The Curse Eyed Princess
Chapter 19
The Kid Who Cries Diamond
Heather’s Point of View
“Naku hero, tikman mo etong niluto ko diba paborito mo to? Di ka nga kumakain pag di mo eto ulam noon diba? Natatandaan ko pa na umiiyak ka pa nun pag di kita nilulutuan neto eh.”
Kitang kita sa mga mata ng ginang na lubos etong nasisiyahan sa pagbabalik ni hero at naiinindihan ko naman eto. Ikaw ba naman ang mawalay sa anak mo ng matagal na panahon diba?
Nandito kami ngayon sa bahay ng mga Lightcrimson. Bahay “namin” daw. To be specific, nasa kusina kami.
“haha.. oo nga po mommy eh, masaya po tayo noon wala pa nga po si eufy nun eh.” At tumawa si hero sa sinabi nya mismo.
Bakit ganun? Parang iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi nya? Parang sinabi nyang masaya sila noong wala pa si eufy sa buhay nila? O ako lang ang nag iisip ng ganun kasi parang wala lang naman kina mr and mrs lightcrimson ang sinabi ng anak nila.
Di nalang ako kumibo at pinagpatuloy ang pagkain. Well, spag lang naman ang kinakain ko. Di ako nagkanin kasi feel kong di ako matutunawan, siguro mamaya nalang ako kakain.
Nagkukuwentuhan lang sila ng napansin ako ni mr. lightcrimson at nagsalubong ang kilay.
May problema ba?
“Eufy anak ba’t yan lang ang kinakain mo? Maraming pagkain sa hapag bakit yan lang ang kinuha mo? Kumain ka pa.” at nilagyan nito ang pinggan ko ng pagkain.
Di ko alam ngunit napangiti nalang ako. Ganito pala ang pakiramdam ng may tatay, na may nag-aalaga sayo kasi di ko mamn lang naramdaman ang ganun. Maswerte si eufy kasi may mga magulang syang ganito kung mag alaga.
“hay naku eufy anak, eto tikman mo etong specialty ko siguradong masasarapan ka.” Di rin nagpatalo si ginang lightcrimson at nilagyan ang pinggan ko ng sweet and sour fish na specialty daw neto.
“tsk’ napalingon naman ako agad kay hero at nakita kong nakasimangot eto. Oo nga pala, ang specialty ng ginang ay ang paborito umano ni hero.
Kaya ba sya galit kasi binigyan ako ng ginang ng specialty nito? Magkapatid naman umano kami I mean, sila eufy diba, so okay lang. ba’t ba ang sama nito tumingin sa akin?
May nagawa kaya si eufy na kinagalit ng kuya nya? Feeling ko kasi, simula pa ng dumating sya ay malamig o galit sya sa akin I mean, kay eufy?
“ma, diba niluto mo yan para sa akin? “ nakasimangot na tanong ni hero.
“hero binigyan ko lang naman ng kapatid mo.’ Malumanay na sagot ng ginang.
Galit na tumayo si hero at hinampas ang mesa kaya nagsigalawan ang mga plato’t kubyertos at iba pang gamit sa mesa. Matalim siyang nakatitig sa akin bago bumaling sa ginang.
“tsk. Parati nalang ang magaling at santa nyong anak ang nakikita nyo! Si eufy ganyan, si eufy ganito pwe! Edi siya na ang anghel!”
Sasagot na sana ang ginang ng tumayo na ang asawa nito at galit na pinukol si hero ng tingin.
“bastos ka talaga hero! Di ka na nagbago. Pati kapatid mo pinagbubuntunan mo ng galit! “
![](https://img.wattpad.com/cover/46348601-288-k704829.jpg)
BINABASA MO ANG
The Curse Eyed Princess
Fantasy#29 in Adventure 08/02/2018 08:48 am P. S. The image I used for the cover is not mine. Credits to the real owner. " I don't care if I'll die. If sacrificing my own life can save this world, if I can do something to save you , Even if it cos...