Bisita

244 5 0
                                        


Catelyn: Sir, kinabahan ako kanina habang may bisita tayo?

Lander: Opo, Sir. Para akong hindi makahinga...

Sir: (smiles) Ako ba napansin niyong kinabahan?

Mga Estudyante: Hindi po!

Sir: Tama kayo. Sa una lang ako kinabahan kasi pumasok sa classroom natin ang principal at supervisor, pero nang nagtuturo na ako, wala na.

Catelyn: Mas maganda nga po, Sir, ang may mga bisita tayo.

Sir: Bakit naman?

Catelyn: Kasi po nagiging aktibo po kaming lahat.

Sir: Napansin ko nga. Bigla kayong tumalino... lalo. (giggles)

Mga Estudyante: (laughs)

Serafin: Sana laging may bisita!

Sir: Huwag naman!

Serafin: Bakit po, Sir?

Sir: Kasi nakikisali sila sa discussion natin.

Roberto: Kaya nga po, Sir. Nang tinanong mo kami kung sino na ang nakarating sa Chocolate Hills, sumagot sila. Sila raw ay nakapunta na.

Sir: (laughs) Oo nga. Parang ang sarap sabihing "We don't care."

Lahat: (laughs)


Classroom DialogueWhere stories live. Discover now