Picture of Morelli to the right :D
==========================
Natapos ang trabaho naming ni Yuji ng walang kibo-kibo sa isa’t-isa. Nilinis ko ang ladies room at si Yuji naman sa panlalaki. Halos magkasabay kaming natapos. Hanggang sa pag-uwi namin, hindi niya na ‘ko kinakausap o kung ano pa man. Nanahimik na lang din ako dahil kahit naman makapag-usap kami, hanggat di ko sinasabi lahat, hindi rin magiging maganda yung usapan.
Panibagong araw sa school. Before ako matulog kagabi, nakapag-isip-isp ako ng magagandang gawin para walang makatuklas na babae ako o body guard ako ni Sir Andrei. Wala naman siyang balak na sabihin sa lahat na body guard niya ‘ko diba? Ayaw pa nga niyang binabantayan ko siya eh. Buti na lang, hindi niya alam na babae ako. Pagnagkataon, mas lalo siyang tatanggi na ipagtanggol ko siya.
Binuksan ko ang pintuan at pumasok ako sa classroom namin. Maingay nanaman ang klase, which is something na kinasanayan ko na kahit 2nd day palang ng pasukan. Habang sinasara ko ang pinto ay nagulat ako ng may mabigat na kamay na humawak sa balikat ko. Acting according to my instincts, nilaglag ko ang bag ko, hinatak ko ang kamay paharap, siniko ang dibdib, atsaka binigyan ng back kick para ma-outbalance siya.
“Ahh! Yuki?! Ako 'to si Morelli! Porke di 'ko pa nasasabi pangalan ko!” gulat na sabi ni Morelli hindi niya ata akalain na kaya ko yun. Sa wakas, nalaman ko din ang pangalan ng lalaking unang kumausap sakin sa campus.
Tumahimik ang buong kwarto. Malaki ang mga mata ng mga kaklase ko habang nakatingin sa aming dalawa ni Morelli.
“……”
“AHAHHAHAH!” napuno ng halakhakan ang classroom.
“Ang weak mo Morelli! Natalo ka pa ni Yuki,” lumapit sa akin ang isa kong kaklase na may pagkabadboy at mahilig sa mga babae. “Look at those arms, ang nipis! Hahaha! Tapos napatumba ka?! Laughtrip!”
Ginatungan siya ng iba pang tao sa room. Ako naman, tinulungan kong tumayo si Morelli na mukhang gulat pa rin na natatawa sa nangyari sa kanya.
Habang hinahatak ko siya patayo, bigla niya ‘kong inakbayan at binulungan.
“Ohh I can’t wait to take you on later,” sabay kindat at ngiti.
Magsasalita sana ‘ko, kaso biglang may humatak kay Morelli at sinapak siya. Natumba nanaman siya, pero this time, pumutok ang labi niya.
Sir Andrei?!
“What did this guy do to you?” galit na tanong niya.
Natameme lang ako dahil nagulat ako sa ginawa niya.
“Speak Az-Yuki!”
Is it just me or did I hear him say… no. Syempre hindi niya malalaman yun. Napakaimpossible. Tama, hindi mangyayari yun.
“Wala! Kinakausap niya lang ako!”
Napalunok si Sir at tinulungan si Morelli na tumayo. Pinagpag pa niya at inayos ang nagusot na damit nito.
Biglang umangas ang mukha at asta ni Morelli. Humarap siya kay Andrei ng malapitan at binigyan siya ng bored look bago nagsalita.
“I don’t care if your dad is a well-known owner of a company Andrei. If I had to, I would really send you to the hospital, straight! To the emergency room. Got it?”
BINABASA MO ANG
RCG: Switch Online!
Teen FictionBecause enrolling as a boy in an all-boys school is too mainstream, napilitang pumasok si Azumi Skylar sa Raging Fists Academy to serve and protect ang arroganteng si Andrei Merscilles. Matatapos kaya ni Azumi ang kontrata kasabay ng pag-aaral niya...