SO7: I'll find answers myself.

118 5 0
                                    

Yuji's picture to the right :D

⌦ AZUMI'S POV ⌫

Pinulot ko ang perang tinapon ni Sir Andrei sa sahig at tumakbo na ako palabas. Bakit ko nga ba kinuha? Dahil kailangan ko? Hindi, kinuha ko yun bilang pagtanggap ng katotohanan. Tanggap ko kung ano ang kinalalagyan ko at kung ano ang pagkakaiba naming dalawa.

Di kaya ginawa niya lang yun para iwanan ko na yung trabaho ko?

Argh! Kung ano-ano na naiisip ko. Wala ka sa isang fairytale Azumi! Nasa totoong buhay ka!

Tinapik-tapik ko yung ulo ko at pinunasan ang luha ko na hindi tumitigil sa pagbuhos. Alam kong magiging mahirap itong trabaho ko pero… hindi ko akalain na sa ganitong paraan ako mahihirapan.

Kailangan ba talaga nilang ipagdiinan sakin na mahirap lang ako? Kailangan ba talagang ipamukha sakin na iba ako sa kanila? Parehas lang naman kaming tao! Bakit kapag may pera sila, pakiramdam nila, ‘iba’ na sila? Hindi ko maintindihan!

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko. Masyadong okupado ang isip ko ng lahat ng nangyayari. Napakarami kong iniisip. Napakarami kong inaalala at pinoproblema.

“Azumi!”

Napatigil ako ng biglang may humila sa braso ko. Nasa harapan pala ako ng Mini-eleven.

Dito ako dinala ng mga paa ko? Kay Yuji?

Hindi ko matingnan si Yuji ng derekta. Hindi ko siya kayang tingnan ng maayos kapag alam kong may tinatago akong sikreto.

Nang hindi ko inaasahan, bigla niya akong niyakap. Tila mga hayop na nakawala sa hawla ang  luha ko. Kung kanina patak-patak lang, ngayon hindi ko na mapigilan ang paghagulgol ko. Pagsi Yuji na ang kaharap ko, nailalabas ko lahat. Walang halong pagkukunyari.

“Tungkol ba ‘to sa parents mo?” bulong niya sakin.

Lalo akong napaiyak at lalong humigpit ang pagkakayakap sakin ni Yuji. Sana nga. Sana tungkol lang ‘to sa parents ko. Pero hindi. Wala pa yun sa usapan. Nandito palang tayo sakin at sa lugar ko sa mundo ng mayayaman.

Gumaan ang loob ko ng maiyak ko lahat kay Yuji. Alam kong magtatanong siya ng magtatanong hanggang sa may malaman siya. Buti na lang nagquit na ‘ko bilang night shift sa Mcdonalds. Kundi magkasama pa rin kami ni Yuji sa trabaho. Ngayon, wala na siyang pagkakataon para tanungin ako.

Tumakbo nanaman ako palayo. This time, ako na ang may kontrol sa mga paa ko. Binagalan ko lang ng konti para punasan ang mata ko.

Hindi ako pwedeng makita nila Mama at Papa na umiiyak. May sakit na sila at matagal na rin bago ko sila napacheck up.

Sa wakas ay napakalma ko ang sarili ko. Nang may ngiti sa mukha, nasabi ko sa sarili ko ang natatanging nakapagpagaan ng loob ko.

Gamit ang perang pinulot ko kanina, madadala ko na sila sa ospital bukas.  

Binuksan ko ang pintuan at dumiretso sa bahay. Pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan ko sila mama at papa na nag-aabang. Nang makita nila ako ay agad silang ngumiti at hinawak-hawakan ang kamay ko. 

Anong meron?

Kadalasan ko lang silang nakikita na nasa balkonahe. Tahimik silang nagmamasid sa paligid o di naman kaya'y maabutan ko sila sa kusina na nagkakape. Bihira lang nila akong abangang dumating. Sinara ko ang pinto at ngumiti rin sa kanila.

"Bakit parang masaya kayo ma," nagmano ako sa kanilang dalawa.

Umubo-ubo si papa at si mama naman ay tinuro sakin ang kwarto. Tinulak ko ang wheel chair niya papunta doon.

RCG: Switch Online!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon