Criselda: Sssh! Huwag kayong maingay...
Mga Kaklase: (Maingay pa rin)
Sir: Gusto niyo bang bumaba tayo para manuod ng program?
Mga Estudyante: Opo!
Sir: Hindi! Dahil maingay kayo.
Criselda: Tumahimik na kasi kayo para makapanuod tayo.
Sir: Sa pila pa nga lang maingay at magulo na kayo, lalo na siguro sa baba mamaya. Nag-uunahan, lalo na ang mga lalaki. E, hindi naman kayo pumupogi kapag kayo ang nasa unahan. Ako lang ang pogi sa klaseng ito.
Mga Estudyante: Opinyon!
Sir: Opinyon talaga? Sige, walang bababa!
Mga Estudyante: Katotohanan!
Sir: Sabihin niyo uli.
Mga Estudyante: Katotohanan!
Sir: Sige, pila na!
