CR'12 werewolf's flashback

184 14 2
                                    

Einna's POV

papalapit na sakin ang halimaw na kanina pa parang galit na galit sa mundo mabilis syang tumakbo, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kahit gustuhin ko hindi ko magawa, malapit na sya,  bumagal ang pagtakbo nya pero hindi padin nagbabago ang itsura ng mukha nya, may galit, may poot, pagkamuhi, mga pakiramdam na nakikita ko sa emosyon nya, at may parang kung ano sa akin na nagsasabing wag akong matakot kahit isang mabangis na halimaw na ang nasa harap ko...

malapit na malapit na sakin ang napakalaking asong ito, iniharap nya ang muka nya sa muka ko, nakipagtitigan saking mga mata, ramdam ko din ang mainit at nakakatakot nyang paghinga, napansin ko din ang mga ngipin nya sobrang tutulis, parang bakal na hinulma upang maging isang pangil... ilang segundo din syang nakipagtitigan sakin, galit ang mararamdaman sa aura nya pero lungkot ang isinisigaw ng mga mata nya...

itinaas ng halimaw ang kanyang isang paa, dahilan para mapatingala ako dahil sa sobrang taas ng inabot ng paa nya lampas pa ng buong katauhan ko, ipinagdait ko ang mga palad ko at mahigpit na itinuon sa aking dib-dib, iniisip kong baka patayin nya ko sa pamamagitan ng mga kukong matutulis gaya ng ngipin nya pero nagkamali ako, itinuon nya ang palad ng paa nya sa noo ko, at BOOM! (wala akong maiisip na sound effects sorry) napapikit ako at may nakikita ako ngayong orasan pero pabalik ang takbo ng kamay nito, mabilis ang pagikot hanggang sa tumigil ito at biglang naglaho, pagmulat ko nasa ibang lugar na ako, wala na yung halimaw na aso, lumingon lingon ako para hanapin sila Vamps at Guardian pero wala, hindi ko sila nakita...

nasa gubat padin ako pero parang iba, ibang lugar hindi ito ang lugar kung saan ako nagpupunta kapag kakausapin ko ang mga kapangyarihan ko which is sila Vamps at guardian, hindi din naman ito ang gubat na pinaglabanan namin ni Fyrus, pwes nasan ako?

"Tao po!, may tao po ba dito?!" -sigaw ko habang naglalakad palabas ng gubat ng may-----

">BOOM!!!!< >BLAG!!<" -may naririnig akong mga pagsabog, malakas nakakabingi ang alingaw-ngaw nito, naglakad lakad ako hanggang sa naaninagan ko ang isang--- gera?

nagtago ako sa likod ng malaking puno para hindi ako tamaan, sumilip ako at nakita kong may grupo ng mga mandirigma, werewolves at yung kalaban nila ay parang tao pero ang pupula ng katawan nila, madugo, nakakatakot may mga sungay na tao na pumapatay sa walang kalaban laban na mga asong lobo, ang iba sa mga warewolves ay bata kase maliliit pa sila at tanging magtago sa likod ng ina nila ang nagagawa nila dahil kahit protektahan nila ang mga katawan nila hindi nila magawa dahil nga sa bata pa sila, may nakita akong mag-inang warewolves gaya ng ibang ina pinoproteksyunan nya din ang anak niya, punong puno na ng sugat ang ina pero hindi padin ito natigil kahit kitang kita na ang paghihirap nya hindi sya nasuko, habang takot na takot na yung anak nya dahil sa mga nangyayari, nagagawa padin ng ina nito na pakalmahin sya sa pamamagitan ng paghimas ng isang paa nito sa likod ng anak nya, may sumugod na kalaban sa mag-ina itinutok ng kalaban ang espada sa kanila at mabilis na sumugod para wakasan ang buhay, mabilis na sinalag ng ina ang espada at nagkasugat siya sa may batok malalim ang sugat at malakas ang pagdaloy ng dugo, sinakmal ng ina ang espada dahilan para mabitawan ito ng kalaban at itinapon ang espada sa malayo, muli lumingon ang ina sa kalaban at sunod na sinakmal ang ulo nito walang tigil sa pagwasiwas ang ina kahit tuloy tuloy na ang pagdaloy ng dugo ng kalaban hindi pa din nya ito tinigilan hanggang sa tuluyan na nya itong maputol, sa isang banda mukang natakot ang batang aso sa ginawa ng kanyang ina na ngayon ay hinang hina na, tumakbo ang batang asong lobo sa pwesto ko sa kabilang side ng malaking puno kung saan ako nagtatago at sumisilip lang sa mga nangyayari, tumigil sa pagtakbo ang batang asong lobo, lumingon sya sa ina na ngayon ay halos pagapang na kung maglakad, dahil sa sugat nya nahihirapan syang kumilos, malapit na ang ina sa kanyang anak, ibinaba nya ang ulo para makalevel sa anak, at dahan dahan ipinatong ng ina ang ulo nya sa anak para siguro maglambing dahil nga sa natakot siguro sa kanya ang anak, ng may isang babae ang papalapit sa amin pero di ko masyadong maaninagan ang muka, nakasuot sya ng mahabang damit, may mga feathers ito na itim, at bawat daanan nya na halaman, puno ay namamatay, lumapit ito sa mag ina at kinagulat ko na biglang may espada na lumabas mula sa likod nito at isinaksak ng tuluyan sa ina ng batang asong lobo na ngayoy hinihimas ng ina, nakapikit ang batang asong lobo, pero ang ina nya ay tinitiis ang hapdi at sakit waglang magambala ang anak sa pagnamnam ng bawat sandali kasama ang ina, bakas sa muka ng ina na nasktan sya... dahil may patak ng luha akong nakita mula sa mata nya

"WAG!!!!" -sigaw ko at lumabas na ko sa pinagtataguan ko, nakita ko kase na muling sasaksakin nung babae yung ina nung bata, lumabas ako at inisip kung anong pwedeng mangyari sakin baka ako ang isunod nitong patayin, 'ahh bahala na!' sabi ko sa sarili ko, pero---

paglabas ko sa pinagtataguan ko lumampas lang ako sa espada at sa naghahawak nito na balak kong pigilan, walang nakarinig sakin, at wala ding nakakakita, lumingon ako sa kanila at huli na ang lahat dahil nakabwelo na ang kalaban at-

"ammmppp ahh.." -tahimik na pagdaing ng ina, pero kahit anong pigil nya na huwag ilakas ang daing hindi padin ito nakatulong dahil napansin ito ng kanyang anak na gulat na gulat dahil siguro sa akala nya na ligtas na sila hindi padin pala, lumakad ang babae papalapit sa bata na walang nagawa kundi gumawa ng maliliit na hakbang papalayo sa ina na itinulak sya palayo para siguro sabihin na 'iligtas mo ang sarili mo anak ko' lumuhod ang babae na sumaksak sa ina, kinuha nito ang ulo ng nakaratay at naghihingalo na asong lobo, muli itinutok nito ang espada sa leeg, at walang alinlangan na pinugutan ng ulo ang asong lobo sa harap mismo ng anak nya, samantalang ako hindi makagalaw dahil sa mga bagay na nasaksihan ko, 

"HAHAHA" -tumawa lang ng malakas ang babae at lumakad palayo sa amin, lumapit ang anak sa ina na pilit tinutulak ng ulo nito ang paa ng ina para siguro ipagawa ulit dito kung paano nya iparamdam sa anak, kung gaano sya kaligtas sa tuwing hihimasin sya ng ina, sa tuwing magkasama sila, sa tuwing nasa ilalim sya ng pangangalaga nito, pero ngayon tapos na wala na ang ina na nagsilang sa kanya dito sa mundo...

hindi ko na kinaya ang mga nangyayari kailangan kong makita ang kabuuan ng lugar, inilabas ko ang pakpak ko, lumipad pataas, 

"anung nangyayari? nasaang lugar ba ko?" -tanong ko sa sarili ko ng makarating ako sa itaas at nakita ang lugar na punong puno ng apoy, at kung saan saang pagsabog, lumipad ako para makita pa ng masmabuti at baka meron din akong makita na nilalang na nakakakita sa akin, madaming bangkay ng asong lobo ang nakaratay sa lupa, duguan sugatan at walang buhay... ilang minuto din akong naglibot sa lugar ng maalala ko ang batang lobo baka kung anung mangyari sa kanya, kaya lumipad ako pabalik, bumamaba ako at nakita ko syang nasa ilalim ng balahibo ng ina, pinipilit nitong iyapos sa kanya ang mga paa nito, pero hindi nya magawa... napalingon sya sa di kalayuan at mabilis itong tumakbo papunta sa bagay na nakita nya,

ang ulo ng kanyang walang buhay na ina,.....

"awwwoooo!!!" -mahina at matinis na alulong ng batang asong lobo, pero ramdam ang pighati at hapdi ng pagkawala ng kanyang ina..........

A/N: nasan nga ba si Einna? next chap! haha :) salamat!

CROSSING REALITIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon