Revised
Nadia's Pov
Pagkahatid ko sa gate ni Eonne ay pumasok na ako sa bahay . Magaan ang loob ko sa batang 'yon alam kung may mabuti syang puso kahit na wala kang makikitang emosyon sa mata niya. Naawa rin ako sa kanya dahil ulila na pala siya. Pupunta na sana ako sa kusina ng may magsalita.
" Umalis na ba ang babae Ora Nadia " tanong ni Xavier sa akin. Nagulat naman ako dahil hindi ko naramdaman ang presensya nya .Dahil siguro sa lalim ng iniisip ko kanina. Humarap ako sa kanya at ngumiti "Oo, umalis na sya Xavier hinatid ko sa gate. Saan ka ba kanina at hindi kita nakita? Hinanap kita para sana maipakilala kita sa kanya" ani ko
Siya si Xavier Aranea ang nagmamay ari ng bahay.
Ora - Ang tawag sa mga tagapangalaga o di kaya ay kanang kamay.
Umupo naman kami sa inupuan ni Eonne kanina at nag usap kung kumusta na ang engkantadia hanggang sa ----
" Bakit nga pala nakapasok ang babaeng yun dito Ora . Hindi ba walang nakakapasok sa gate nang kung sino-sino lang? Tanong niya sakin.Yan din ang pinagtataka ko dahil wala namang makakapasok dito kung hindi kauri namin. At ang sabi ni Eonne kanina na bukas daw ang gate nung pumasok sya.
"Oo nga Xavier yan rin ang tanong ko. Pero sabi naman ni Eonne na bukas daw ang gate nung nakapasok sya. Nakakapagtaka talaga" sabi ko. Tumango naman si Xavier at napasigh nalang ." Nga pala Xavier kailan ang balik mo sa Engkantadia ?" Tanong ko.
" Bukas na po ako ng hapon babalik sa Engkantadia Ora Nadia ,Dahil sa susunod na araw ay pasukan na po. " sabi nya .
" Kung ganun, magpahinga kana ng maaga sa kwarto mo. "
" Sige po " paalam naman niya sakin.
__________________________________
Eonne's Pov
* Clas dismissed *
Agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko para umuwi na. Habang naglalakad ako sa corridor ay tumatabi ang mga tao na para bang may malala akong sakit habang dumadaan ako. Makikita sa mukha nila ang takot . Takot pero hindi katulad ng iniisip nyo . Takot sila dahil sa mukha ko. Baka mahawa daw sila sa sakit ko . Hindi naman ako nasasaktan dahil alam ko sa sarili kong maganda ako kahit ako lang ang nakakakita sanayan nalang yan .
* tsssk *
Habang papauwi na ako ay nakita ako ni Aleng Nadia at ako'y kanyang tinawag.
"Eonne mabuti't nakita kita. May niluto akong adobo at nilagang baboy baka gusto mong kumain muna." At dahil gutom na rin ako ay di na ako tumanggi, grasya na yan tatanggihan mo pa. Para narin makatipid ako. " Sige po " tangi kong sagot. Wala narin kasi ako sa mood magsalita dahil sa nangyari kanina.
Pumasok na kami sa loob at nagtungo sa kusina . Agad naman akong kumain dahil gutom na gutom na ako. Nakailan na rin ako ng kuha nang kanin at ulam.Pagkatapos kong kumain ay iginiya nako ni Aleng Nadia sa sofa at nagpaalam itong may gagawin saglit.
Dahil narin sa wala akong magawa ay lumabas ako nang bahay at pumunta sa hardin. Nang malapit na ako sa hardin ay may narinig akong nag-uusap na parang nagpapaalam . Nagtago ako at nakinig sa pinag-uusapan nila .
"Mag-iingat ka dun Xavier ,ikamusta mo nalang ako sa iyong ama't ina " Aleng Nadia .
" Kayo rin po , mag-iingat kayo dito " sabi nang nag ngangalang Xavier. Baka ito yung naririnig ko kahapon nung kaluskos sa taas. Papasok na sana ako sa loob nung narinig ako ang sabi ni aling nadia
" Pumasok kana sa portal Xavier at baka makita pa tayo ni Eonne dito." Alalang sabi ni Aleng Nadia.
Nang wala na akong narinig na nag.uusap ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Tumuloy ako sa paglalakad patungong hardin at wala na sila Aleng Nadia at yung kausap niya . Pero ang pinagtataka ko ay ang narinig ko. Portal ? Anong portal ?. Nang makarating ako sa hardin ay may nakita akong parang lagusan na nagliliwanag . Nakaramdam naman ako nang takot dahil nung pumunta ako dito kahapon ay wala pa ito. Lumapit ako dito at tinangkang hawakan ngunit mali pala ang desisyon ko na lumapit dito dahil para akong hinigop papasok . Wala akong nagawa kundi ang sumigaw ng sumigaw. Ang tanging nadinig ko lang ay ang pagsigaw ni Aleng Nadia. Hanggang sa mawalan na ako nang malay.
____________________________________
A/N:
Bitin ?? alam ko po yun hehehe..
See you on next update.Vote naman po kayo at comment. Sensya na po kung wala pang cover ang story ko. Tulungan niyo naman po ako ,,please
BINABASA MO ANG
The Lost Powerful Princess
Viễn tưởngEonne is a gangster,she's heartless,emotionless and cold.She don't have a friend and she don't have a parents.Everyone scared at her. But what if she discovered that she have a power?.Anong mangyayari kung makakapasok siya sa mundo nang ENGKANTADIA...