Tatay: Sir, good afternoon po!?
Sir: Good afternoon din po! Kayo po ba ang tatay ni Carlos?
Tatay: A, e... Ako po. Kailan po ang kuhaan ng card?
Sir: Wala pa nga pong card. 'Yong susulatan, kaya 'di pa makapag-issue. Saka po walang pong grades ang anak niyo. Sa style ng anak niyo, lulubog-lilitaw, hindi po siya makakapasa. Hindi lang po isa ang subject.
Tatay: Ano pong problema sa kanya?
Sir: 'Yon! Laging absent. Minsan isang buong linggo, wala siya. Hindi po siya papasa sa ganyan.
Tatay: Ano po bang nangyari kay Carlos?
Sir: Ano nga po ba?
Tatay: Pumunta ako rito baka pinapapunta niyo ako.
Sir: Aanhin ko naman ang magulang kong ang anak mismo ay wala rito?
Tatay: Kaya nga po, e. Sabi ko naman sa kanya na pumasok siya, e. Ewan ko ba roon sa batang 'yon!
Sir: Tulungan niyo po akong hikayatin siya. Gawin natin ang lahat na makapasa siya. Graduating pa naman.
Tatay: Sige po, Sir. Salamat po!