CR'21 [good time]

124 7 1
                                    

CR'21 [good time]

Authors NOTE: please guise add nyo si france, ginawan ko na sya ng acct. oo sya si Frances Haida ang boyfriend ni Lhara ang head captain,, basta yan ang acct nya, for more info add him! --> (Frances Haida WP) thanks!!

Einna's POV

"Einna!!!" may sumisigaw ng pangalan ko...

"Einna gumising ka!!"

"Einna!!" pinilit kong imulat ang mga mata ko at nakita ko si JB na nasa harapan ko... pinagmasdan ko ang paligid at------

at pag-dilat ko nasa loob na ko ng clinic, pano ko napunta dito eh ang naalala ko lang naman sinusundan ko yung paru-paro ng may pangitain nalang ako na---

"Einna ayos ka lang ba?" pangungulit ni JB winawasiwas ang braso ko

"oy Einna bakit hindi ka nagsasalita, may amnesia ka ba!" teka ano bang nangyayari dito kay JB? tanong sya ng tanong pero in a nice way, bumubulong lang sya at pero enough naman para marinig ko, nakakaramdam ako ngayon ng hilo hindi ko alam kung bakit, si JB naman kulit padin ng kulit sakin...

"uy Einna kilala mo pa ba ko?" paulit-ulit ang tanong nya muka syang ewan, mukang private room sa clinic yung pinagdalhan sakin kase may table sa gilid na may prutas na parang nasa hospital talaga, umupo ako habang hawak ang ulo ko pero unti unti ng nawawala yung hilo, si JB naman inalalayan ako para maka-upo ng ayos... hindi ko padin sya pinapansin, binabaliwala ko lang ang mga tanong at sinasabi nya.

"uy Einna ano na?" sabi nya habang kinukulit padin ako ng kinukulit,

"wala ka bang konsepto ng pahinga?"

"meron kaso kase nag-aalala ako sayo"

"wala ka dapat ipag alala hindi naman malala ang nangyari sakin ohh"

"hindi nga pre ano ba kase talagang nangyari sayo?"

"hindi ko alam" sagot ko

"pero bakit ka nagpunta dun sa abandonadong class room?" tanong nya sabay lagay ng kamay sa baba na parang detective

"pano mo---"

"sinundan kita kanina Einna, tinatawag pa nga kita bago ka pumasok sa loob pero nakatingin ka lang sa itaas at parang may inaabot na kung ano, ang lakas na nang boses ko pero parang wala kang naririnig sa mga sinasabi ko" ang tanda ko lang bago ako pumasok eh sinusundan ko yung paru-parong itim, at wala ni isang tinig ang rumehistro sa pandinig ko...

"wala akong maalala JB" ang tanging kasinungalingang naisagot ko.

"nakita nalang kita sa sahig na naka-ratay kaya dinala na kita dito sa clinic"

"salamat"

"okay na ba pakiramdam mo Einna?"

"oo medyo nahilo lang ako pero nawala na"

"bukas nalang tayo mag practice ihahatid nalang muna kita sa bahay nyo" inayos ko na ang sarili ko, bago kami lumabas ng clinic eh nagbigay muna ng ilang paalala yung nurse,

pagbukas ko ng pinto sumalubong samin ni JB ang sariwang hanging mula sa matataas na puno sa likod ng school, bale dulong part na kase tong clinic dahil nga medyo malaki ito at katabi ng nursing department. unang lumakad si JB kaya sinusundan ko lang sya, napansin kong ang tinatahak nyang daan ay ang daan papunta sa kagubatan sabi sa mga kwento na kumakalat dito sa university ay may nakita daw na halimaw sa loob ng woods na ito matataas at may makakapal na dahon ang mga puno dito, unti unti ng lumulubog ang araw kaya lalong dumidilim tignan ang kakahuyan na tinatahak namin ngayon,

"JB san tayo pupunta?"

"diba sabi ko ihahatid na kita" sabi nya

"oo nga pero hindi dito ang bahay namin"

CROSSING REALITIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon