CR'10: world can't have her? {part 2!!}

222 15 6
                                    

 Einna's POV

napapikit ako dahil sa pagod, sakit at hapdi gusto ko ng sumuko, gusto ko ng isuko ang kapangyarihan ko, kung ito lang din ang dahilan upang makaramdam ako ng ganitong klaseng paghihirap isusuko ko na ang lahat, yung hapdi ng sugat kaya kong tiisin, pero ang sakit ng pakiramdam na mag-isa,

ang pakiramdam na inabanduna ito ang hindi ko kaya...

"Einna" may narinig akong tinig

"Einna!" kilala ko ang boses na tumatawag sakin sila to hindi ako nagkakamali

"Einna gumising ka" nakaramdam ako na parang may yumuyugyog sa akin

dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at naaninagan ko sila...

pinilit kong idilat ang aking mga mata, salamat naman at nagawa ko.. malinaw na malinaw kong nakikita ang mga mukha nila, kahit masakit parin ang sugat ko at ang buong katawan ko pinilit kong tumayo, inalalayan naman nila ko... at nagtanong nadin ako sa kanilang dalawa kung bakit ngayon lang sila...

"bakit nga-ngayon lang kayo?" -mahina kong tanong kila Vamps at Guardian

"Einna..." -sagot nila habang nakatungo

"ya-yan lang ba ang masasabi nyong sagot sa'kin matapos nyo kong iwan? ni hindi ko manlang naramdaman ang presensya nyo?"

"Einna sinubukan namin na lumapit sayo... sinusubukan namin na lumaban kasama mo... pero--" -sagot sa akin ni Guardian pero pinutol ko na ang pagsasalita nya

"pero ano!? bakit ngayon lang kayo?" -pinipilit kong sumigaw pero lalo lang akong nahihirapan, bakit ngayon lang sila? bakit wala sila kanina nung mga oras na kailangan ko ng kaibigan na magaalalay sakin para hindi ko maramdaman na mag-isa lang ako?

"Einna.. hindi kami makalapit sayo dahil hindi naman kami nageexist sa labas, andito lang kami sa isip mo... at hinayaan mong magpakain sa kapangyarihan ng kalaban mo," -seryosong sagot ni Vamps

"anung kapangyarihan?" -ako

"ang imanipulate ang galit sa puso mo... at ilabas ang lahat ng galit mo, at dahil nagtagumpay sya.. Einna nakulong kami sa isang bilangguan, bilanguuan ng pagkamuhi... at tanging ikaw lang ang makakapagpakawala sa amin... Einna hindi ka nag-iisa, hindi ka instrumento, isa kang kaibigan at madami kaming nagmamahal sayo..." Guardian

"Einna nasa puso mo ang iyong tunay na kapangyarihan" -Vamps.. unti unti silang nawawala at nakita ko na may bumalot sa kanilang itim na usok at parang ikinulong sila nito... ipinikit ko ang mga mata ko... hinawakan ang dibdib ako at naapa ko ang kwintas na ipinagkatiwala sa akin ng kaharian ng apat na elemento,

Third Person's POV

hinawakan ni Einna ang kanyang kwintas, at bumalik na ang normal na takbo ng oras na kanina ay huminto habang siya ay nakikipagusap sa mga kapangyarihan nya...  napaluha si Einna sa hapdi, pero pinunasan naman nya agad ang luha nya, napansin ni Fyrus ang pagkilos ng itinakda kaya napalingon ito pabalik kay Einna

"magaling itinakda, hindi ka pa pala patay pero magpasalamat ka dahil hindi ko pa tatapusin ang buhay mo... uunahin ko muna ang mga taong naghahanap sayo" -Fyrus, may ipinakita si Fyrus na imahe sa hangin, at ito ay ang mga taong kasama ni Einna sa pag sasanay, sila Meds, si Frances ang ate nya pati nadin ang ibang lahi at ang mga demigods...

"sino kaya sa kanila ang uunahin ko? uhhm, kung ang ate mo kaya? eh kung ang bestfriend mo?... sino itinakda? wag kang mag-alala dadalhin ko naman ang ulo nila sa harapan mo, walang hininga... at walang buhay HAHAHAHA" -Fyrus, natapos ang pagsasalita ni Fyrus sa isang malakas na tawa... tumalikod na sya kay Einna at muling naglakad palayo pero napatigil sya ng---

CROSSING REALITIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon