CR'14 [training with Lhara]

182 10 0
                                    

<pre>CR'14 [training with Lhara]

maliban nalang kung------- wag naman sana.........

Lhara's POV

ilang araw nadin ang nakalipas, araw ngayon ng linggo at sinigurado kong nakapagpahinga na si Einna ng husto ayoko naman mapahamak ang kapatid ko no... dahil magtetraining kaming dalawa ngayon, oo kaming dalawa lang kasi nga wala ng ibang tao dito maliban nalang saaming dalawa dahil nasa labas na sila ng mansion upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga tao...

"Einna!!!" sigaw ko habang hinahanap sya, kanina ko pa kase yun ginising pero hindi padin nababa, tch mapuntahan na nga lang ulit, inilabas ko ang pakpak ko at lumipad pataas, pagbukas ko ng pinto ni Einna--

"EINNA!!!!!! KANINA PA KITA GINISING HANGGANG NGAYON NAKAHILATA KA PA DIN DYAN!"

"ate mamaya na kase" pupungay pungay pa ang mata dya habang sinasabi yan

"anung mamaya eh tanghali na nga, halika na pag hindi kapa bumaba dito, magigising ka sa gagawin ko sayo..."

"eto na nga, naman kasi eh, ang aga aga ng bubulabog" -bulong nya

"anung sabi mo?" mataray kong tanong

"wala po, sabi ko maliligo na po ako"

"buti naman, bilisan mo! dito na kita iintayin sa kwarto mo at baka makatulog ka nanaman"

"alam mo ate bahala ka" -pumasok sya sa banyo at narinig ko ang pagpatak ng tubig, naupo ako sa kama nya ng may mapansin akong bagay sa side table na nakapwesto sa tabi ng kama (malamang side table nga eh -_-) kwintas na may apat na kulay, brown, red, blue at clear oh well wala namang kakaiba sa kwintas na to maliban nalang ng hawakan ko, parang may buhay yung kwintas, sinuri ko pang mabuti tsaka ko ibinalik sa side table ni Einna... ilang minuto din ang nakalipas sawakas natapos din sya sa pagpaligo, lumabas sya ng banyo na nakaayos na...

"halika na" tumayo ako at naunang bumaba sa training ground

>>>TRAINING GROUND<<<<<

Einna's POV

sumunod lang ako kay ato, grabe tinatamad akong kumilos ngayon hindi ko din alam kung bakit, hindi naman ako rereglahin -_- pero iritang irita ako sa sarili ko, pero wala padin akong magagawa takot ko nalang marinig ang pambasag ng bote na boses ni ate... sumunod padin ako sa kanya kahit na tamad na tamad ako.

andito kami ngayon sa training gound para kumain 'de joke, para talaga matulog, ok joke ulit, hinde para naman talaga to sa pag te-training para san paba?!

"ilabas mo na" -ate Lhara,

"ang alin ang ilalabas ko?" -umarte pa kong humawak sa dib dib na parang gagahasain

"seryoso ako Einna -_-" umayos ako ng tayo at---

"seryoso din ako ate" hinawakan ko ulit yung dibdib ko at sumandal sa pader at nag walling para mas ramdam yung drama na parang nirerape ako hahaha-- eh O.o patay nakasimangot na si ate

"oo na ate eto na nga smile ka muna" nakangiti ako habang sinasabi yan

"-_-" eto lang ang mukang ibinigay nya sakin

"haysst eto na nga po"....

nagconcentrate ulit ako at---

Lharas POV

"haysst eto na nga po"....-Einna

pumikit si Einna, inilagay ang kanyang dalawang kamay sa tagiliran, umiihip ngayon ang malakas pero hindi naman mabigat na hangin, nakatitig lang ako sa kanya, unti-unti nyang ibinuka ang mga palad, pagkabukas na pagkabukas ng kaliwa nyang kamay lumabas ang napakaganda at napakakintab nyang gintong pakpak pati nadin ang guardian gown nya may balahibo ng werewolf sa mga edges nito, werewolf? ibig sabihin nakuha na nya ang kapangyarihan ng pagiging werewolf? ngunit sabi sa propesiya pagsapit nya ng eighteen years old makukuha ang iba nitong taglay na kakayanan, naputol ang pagiisip ko ng mapansin kong itinaas ni Einna ang kanang kamay sa himpapawid, dahan dahan, at ng maituwid na nya ang kanang kamay may hangin na pumapalibot sa braso nya pataas, palabas sa palad, ilang saglit pa may kwintas na lumabas sa kamay nya, ito yung kwintas na nakita ko kanina sa side table ng kama nya, naghiwa-hiwalay yung apat na kulay sa apat na parte at nag form ng espada, ngayon ko lang din napansin na pati ang espada nya ay kulay ginto, makintab at makinis gaya ng mga pakpak nya... napatingin ako sa muka ni Einna na ngayon ay dahan dahan nyang iminumulat at tumambad sakin ang matatalim at mapupula nyang mata, na nag mula sa mga vamps, seryoso ba to? pati ang lakas na taglay ng mga bampira ay nakuha na din ng kapatid ko pero pano?, saan?, kailan?, ang daming tanong sa isip ko... ng magsalita sya

CROSSING REALITIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon