S09: Raging Fist Subject 1

125 6 0
                                    

First time kong sasabak sa Raging Fist Subject. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong mga bagay ang pwede kong maencounter dito. Nakapila kami sa labas ng gym habang sinasabi ni Sir Zhery ang mga rules and regulations ng gym.

Pagbukas ng pinto ay nagsigawan sila ng “Yeeey!” at tumakbo papasok.

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit tinawag ang lugar na ‘to na gym. Kung tutuusin, kasing laki niya ang mga basketball court na nakikita ko sa ibang school. Kumpleto ito ng mga barbells, medicine balls, at iba pang ginagamit pang-exercise. Ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang boxing ring, at ang mga punching bag na nakasabit. Mukhang bago ang mga ito.  Actually, mukhang bago lahat. Sabagay, kakasimula palang ng klase eh.

Bam! Poof.

Napalingon ako sa likod ko. Sinuntok lang naman ng kaklase ko ang isang punching bag at nabutas ito.

Wow. Naiintindihan ko na kung bakit bago lahat ng gamit dito.

“Hey Mr. Skylar,” kinawayan ako ni Sir Zhery na nasa loob ng boxing ring. “I need you up here for evaluation.”

Tumakbo ako at pumasok sa ring. Napatingin ako sa isang kaklase ko na nagsusuot ng mga gear. Siya ang pinakamapayat at matangkad sa klase namin.

“You two seems to be on the same category. I’ll be evaluating your physical fitness through combat. I believe you already know the rules since I’ve mentioned all of them earlier but I’ll repeat one anyway. You can use any martial arts or type of combat, as long as you don’t use any weapon and you play fair. Are we clear?”

Nakatitig lang ako sa kaniya. Nagsimulang magkumpulan sa baba ng ring ang ibang mga estudyante para manood.

“Uhmm… hindi po ba alphabetical?” pagbabakasakali ko.

“No unfortunately Mr. Skylar, we need to finish this pretty quick so we’ll be starting with the two of you. Who seems a little…” naggesture siya ng deretsong  linya. Nagtawanan ang mga lalaki. “Now Mr. Skylar. Please wear your equipment. We don’t want your,” tinuro niya ang makakalaban ko ”bones breaking here. Hahaha!”

Mula sa gilid ko ay inabot sa akin ang mga gear. Sinuot ko ang mga iyon. Medyo inangat ko ang pulang jogging pants ko at inayos ang t-shirt ko.

“The first person who puts down the other three times, wins. Skylar versus Morato,” lumakad kaming dalawa. Tiningala ko siya. Nalililiman ako sa pagtayo ko palang sa harap niya. Habang nakatitig ako sa kanya, di ko mapigilang mapansin ang determinasyon sa mga mata niya.

Gusto niya talaga akong talunin.

Naiintindihan ko naman. Mukhang siya ang tipong tao na malapit sa mga bully. Kapag natalo niya ako sa laban na ‘to, mapapatunayan niyang hindi lang siya maitatapat sa mga ‘mukhang’ mahihina.

Hm. Pero ako…wala akong dapat patunayan…

Pumito si Sir Zhery, hudyat na simula na ng laban. Pumwesto ako sa fighting stance ko. Tinitigan ko siyang mabuti. Base sa pusisyon ng kamay at luwag ng mga paa niya… taekwondo?

Tug! Tug!

Dalawang sipa agad ang sinangga ko at ang nakakapangilabot pa dito ay nakaderekta ito agad sa mukha ko. Mabigat ang paa niya at mahaba. Balak niya sana ‘kong patumbahin sa isang sipa lang!

Napaurong ako palikod to gain balance. Aaminin kong magaling siya. Base sa lakas ng sipa niya, masasabi kong black belter siya, baka 9th degree pa nga. Ang problema lang… mas mabilis ako sa kanya.

Tumalon ako para magfake hi jump kick, I caught him by surprise, nanlaki ang mga mata niya at   huli na para subukan niyang gamitin ang kamay niya at harangan ang paa ko. Hindi naman ‘to seryosong laban kaya tinalunan ko lang ang mga balikat niya at sinipa ang likod niya. Nilingon ko siya sa likod ko at nakita kong naiinis siya.

Naiinis ba siya sa sarili niya?

Tahimik na ang lahat. Di nila inakalang magiging turn-based ang laban o magiging mainit ito ng ganito.

“Why didn’t you… why didn’t you do it?”

I squinted at him. Anong problema niya?

“Are you underestimating me?!” galit siyang sumugod sakin. Tuloy-tuloy siyang sumipa. Madali kong nailagan ang mga ito dahil halatang nawawala na siya sa focus. Nasalo ko ang kanang paa niya at mabilis itong inikot, pero bigla siyang tumalon at gamit ang kabilang paa niya, sinipa ang ulo ko. Pagkadilat ko, nakahiga na ako habang siya nakatayo at ina-apiran ang mga kaklase naming.

Prrrrrrt!

Sumipol ng malakas si Sir Zhery. “ONE POINT FOR MORATO!”

A-anong nangyari? Akala ko… mabagal siya…

Umupo ako and with my jaw hanging, tumingin ako kay Morato. Nakangiti siya sakin. “I may look all nerdy, shy and goofy with my glasses in class but I tell you, Taekwondo transforms me,” inalok niya ang kamay niya sakin. Tinayo niya ako at bumulong, “Earlier was a mere test if your fragile-looking body can handle my next blows. This is just an evaluation. As said earlier, we don’t want any bones breaking here, right?”

I felt goosebumps all over me but at the same time, I was excited. There’s actually more to this guy than what I’ve seen so far!

Di ko mapigilang ngumiti. Sumenyas si Sir Zhery at pumwesto ulit kami sa mga fighting stance namin. Sino nagsabing lapitin siya sa bully? Mukhang ang pisikal na itsura lang pala talaga ng katawan namin ang pinagbabasehan dito, at biro lang pala talaga ang sinabi ni Sir kanina na mababali ang buto niya. Mukhang hindi gulat ang mga nanonood sa pinakita ni Morato.

Alam nila… alam nila anong klaseng halimaw ang kalaban ko ngayon.

 

 

 

 

 

 

 

Prrrrt!

“AND THAT MAKES THREE POINTS FOR SKYLAR!”

Tinulungan kong tumayo si Morato. Nagbow kami sa isa’t-isa at nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Nakakamiss din pala lumaban ng ganito. Tinanggal ko ang gear ko at nilagay sa lalagyanan. Nagpunas ako ng pawis at umupo sa bench.

Umupo ang isa kong kaklase na sumuntok kanina sa punching bag sa tabi ko. “That’s so awesome man! Di ko akalaing kaya mo pala yun si Mura to! Hahahaha!”  

Nginitian ko lang siya.

“I’m Warren by the way,” he stretched out his hand smiling, offering me a handshake.

“Yuki,” I took his hand and shook it lightly.

“Yeah, I know who you are. You see, I’m the type of guy who knows a lot of things.”

Now this got my attention. Medyo kinakabahan ako sa sinabi niya.

There’s no way on earth he knows, Azumi. Malakas ang kinakapitan mo. They can control the flow of information. Can they?

“But before anything else. I’m curious… where did you learn to fight like that?”

“Uhmm…”

Pagsinabi kong tinuruan ako, tatanungin niya kung sino o saan. Tsk…AH!

“Hmm, actually, it’s just like a natural thing. I was fighting before I even learned to walk. Hahaha.”

Natawa siya sa sagot ko at bakas sa mata niya na hindi siya kuntento dun.

“Warren! Tawag ka na ni Sir Zhery!”

“Ah,” tumayo na siya at nagsimulang maglakad papunta sa ring, “I believe there’s more to that pero sa susunod ko na lang aalamin. Hahaha! Sayonara, pretty boy,” kinindatan niya ako saka lumayo.

 Warren's picture to the right :)

RCG: Switch Online!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon