.

"Nasaan na si K?" Maya't mayang tanong nitong ni J2. Akala mo eh napakalaking tulong nya, pero sya ang pinaka malamya samin. Masyado kasing Maria Clara.

Hindi ko na ito sinagot at luminga linga na lamang sa paligid. Please hurry up, Kathryn.

Pamaya maya ay may huminto na ding taxi sa medyo malayo at nakita kong bumaba dito si Kath na naka dress pa ng kulay blue, abot hanggang tuhod. Hindi pa nakapag palit ang gaga!

Pagkaalis ng taxi ay lumapit na kami kaagad sa kanya.

"Ano na ang plano?" Sambit nya kaagad paglapit namin.

"Magbihis ka muna, K." Suhestyon ko. Pumunta na kami sa loob ng bahay na pag mamay ari ni Master, na kung saan binili nya para lamang sa gang namin.

Pagkatapos magbihis ni Kath ay sumakay na kami sa kanya kanya naming convoy, at dumiretso na sa location kung saan natrack ni N ang phone ni Master. Nawala na ang natrack nya.. Na napredict naming namatay na ang phone ni Master o di kaya'y nakuha na ng kidnapper nya. Tinawag na din namin ang aming mga gang allies kung sakaling mapanganib kami at para mag silbing back up namin.

"Bilisan natin. Wag ng babagal bagal at pabebe. Baka kung ano na ang ginagawa nila kay Master." Saad ni Kath sa malamig na boses. Bumalik na ang malamig nyang tinig ah.

Pumarada kami sa kabilang building at hindi sa mismong lugar kung nasaan ang natrack namin. Nanguna na si Kath at maya maya'y napansin sya ng bantay sa harapan ng malaking pintuan ng building.

"K, look o-" Hindi na natuloy ni N ang nais nyang sabihin ng biglang pinulupot ni Kath ang braso ng bantay at hinagis sya ng parang isang unan sa bakal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's a Gangster?! (KathNiel fanfic ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon