Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo?
Maria: Maging guro!
Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata?
Maria: Opo! Masaya po kasing matuto sa school.
Guro: Tama! E, ikaw, Pedro?
Pedro: Maging engineer!
Guro: Bakit gusto mong maging engineer?
Maria: Kasi gusto kong magtayo ng school para kay Maria.
Guro: Wow! Maganda 'yan... E, ikaw naman, Luis?
Luis: Gusto ko ring maging engineer.
Guro: Talaga? Gusto mo ring magtayo ng school para kay Maria?
Luis: Hindi po. Tulay, kanal, at flood control projects ang itatayo ko para hindi na tayo binabaha.
Guro: Mabuti iyan, Luis... E, ikaw naman, Filemon?
Filemon: Dalawa ang gusto ko, Ma'am.
Guro: Ha? Ano-ano naman iyon?
Filemon: Kung hindi ako magiging congressman, magiging contractor ako para matuloy ang mga projects nina Pedro at Luis.
Guro: Ay, hala! Ang gaganda naman ng mga pangarap ninyo. Kayo talaga ang pag-asa ng bayan.
Filemon: Ma'am, si Juan po, walang pangarap.
Juan: (Tumingin lang nang masama kay Filemon.)
Guro: May pangarap 'yan si Juan. Hindi ba, Juan?
Juan: (Tumango lang.)
Guro: Anong gusto mong maging, Juan, paglaki mo?
Juan: (Nahihiya) Gusto kong maging... maging sepulturero.
Guro: Ha? Bakit 'yon?
Juan: Ako ang gagawa ng nitso ng mga buwaya sa gobyerno.
Guro: Aray ko!
