SO1: Leaving for good.

455 13 0
                                    

»»-(¯'v´¯)-»  |͇̿ ͇̿ ͇̿ ͇̿    |̶̿ ̶̿ ̶̿ ̶̿  's note «-(¯'v´¯)-««

I officially welcome you to Raging Fists Academy!

Another story by cloudyfantasy! :D I’m not sure kung kaya ko kayong patawanin, pakiligin or even paiyakin dito, but I’ll do my best!  :D

 Picture of Andrei on the right  :D

©CLOUDYFANTASY all rights reserved. X) boom.

*ginagawa ko pa po yung Prologue X)

| June 27, 2011 | Monday |

 ANDREI'S POV 

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Kagat ko ang labi ko habang nakatingin ako’t nakikinig sa kanila. Hawak-hawak ko pa man din ang sketch ng mukha ni Allysa, chocolates, roses, atbp. Kaarawan niya kasi ngayon at susurpresahin ko sana siya sa pamamagitan ng pagtatapat ng tunay na katauhan ko at ng matagal ko ng pagtingin sa kanya. Gayunpaman, kanina lang, may nauna na pala sa akin.

“It’s true Allysa. Ako si Winkz, ang lalaking matagal ng nanliligaw sayo ng palihim,” kinuha niya ang kamay ni Allysa at hinalikan ito. “Happy Birthday my princess.” Dugtong pa niya.

Si Allysa Casio nga pala (allysa= pronounced as alisa). Siya ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng simple, maganda, matalino, mabait at maka-Diyos na nagpaikot ng malaki’t malawak kong mundo. Maliban sa dahilang may pagkatorpe ako, ayokong magustuhan ako ni Allysa dahil sa yaman ko, mukha at galing, kaya napagdesisyunan kong maging secret admirer niya. Ang desisyon kong yun ay sinuportahan naman ni Tristan Reivenum, ang PINAKAMAMAHAL kong bestfriend.

“W-winkz?” naiiyak sa tuwang tanong ni Allysa. Paniwalang-paniwala siya na si Tristan nga si Winkz.

Bakit ka naniniwala sa kanya Allysa?! I’m right here!

“Yes?” nakangiting tanong ni Tristan. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ni Allysa na hinawakan din ang kamay niya at idinikit ang malambot at mamula-mula niyang pisngi rito. Sa inis ko ay nasuntok ko ang pintuan. Dahilan para mapatigil sila sa kung anumang ginagawa nila at tumingin sa akin. Nginitian ako ni Tristan, si Allysa naman ay nagulat.

“P-Prince Andrei!” gulat na sabi ni Allysa. “G-galit siya. Galit siya Tristan. Nakakatakot!” nagtago si Allysa sa likod ni Tristan. Tiningnan ni Tristan ang mga dala-dala ko.

“Huwag kang mag-alala Allysa, ako, si Winkz, na matagal ng nagmamahal sayo ay ipagtatanggol ka.” Namula at kinilig si Allysa sa sinabi niya.

I clenched my fist.

Kung hindi lang ako nanggaling sa marangal na pamilya, malamang ngayon nagulpi na kita Tristan!

Nanggagalaiti ako sa galit. Wala akong magawa! Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin para mapaniwala ko si Allysa na ako talaga si Winkz at hindi si Tristan.

Paano?! Lahat ng mga ginagawa ko at nangyayari sa amin ay kinukwento ko kay Tristan!

“P-Paano mo nagawa sa’kin ‘to? I’ve treated you as my---” lumakad si Tristan palapit sa akin at kinuha ang mga dala-dala kong regalo para kay Allysa.

“I’ve actually asked him to bring these gifts for you Allysa. Ako gumawa niyan. Sana magustuhan mo,” inabot niya kay Allysa ang mga regalo KO.

Nang hindi na talaga ako nakatiis ay sinapak ko siya. At dahil sa magaling ako sa karate, doble ang sakit. Agad na napahiga si Tristan. Pumutok ang labi niya’t nagdugo. Agad siyang nilapitan Allysa.

RCG: Switch Online!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon