The Present

3.9K 55 9
                                    


A/N:

Hello again, dear readers! Welcome to my new novel 😊
Just a little info here about Every Time We Touch 😉

This is supposed to be the first out of four books in the Heartbeats Overdrive Series. But sad to say, hindi ko pa po natapos ang mga karugtong nito. Kaya hanggang ngayon ay naka-hang pa rin ito sa PHR 😁😥🙄...

Share ko po sa inyo. Sana ay magustuhan din ninyo.

Enjoy reading 😙😙😙

Comments and votes lang po 😁
Thank you very much 😘😍

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞


CHAPTER ONE

"NAY, AKO NA lang po ang magbibitbit ng mga bulaklak."

  Kinuha ni Althea ang isang bungkos ng mga bulaklak na nakatusok sa maliit na paso mula sa kamay ng kanyang ina. Nakipagsiksikan sila sa maraming tao sa loob ng sementeryo.

  ​Halos isang taon na mula nang mamatay ang Kuya Roldan niya. Nabaril ito kasama ng ilang kagrupo habang nagnanakaw ang mga ito sa pawnshop sa bayan. Ilang taon na rin naman itong pinaghahanap ng mga pulis noon dahil sa patong-patong na kaso. Ilang beses na din itong nasangkot sa iba't-ibang klase ng gulo, hanggang sa tuluyan na itong malagay sa tahimik.

  ​Nang marating na nila ang puntod ng kapatid, ipinatong niya ang mga bulaklak at mga kandila sa harap ng lapida nito. Nasa ikatlong palapag na ito ng kung tawagin nila ay "apartment", na siyang himlayan ng mga karaniwang mamamayang katulad nila.

  Sa kabilang panig ng pribadong sementeryo na iyon ay mga naglalakihang mosoleyo ng mga nabibilang sa upper class citizen.

  ​"Mabuti na lang po at maaga tayo nakarating. Kapag dumilim na ay lalong darami ang mga nag-iilaw dito."

  ​Binigyan niya ng saglit na katahimikan ang ina habang umuusal ito ng dasal para sa yumaong kapatid.

  Hindi sila close ng kuya niya. Paano ba naman ay mula nang magkaisip siya ay wala siyang natatandaang ginawa nito na matino. Puro problema ang dala nito sa kanilang mag-ina. Madalas niyang marinig sa ina na nagmana ang kuya niya sa ama nito, ang unang karelasyon ng ina niya na bigla na lamang naglaho na parang bula noong maliit pa itong bata.

  Ang ama naman niya ay sumakabilang buhay noong anim na taon pa lamang siya. Iginapang lamang sila ng kanyang ina sa pamamagitan ng pananahi nito sa isang malaking garments factory sa bayan.

  Magmula nang magbinatilyo si Roldan ay hindi na ito halos umuuwi sa kanila dahil nalulong ito sa bisyo at barkada.

  ​May malaking dahilan kung bakit minsan man ay hindi siya nag-aksaya ng luha nang mamatay ang kuya niya. Iyon ay dahil inubos na nito ang luha niya nang wasakin nito ang buhay niya noon.

  ​"Nay, iiwan muna po kita saglit. Sisilipin ko lang sina Michelle kung nandiyan na."

  ​"Huwag kang magtatagal at uuwi din tayo agad. Medyo masama talaga ang pakiramdam ko."

  ​"Opo, Nay." Pinuntahan niya ang puntod ng ama ng kanyang best friend na si Michelle. Nasa bandang gitna ito, sa mga nitsong nakabaon sa lupa.

  Mabilis naman niyang nakita si Michelle dahil katulad ng dati, kulay bright pink na blusa uli ang suot nito.

  ​"Girl, akala ko mamaya pa kayo?" salubong nito sa kanya.

  ​"Eh, gusto daw magpahinga ni Nanay ng maaga kaya sumaglit na kami dito." Nagmano siya sa ina nitong si Aling Fely.

  Umupo siya sa carabao grass at nakidukot ng butong pakwan na baon ng mga ito. Maya-maya pa ay hindi niya napigilan ang lumingon.

   Sa may bandang kaliwa, sa dulo, ay may isang malaking mosoleyo na pilit umaagaw sa atensyon niya. Pag-aari iyon ng pamilyang Rondael. Biglang nag-flash sa isipan niya ang mga alaala. Graciella Rondael. Zach Rondael. Napabuntong-hininga siya sa mapait na alaalang hatid ng mga pangalang iyon.

  ​"Naku! Down on memory lane ka na naman," puna ni Michelle sa pananahimik niya. Ibinagsak nito ang isang kilong butong-pakwan sa harapan niya. "Hayan, diyan mo ibunton ang sentimyento mo. Isipin mo na lang na si Graciella ang binabalatan mo, at si Zach naman ang nginunguya mo."

  ​Napailing na lamang siya sa sinabi ng kaibigan. May dahilan ba para magtanim siya ng sama ng loob sa dalawang iyon? Kung ano man ang kinahinatnan ng pinasok niya noon ay kasalanan niya.

  Makalipas ang kinse minutos ay tumayo na siya at nagpaalam.

  ​"Ihahatid na kita." Tumayo si Michelle at pinagpagan ang pang-upo. "Letse! Basa!" Nilingon nito ang maong na pantalon nito saka siya binalingan. "Sa 'yo?"

  ​"Syempre, hindi. Isinapin ko kaya ang sandals ko bago ako umupo sa damuhan. Diyan ako lamang sa 'yo, friend, ma-diskarte 'to."

  ​"Sus, eh lagi ka namang lamang sa akin. Maka-bingwit ka ba naman ng..."

  ​"Don't say bad words."

  ​"Oh, my God!" Nanlaki bigla ang mga mata ni Michelle habang nakatingin sa bandang likuran niya.

  ​Sinundan niya ang tingin nito. Lumingon siya sa likuran at nagulat sa nakita. "Oh, my God!" bulalas din niya. "Oh, my God! Bilisan mo!"

  Kinaladkad niya ang kaibigan palayo sa lugar na iyon. Biglang nabuhay ang lahat ng dugo niya sa katawan nang makita niya ang isang pamilyar na mukha na minsan man sa loob ng nakalipas na mga taon ay hindi niya nakalimutan. Ang mukhang iyon na lagi na ay nagdudulot ng kirot sa dibdib niya sa tuwing maaalala niya ang sinapit ng batang pag-ibig dito.

  ​"Kailangan talagang tumakbo?" reklamo ni Michelle.

  ​"Kailan pa kaya siya dito sa Pilipinas?"

  ​"Nabalitaan ko na may sakit si Don Valentin, kaya siguro nandito ang anak niya."

  "Matagal nang nasa States si Don Velentin para magpagamot."

  "Eh, malay mo naman kung umuwi na sila dito? Malamang ay magtatagal dito ang Zach na 'yan."

  ​Si Zach ay nagbalik sa maliit na bayang ito? Paano kung muling mag-krus ang landas nila?

Every Time We Touch       Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon