CR'15 [World of the living souls and humans]

199 9 0
                                    

Frances POV

>>>>>World OF the living souls and humans<<<<<

nasa harap ko ngayon ang apat na squad na pinamumunuan ng apat nilang captain, at ako ang naitalaga upang pamunuan silang lahat, kung baga ako ang head captain na mamumuno sa mga captain ng squads at ang captain naman ng apat na squad ay ang mamumuno sa kanilang mga squad members, bago namin malaman na sumasalakay na pala si Dayen muntikan na kaming mawalan ng pagasa dahil habang wala kami sa labas kinuhang oportunitad ito ng kasamaan para kumuha ng kaluluwa ng mga tao at gawin nila itong isa sakanila, yung iba naman ay tao na mismo ang kinukuha nila, binubura nila ang isipan, tinatanggal ang pagmamahal, hinihiwalay ang kaligayahan at tanging puot at galit lang ang tinitira sa puso nila, isa ito sa espesyal na kapangyarihan ni Dayen, akala namin huli na dahil sa kalahati na ng bilang ng mga tao ang nakuha nila, at ang kalahating bilang ang pinanghahawakan naming pag-asa ngayon, hindi ito ramdam ng mga tao na isa na sila sa lipon ni Dayen dahil iba't ibang paraan ang ginagawa nya para mapabilang ang mga tao sa kanya gaya ng pagiging sakim, pagtalikod sa diyos, pagsamba sa sarili at marami pang iba, na hindi alam ng mga tao na isa sa mga miyembro ng pamilya nila na hindi na ito ang mismo nilang kamag-anak, ang kapamilyang kinilala nila dahil ang kaluluwa nito ay nakasangla na sa kasamaan, nagpakalat din ang mga artista, mga kilalang personalidad si Dayen upang malinlang ang mga tao pagdating sa mga pinapanood nila, na unti unti na silang nahuhulog sa bitag o patibong ng kadiliman...

"bilang inyong headcaptain na naitalaga upang pamunuan kayo, hindi ko maipapangako pero gagawin ko ang lahat upang maipanalo natin ang laban na ito.." nasa may parang maliit na stage ako para elevated at sila naman nakahanay sa ibaba, nauuna sa pila ang captain ng bawat squads at sinusundan ng kanilang mga miyembro,

 Ang first squad ay pinamumunuan ni Kirsten na anak ni Apollo god of the sun, nagsanay din ang mga demigods kasama namin, at dito din nila naipamalas ang buo nilang kapangyarihan, nagbago ang kanilang anyo, mas lalong lumakas at kasabay nito ang pagtuklas sa kanilang mga bagong kapangyarihan... si Kirstein na captain ng 1st squad ay nagkaroon ng Archer na armas, at kahit anung layo ng target nya ay kaya nyang patamaan, kasama nya sa grupo si Melissa daughter of Aphrodite ang napakagandang demigod na kasama sa 1st squad, may armas din sya na espada sa likuran .na gawa sa pilak, hindi man sya ganun kadalubhasa sa pakikipaglaban nagagamit naman nya ang kanyang ganda upang akitin ang kalaban at tuluyang mahulog ang loob nito sa kanya, kasama din nila sila Vanesza at Phie ang dalawang Vampire na nagkaroon din ng espesyal na kapangyarihan, si Vanesza ay kayang magpalabas ng milyong milyong boltahe ng kuryente mula sa kanyang katawan, si Phie naman ay kayang maidetalya ang maaaring mangyari sa hinaharap ngunit hindi pa ito ganun kalinaw at patuloy parin nya itong pinag-aaralan.

Si Cristine naman ay sa second Squad ito ang pinamumunuan nya, sya ang anak ni poseidon, may malakas na kapangyarihan, kayang gamitin ang tubig kahit saan pa ito nagmula, at kung ang sandata naman nya ang pag-uusapan meron syang maliit na key chain na hugis tinidor at kung gustuhin nya, ito ay lalaki at magiging matalim na sandata, kasama nya si Roselle ang babaeng anak ni Hestia, si Hestia ay kapatid ni Zeus kaya pinsan nya sila Ira at Herbert, walang ibang sandata si Roselle kundi ang kanyang utak at puso, ang koneksyon nito sa puso ng kalaban ang nakakatakot nyang kapangyarihan, dahil kaya nitong patigilin sa pagtibok ng puso ng kalaban sa isang iglap lang, kasama din nila sa second squad sila JB at Dianne, neutral padin si Jb alam ko naman na malakas na siya noon pa, dahil ito ang pinaka-iintay nyang oras upang makapaghiganti kay Dayen na pumatay sa kanyang mga magulang, sinanay na din sya ni Guro kaya ganun nalang sya kagaling pagdating sa digmaan, samantalang si Dianne naman ay natuon sa pagpapalakas ng kanyang panga at mga kuko dahil ito lang naman ang magagamit nyang sandata sa mga kalaban,

CROSSING REALITIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon