CR'22 [Good Boy]

42 3 0
                                    

Einna's POV

so Thursday na ngayon pero wala padin kaming nagagawang theme ni JB para sa performance namin bukas, balita ko pa naman ang battle ng flairing bottle ang isa sa highlights ng competition, at talagang inaabangan ito ng mga istudyante, tsk tsk, JB patay ka sakin pag wala tayong nai-perform bukas ayokong ayoko pa naman nang napapahiya hayst.. inayos ko na ang gamit ko pati nadin ang sarili ko para pumunta sa school, sa function hall kung saan kami nag papractice ni JB dun ako tutuloy.

habang naglalakad ako papasok hindi padin nawawala sa isip ko kung anong gagawin namin bukas, nakakapag-ensayo naman kami ni JB pero parang walang pupuntahan yung ginagawa namin, napapailing nalang ako tch, pero kung iisipin ayos din naman pala yung mga ginawa namin dahil mas naging malapit kami sa isa't-isa, hindi ko napansin na malapit na pala ako sa HRM department kaya dumaretso na ko sa function hall, walang tao sa loob, wala padin si JB, kumuha ako ng dalawang empty bottle ng alak, at pinaikot-ikot ito sa palad ko, ihinahagis ko ang isa sa ere at aantayin itong bumagsak sa mga kamay ko, bawat pag ikot ng bote dapat ay may tyempo kun'di ay lalaglag ito, nagawa kong pagsabay sabayin ang tatlong bote, habang hinahagis ang isa, sasambutin ko naman ang isa pa, namamaster ko na din ang bottle joggling

Third Person's POV

habang nag-papractice si Einna sa loob ng Function room, naglalakad naman si JB sa hallway, pinagtitinginan sya ng mga kapwa nya estudyante, hindi naman maitatanggi ang taglay na kakisigan at kagwapuhan ng binata, may katangkaran din sya kaya mas nakakakuha ng atensyon ng lahat, naabutan ni JB si Einna na nag papractice, naka-ngiti itong pumasok sa loob at nakakalokong tinitigan si Einna na napatigil naman sa kanyang ginagawa

"oh andyan ka na pala!" sigaw ni Einna

"oo bakit? teka mainit ata ulo mo?" tanong ni JB

"tsk ako lang ba nag-aalala dito para sa competion natin bukas?"

"syempre Einna hindi no, pero pwede bang halika muna? samahan mo muna ako, maaga panaman ohh" pinakita ni JB ang kanyang relo at hinila ng mabilis si Einna palabas ng Function Room

"saan ba tayo pupunta? teka JB nakakaladkad ako!" pagpupumiglas ni Einna

"basta" patuloy padin sa paghila si JB

"tsk dahan-dahan lang, wag ka nang manakbo nakakaladkad nga sinabi ako"

"okay sorry, basta samahan mo muna ako"

"ano pa bang magagawa ko eh hindi mo na nga inantay yung sagot ko kung papayag ako"

"tch oo na wag ka ng maingay dyan" mabilis padin ang lakad ni JB pero sapat na para hindi makaladkad si Einna, lumabas sila ng school at sumakay ng Jeep, tahimik lang sila sa loob ng jeep.

"san'ba tayo pupunta? bakit nag jeep pa tayo?" asar na tanong ni Einna

"sa mall" normal na sagot ni JB

"sa mall?!!!" gulat na reaksyon ni Einna, humarap pa siya sa mukha ni jb

"seryoso?" Einna

"oo nga, bakit ganyan reaksyon mo ngayon ka lang ba makakapunta ng mall?"

"hinde no!, ang akin lang naman aba! may gana ka pang mag mall eh bukas na yung battle nartin"

"ano ka ba Einna magtiwala ka lang sakin"

"pag tayo lang talaga napahiya bukas sinasabi ko sayo"

"hindi yan, magtiwala ka nga lang eh"

"oo na, teka hindi pa pala tayo bayad" Einna

"oo nga pala, teka E-Einna ano? ahh? panong ano, ahh..." -JB

"anong ano???" -Einna, lumapit si JB kay Einna, bumulong ito

CROSSING REALITIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon