Chapter 21

1.4K 61 8
                                    


                                                                 The Curse Eyed Princess

                                                                           Chapter 21

                                                           Eufemia LightCrimson pt.2

                                       Note: The following scenes are the flashbacks.

                                                       IU as Eufemia LightCrimson


________________________________________________________________________________

                                                              3rd Point of View


"Please pakawalan niyo na ako. " umiiyak na pagsusumamo ng isang dalagang nakatali sa isang monoblock chair. Kahit nakapiring ang mga mata neto ay di mapigilan ang mga luhang nais kumawala dito, basing basa na rin ang telang ginamit na pampiring.

"HAHAHA pano ba yan miss, sa amo lang namin kami nasunod eh. " tawang sabi ng isa sa mga lalaking dumakip sa kanya. Rumagasa naman sa dibdib nya ang takot. Takot sa anong manyayari sa kanya. Takot na baka di na siya makawala pa.

"S-sino ba ang nag-utos sa inyo ha?! Wala akong kasalanan sa kahit isa sa inyo!" kahit nasa piligro na ay nakuha pa rin ng dalagang magtanong.

"sa amin siguro ay wala pero sa boss namin? Malaki. HAHAHA."

Sa narinig niya ay napahagulhol na naman siya.

Mommy daddy kuya help me please...

Piping usal niya na alam niyay walang makakarinig..

"Oh bossing! "

Naalimpungatan ang dalaga sa pagkakatulog nang marinig niyang lumangitngit ang nasisigurado niyang pinto.

"HAHAHA gaya ng utos mo bossing, malinis at walang aberya. "

Hindi naririnig ng dalaga ang boses ng bagong dumating. Na para bang sumesenyas lang etong sumasagot.

"Ano na po ba ang gagawin naming sa babaeng eto bossing?" linukob naman ng masamang pakiramdam ang dalaga sa pagkakarinig nya. Nasisiguro nyang may hindi magandang mangyayayari sa kanya.

Naramdaman nalang ng dalaga na tinatanggal na ang pagkakatali ng kanyang mga kamay. Para naman nakahinga ng maluwag ang dalaga sa isip na papalayain na siya ng mga dumukot sa kanya ngunit gayon na lang ang kanyang gimbal ng marinig ang isang boses na alam nyang sobrang pamilyar sa kanya.

"dahil siya sa babang kwarto. Alam nyu na ang gagawin nyo."

Doon na nagsipatakang muli ang mga luha niya, kilalang kilala niya ang boses na iyun! Di siya pwede magkamali. Ni halos araw-araw nya etong naririnig.

"K-Kuya?"


________________________________________________________________________________

"Ha!" napasinghap si heather ng malalim ng makita mismo ang mukha ng lalaking sinasabing kuya ni eufy. Kilala niya eto. Tingnan mo nga naman, kung sino pa tung kilala mong hindi makabasag pinggan ay siya pang gagawa sa iyo ng masama. Para ring isang movie scene na naka pause ang eksenang kanyang kitang-kita ngayon.

The Curse Eyed PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon