WRONG
Guro: Magkakaroon tayo ng pagbabaybay bago ang talakayan. Sa Ingles, spelling.
Mga Estudyante: Yehey!
Guro: Maglagay ng 1 to 10 sa inyong kuwaderno. Babanggitin ko lang nang tatlong beses ang salitang babaybayin, kaya makinig nang mabuti.
Estudyante 1: Kapag wrong spelling, wrong po ba?
Guro: Siyempre, kaya nga spelling, e. Ikaw talaga...
🤣😂#diyalogo #BuhayGuro
