CR:2 so this is my powers?

576 14 6
                                    

Einna's POV

ha? ako may malakas na kapangyarihan?... ni hindi ko nga kayang talunin si Meds sa ibang bagay eh... 

pero napaisip din ako, paano ko nga naman ipapaliwanag yung nakita kong pag-papalit ng anyo ni Jb, paano ko maipapaliwanag yon? at yung mga bagay na nangyari kanina sa bahay bago ako pumasok...

<<<<<FLASHBACK>>>>>
badtrip nga ako nung nagising ako kanina kase naputol na naman yung panaginip ko, dahil kay ate Lhara kaya pag pasok ko ng banyo eh medyo wala pa ko sa mood. naupo ako sa bowl pero hindi ako jumejebs ha! na'upo lang ako, habang nakaupo ako at iniisip kung gaano ako kabwisit sa ate ko, naramdaman ko na lang na parang umiinit yung inuupuan ko, so tumayo ako at pagkatingin ko dun sa tubig sa bowl... hindi ako makapaniwala dahil kitang kita ng mga mata ko na kumukulo talaga yung tubig sa bowl... kaya  sinubukan kong pakalmahin yung sarili ko kase baka dala lang to ng imaginations ko pero hinde, huminga ako ng malalim para mas mapa-bilis ang pagwala ng galit ko, unti-unting humihina yung pagkulong tubig sa bowl.

 hahawakan ko na sana yung tubig pero naalala ko na bowl parin nga pala to so nandiri ako... dahan dahan kong tinaas  yung kamay ko at isa na namang hindi maipaliwanag na pangyayari ang nasaksihan ng mga mata ko, nakita ko na unti unti ding tumataas yung tubig sa bowl tinaas ko pa ng konti yung kamay ko pero nasunod talaga yung tubig... sabayan pa ng malakas na hangin na hindi ko naman alam kung saan nanggaling... for pete's sake nasa CR ako no kaya saan manggagaling tong hangin nato?. at isa pa iniisip ko palang na may hanging malakas na hahaplos sa akin pero eto na agad... para bang sumusunod sakin yung hangin at tubig dito sa cr... bigla nalang nawala yung hangin na malakas, at bumagsak sa flooring ng cr yung tubig,  napa-upo  ako sa sahig dahil biglang sumakit ang ulo ko na parang binibiyak, napaupo ako sa maytabi ng gripo habang nakaupo ako bumukas ng kusa yung shower sa taas,(sa taas kase nga nakaupo ako di'ba?), pumatak sa akin yung tubig syempre, unti unting nawala yung sakit ng ulo ko, ilang minutes pa nang sa tingin koy sapat na ang lakas na aking naipon eh, nag ready na ko, at after ilang sigundo ng pag-aayos, lumabas na ko sa cr at papasok pa kami ni Meds,  hindi ko na kinuwento kay ate at kay Meds yung nangyari baka matakot kase sila sa akin...


<<<<<<<<<<END OF FLASHBACK>>>>>>>>

pero ngayon sila pala ang may tinatago ang tagal kong nagmukang walang alam, ni sarili ko hindi ko kilala ang tagal naming magkasama ng ate ko pero ni-isang kwento wala akong narinig mula sa kanya, si Meds naman na tinuring ko nang kapatid wala ding sinabi sakin na impormasyon tungkol sa aking sarili hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko na magalit sa mga taong pinagkatiwalaan ko kase sila ang nakakaalam sa pagkatao na matagal ko ng gustong malaman pero kahit isa sa kanila wala manlang nakapag-sabi, ngayon lang... na kung kailan may responsibilidad pa pala kong dapat harapin.

paalis na sana ko pero kinausap pa ko ni Meds nakatalikod na ko sa kanya at nakaharap sa pinto palabas ng condo..

"saan ka pupunta Einna, masama ba ang loob mo sakin? per-" -Meds...

"hindi ko alam bestfr---( i cut the word 'bestfriend') meds, hindi ko alam, gusto ko munang mapag-isa para makapag isip na din ako.."

hindi na ko tumingin sa kanya at tumakbo na ko palabas ng condo ni Meds, nakababa na ko ng building at tumakbo palabas, habang tumatakbo dinig na dinig ko ang kulog at kidlat, uulan pa ata pero wala na kong pake kaya tumakbo na nga ako ng tumakbo hindi ko na alam kung saan ako pupunta hanggang sa may nakita akong park... 

tas may play ground tumakbo ako don at naupo sa see-saw, hindi parin nawawala yung kulog at kidlat hindi na ko takot ngayon sa mga ganyan... oo masama parin ang loob ko lalo na ngayon sa atmosphere na bumabalot dito sa lugar halos walang dumadaan para kong mag-isa sa mundo at hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko.... iniisip ko parin yung mga bagay na sinabi ni meds kanina, naiiyak na ko kase hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko...

CROSSING REALITIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon