Chapter 4 ( Part I )
** Emperia Academy **
Heather POV
Ngayong araw na ito ako ihahatid ni Harbon sa sinasabi nyang paaralan. Kaylangan ko rin namang mag–aral. Kaya nga mukha na akong kiti–kiti dito habang nakaupo. Di ako mapakali , kinakagat–kagat ko na nga ang mga kuko ko eh.
Nakita ko namang pababa na si Harbon ng hagdan kaya mabilis pa sa kidlat ako tumayo.
" Let's go, I don't want you to be late in your first day " seryosong pagkakasabi nya. Naka poker face eh.
Lalakad na sana sya ng hawakan ko ang kamay nya, nanginginig pa ako dahil sa kaba.
" Ahmm.. Ano, ok lang ba talaga? P–pano kung malaman nila? " nag–aalala kong turan sa kanya.
Tiningnan naman nya ako at bumuntong hininga.
" Everything's gonna be fine, so don't worry. " ang kalma ng boses nya. Hindi ba sya nag–aalala na baka may makaalam na hindi talaga ako isang Excee?
Sasagot pa sana ako ng bigla nya akong hinila at mabilis na naglakad. Hindi na kami naglakad pa, sumakay na lang kami sa isang Bommei. Ang Bommie ay isang karwaheng may kahoy na upuan at ang pinakadingding neto ay mga vines. Hindi isang pegasus o ano ang nasa unahan neto. Isang Lumias. Ang Lumias ay hugis pagi na may malalapad at malalakas na mga pakpak. Mayroon din etong maliit na parang dyamante sa noo. Sabi ni Harbon na dito daw sila kumukuha ng lakas at kapangyarihan. At kapag wala ng liwanag ang dyamanteng nasa noo neto ay mamamatay ang mga Lumias dahil sa panghihina.
Nakatali ang dulo ng mga vines sa bandang gilid ng Lumias. Meron kasing suot ang mga ito na parang sa kabayo pagnag ho–horse back riding ka na mga sinturon. Dun sinasabit ang mga dulo ng vines.
Sumakay na si Harbon sa Bommie kaya sumunod na lang ako. Pagkaupong pagka–upo ko ay may binigay si Harbon sa aking libro. Nagtaka ako bakit nya ako binigyan ng libro. Magtatanong na sana ako kaya lang inunahan na nya ako.
" Rules and Regulations of Emperia Academy that you must obey. You don't want your head to be missing, do you? " hindi sya nakaharap sa akin. May binabasa din syang libro at mukhang hook na hook talaga sya at ni paglingon lang sa akin ay di nya magawa.
Sinilip ko naman ang pamagat ng librong binabasa neto. History 23. Forgotten.
Eh? Ano to? English novel?
Sinulyapan ko naman sya na para bang kumakain sya ng nakakadiring bagay.
Nataranta naman ako ng gumalaw sya at naisip ko agad na lilingon sya sa akin kaya umiwas na agad ako.
Wala kaming imikan sa byahe, bumaling nalang ako sa bintana at sobra talaga akong namangha sa mga nakikita ko. Kasi saktong pagtingin ko sa bintana ay may dumaang grupo ng Albentor. Ang Albentor ay isang magandang babaeng may sungay na katulad kay Ares sa FT. Mahahaba at may mala–bronseng buhok.
Nakakalipad din sila at may dyamante sa likod ng mga palad neto. Ang mga dyamante ay nahahati sa Pito.
Una, ang Gondor.
✴ ang mga Excee na may hawak ng diyamanteng ito ay may kakayahang kontrolin ang elementong Lupa.
Pangalawa, ang Meko.
✴Sila naman ang may hawak ng elementong Tubig.
Pangatlo, ang Cynx
✴ Mga may hawak ng Elementong Apoy.

BINABASA MO ANG
The Curse Eyed Princess
Fantasy#29 in Adventure 08/02/2018 08:48 am P. S. The image I used for the cover is not mine. Credits to the real owner. " I don't care if I'll die. If sacrificing my own life can save this world, if I can do something to save you , Even if it cos...