Chapter 18

1.6K 53 4
                                    

               The Curse Eyed Princess
                           Chapter 18

          
              

                        “Let’s Start!”

Note: I’m going to focus first the side of heather. New character's will be unlock soon. More adventure(s) and fun! Hahahaha…

______________________________________

  
             _Heather's Point of View_

W-why? What’s happening? Ang huli kong natatandaan ay naglalaban kami ng kryps na yun. Then after that…. Ay wala na. bakit ako napunta rito? Nasan ang mga kasama ko?

Kagagawan na naman batu nung kryps? And who is these people claiming that they know me. I don’t even know them for pete’s sake!
I got up from my bed, or should I say “the bed” since I don’t know if this bed is really mine.


Napabuntong hininga nalang ako at ginulo ang buhok ko. Now, I’m a mess.

I look around and scan the room. now I notice it na ang lahat ng gamit dito ay di ako bumili. Ni hindi ko maalalang bagay na binili ko na andito ngayon sa kwartong ‘to.
I sigh in frustration. Now what should I do? Paano ako makakabalik?


“Eufy anak? Andyan ka na pala. Di man lang kita napansin.”
I was startled when suddenly a middle aged woman enter the room. siguro eto ang tumatayong nanay ko bilang si eufemia.

Lumapit ang babae sa akin. Nakakailang na tawagin siyang ‘mama’ gayong alam ko namang di siya ang nanay ko. “May sakit kaba iha? “ sinalat nito ang noo ko.



Napatalon naman ako bigla. Pinaningkitan nya ako ng mata na para bang sinusuri nito ako.



“w-wala p-po” kandautal utal ko namang saad.

“hay naku bata ka. Sige na’t magbihis kana. Kakain na tayo. Nagluto ako ng paborito mong ulam. “

Napatango naman ako. Mukhang kailangan ko munang maging si eufemia habang di ko pa alam ang nangyari sa akin. Labag man sa akin ang magpanggap ngunit kailangan kong gawin para na rin malutas na ang mga tanong sa aking isipan.

“s-sige po. Bab-baba na po ako.”
Ngumiti naman ang ginang at hinaplos ang buhok ko bago umalis. Kahit di ko siya kilala, kahit di siya ang nanay ko, nararamdaman kong tunay ang pagmamahal at atensyong binibigay nya sa akin.

Nagbihis muna ako bago bumaba. Naabutan ko naman sila sa hapag na kompleto. Ngayong nakakaalala na ako parang nagging awkward na ang atmosphere na nakapalibut sa amin. Natatandaan ko pa kung gano ako ka close sa kanila nung una. Napahugot naman ako ng malalim na hininga.

Acting time na ba?

Napansin naman ako ni Mr. LightCrimson at nginitian. Tatawagin ko nalang siyang mr. lightcrimson sa isipan. Talagang di ako sanay na tawagin silang mama at papa though alam kong mabubuti silang tao.

Ginantihan ko siya ng kiming ngiti at dumulog na sa hapag kainan. Puro masasarap ang nasa harapan ko ngayon. Paborito ko ba to? Tsaka, may ilang pagkain akong di ako pamilyar. Pero baka magtaka sila kung di ko kakainin sabi pa naman ni mrs. Lightcrimson na paborito ko daw to. Bahala na nga! Di naman siguro ako mamatay pag kinain ko eto diba?

“nako! Muntik ko ng makalimutan. Dadating na ang kuya hero mo, eufy. Susunduin natin siya sa airport mamaya anak ha. “

Nakakadalawang subo palang ako ng magsalita si mrs lightcrimson. At teka nga, tama ba nadinig ko? Kuya? Bat wala akong natatandaan? Mukhang napansin naman ng asawa nito na parang naguguluhan ako. Nagtataka rather.

“eufy anak. Siguro di mo na matandaan ang kuya hero mo wala kasi siya nung nadisgrasya ka. Di siya pinayagan umuwi ng boss niya. Alam mo naman pag banyagang amo mahirap pakiusapan.” Paliwanag ni mr. lightcrimson.(a/n: wala po akong grudge sa mga banyagang amo, sa story lang po eto at sa situation ng karakter na si hero. Yun lang )

Tumango nalang ako bilang tugon dito. Baka makahalata sila. bahala na mamaya!

______________________________________

Setting: *****Airport

“ho! Ang init talaga pag ganitong oras na, diba anak?”

“p-po? O-opo!”

Napatawa naman ang ginang sa inasta ko at inayos ang buhok kong di pala nasali pagpusod.

“halatang kinakabahan ka anak. Wag kang mag-alala, magkakasundo kayo ng kuya hero mo.” Nginitian ako ni mrs. Lightcrimson kaya parang guminhawa naman ang pakiramdam ko kahit papano. As in kunting kunti lang.

“Oh! Ayan na pala ang kuya hero mo, anak. Hero!” kinalabit ako ni mrs. Lightcrimson bago tinawag si kuya hero ko daw.

Napatitig naman ako sa lalaking papalapit sa amin ngayon. So, sya si kuya hero ko daw? Sa tantiya ko ay di nagkakalayo ang edad namin. Nakasuot eto ng v-neck na kulay gray, naka ripped pants at converse shoes., naka leather jacket din siya ng maroon. Sa itsura naman, hmm may itsura. Hahaha de jk lang, maputi, singkit ang mata, matangos na ilong, tsaka, naglipstick ba sya? O talagang mapula ang mga labi nya? All in all, gwapo… kuya ko nga, maganda ako eh! Bawal angal! Hahahaha

“Ma! Pa! kamusta kayo? Oh, gising ka na pala eufy.” Ako lang ba? (pambansang line haha) para kasing may nahimigan ako sa tinig nya na parang disappointed siyang Makita akong gising? O baka napaparanoid lang ako. Anu ba yan!

“hero anak, ok lang kami ng mama mo… lalo na’t gising na ang kapatid mo.” Nakatawang sabi ni mr. lightcrimson. Nakita ko namang parang may dumaang galit na ekspresyon sa mga mata ni hero ngunit agad din etong nawala at kalauna’y ngumiti din agad.

“hahahaha oo nga pa eh! Namiss ko kaya etong kapatid ko. Diba bunso?” napabaling din sya sa akin kaya napatalon ako sa gulat. Napansin naman eto ng ginang kaya inakbayan ako at ginulo ang buhok ko.

“pasensya kana hero anak. May selective amnesia umano si eufy kaya di kanya maalala pero papaano ba’t maaalala ka din niya.

Selective amnesia? Ano bang nangyayari dito?

“hay naku, sa bahay niyo nalang ituloy ang usapan na yan. Baka pagod pa etong si hero. Hali na kayo.”

Inakbayan naman ni mr. lightcrimson si hero na mas matangkad pa sa kanya bago naglakad. Pero bago ang lahat, lumingon muna si hero sa akin at tumitig.

Bakit may nararamdaman akong mali?

“halika na hija.” Ngiting baling sa akin ng ginang.

Gumanti naman ako ng ngiti at tumango.

______________________________________

Chapter 18 done!

Next stop: “The Kid Who Cries 
                          Diamond.”

Btw, thanks for the votes and leaving a comments. That really makes me happy.

Please keep on supporting! I’ll finish this story so, hang on!

Ate pam signing off~

~narra21 <3

The Curse Eyed PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon