Chapter 4: Enchanted Academy

16.5K 608 11
                                    


Revised

Xavier's Pov

" Hay sa wakas nandito na ako,kailangan ko nang umuwi dahil mag gagabi na." Sa isip ko.

Pumito ako para tawagin ang Ykarus para makauwi na sa academy.

Ykarus - ito ay isang malaking kabayo na may mahahabang pakpak. Ang kulay nito ay dilaw . Kung ihahalintulad ay tinatawag ito ng mga mortal na Pegasus.

Sumakay na ako sa Ykarus at di nagbilang sandali ay lumipad na ito nang napakabilis.

Hindi alam ni Xavier na may nakapasok palang iba sa portal. Dahil nung paglipad nya ay yun din ang pagpasok ni Eonne. Na walang malay tao.

----------------------------------------

Eonne's POV

Minulat ko ang mata ko dahil sa sinag ng araw. Nagtataka ako kung bakit nasa lupa ako natulog at bakit hindi sa kama at dun ko naalala ang nangyari nasa lumang bahay ako at may nakita akong portal at nilapitan ko hanggang sa hinigop ako nito.

"Anong lugar ba 'to?" Tanong ko sa sarili ko. Nandito ako sa gubat. Tumingin ako sa likod ko at may isang puno na napakalaki na parang kweba. Iginala ko pa ang mga mata ko at may nakita akong mga hayop na nakatago sa mga puno .yung iba sa mga halaman. Tumayo ako at naglakad lakad, Alam kung hindi normal ang nasa paligid ko. Ramdam ko yun. Kumunot ang noo ko nang may nag uusap. Tumingin ako sa likuran at nagulat ako dahil may mga rabbit akong nakita at ang lalaki nila

"Ano to? Nasa shooting ba ako? O di naman kaya'y nasa wow mali ? " Tssk! Mukha na akong baliw na kinakausap ang sarili ko meron ba namang rabbit na malaki hanggang hips ko. Lumapit naman sa akin ang dalawang rabbit at inikutan ako at laking gulat ko na nagsalita ang isang rabbit na kulay dilaw.

" Siya nga! Siya yung naiwanan ni prinsipe Xavier sa tapat ng portal! " at ngumiti ng malaki. " sigurado ka ba dyan lily?" Tanong naman ng isa na kulay Bughaw "Oo ! Siguradong sigurado ako dyan lilyn. " hindi ko na nakayanang makisabat sa pinag uusapan nila dahil nagtatalo na sila kaya nagtanong ako.

" Teka lang! Wag kayong mag away! Oo lily ako yun .So kilala niyo si Xavier? nasaan sya ngayon? "Tanong ko kay lily. Lumaki naman ang mata nila at natakot dahil siguro sa boses ko.

" N-naiintindihan mo kami" utal na tanong ni lilyn. Tumango nalang ako dahil walang kwenta ang tanong niya. Napasinghap naman sila at sabay na nagsabing imposible pero mahina lang. Nagkatinginan naman sila at sabay ring tumingin sakin. napatssk nalang ako.

The Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon