Chapter 1:
×× The Beginning of my Story ××
Heather POV
"Ma kain na po tayo." aya ko kay mama nang makita ko syang pababa na ng hagdan, napatigil naman eto sa paghakbang at agad na napatingin sa akin.
" Ano bang ulam?" Tanong niya sa'kin habang nakataas ang isa netong kilay at ipinagpatuloy na ang pagbaba. At ng tuluyan na etong nakalapit ay tiningnan niya ang ulam na nakalapag sa mesa. Agad namang nagsalubong ang mga kilay neto.
Lumapit eto sa mesa at pabalyang ibinagsak ang platong may lamang ulam.
Tiningnan niya ako ng nanlilisik na mga mata."Ano ba to ha?! Sigurado kabang ipapakain mo ito sa'kin?! " singhal nya sakin at pinanlakihan pako ng mata.
"P-pero ma, m-m-masarap nam-man po ang s-sardinas at t-tuyo--" utal kong sabi pero pinutol eto ni mama.
Grabe! Pag ganito si mama natatakot talaga ako , parang sasakmalin niya ako ano mang oras! ( "3")
" at talagang disidido kang ipakain yan sakin? Ha! Wala ka talagang kwentang bata ka! Di kita pinatuloy dito sa pamamahay ko't pinag-aral pa-" talak ni mama pero pinutol ko agad
"Aaah... Ma? Di po ninyo ako pinag-aral" mahinahon kong sabi kay mama. Natigilan naman eto bigla sq sinabi ko. Pero nakabawi din naman agad.
"Che! Sumasagot ka pa?! Ha! Hala! Layas! Lumayas ka sa pamamahay ko! LAYAAAAASSS!!! " sabi ni mama sakin habang tinutulak-tulak nya ako papunta sa pinto.
"Ma maawa po kayo sakin, kayo nalang po ang pamilya ko. Please ma.. Huhuhu.." Umiiyak nako habang sinasabi ko yan kay mama. Totoo namang sya na lang ang tinuturing Kong kapamilya hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayong pinapalayas nako ni mama..
"HA! WALA AKONG KAPAMILYANG HALIMAW!!! HALA! LAYAS! AT WAG KANANG BABALIK PA!!! " sigaw ni mama sa akin.. Huhuhu... Wala na. Saan nako pupunta ngayon?
Malakas akong itinulak ni mama kaya natumba akong paluhod. Tumayo naman ako kaagad para pakiusapan si mama pero pagtayo ko pabalyang sinirado ni mama ang pinto.
" ma! Please! Wag niyp po itong gawin sakin! " umiiyak nako habang kumakatok sa pinto pero di na talaga ako pinagbuksan ni mama.
Napahinga nalang ako ng malalim at akmang aalis na ng mapansing may mga nakatingin sakin. Liningon ko naman eto at nakita ko ang mga kapitbahay namin na nakatingin sakin.
Haaay... Mga chismoso't chismosa talaga.. Tsk. Tsk ┐( ̄ヮ ̄)┌
" ha! Buti nga sa kanya! Bruha! "" halimaw! Salamat naman at pinalayas na yan ni emma. "
" Ssshh... Wag kayong maingay baka marinig kayo nyan at kulamin! Hala! Sige kayo rin!. "
Narinig Kong bulu-bulungan o bulungan bang matatawag yun eh, rinig na rinig ko eh... ( ̄へ ̄) umalis nako ng tuluyan..
Haaaay... Saan nako neto?Naglakad-lakad ako muna ako, iniisip ko kasi kung saan ako titira? Ano ng manyayari sakin ngayon? Saan ako pwedeng makahanap ng trabaho? At kung ano-ano pa. Napabuntong-hininga nalang ako.
Habang nagmumuni-muni ako may napansin akong....
.
.
BINABASA MO ANG
The Curse Eyed Princess
Fantasy#29 in Adventure 08/02/2018 08:48 am P. S. The image I used for the cover is not mine. Credits to the real owner. " I don't care if I'll die. If sacrificing my own life can save this world, if I can do something to save you , Even if it cos...