S10: Precious Blood

64 3 0
                                    

Ano kayang meron sa lalaking yun?

Kahit medyo nabagabag ako sa mga sinabi niya sakin, nagfocus na lang ako sa pagpuslit palabas ng classroom.

Natapos ang klase ng wala masyadong nangyayari. Mabuti naman dahil pangalawang araw ko palang dito, pakiramdam ko, isang buwan na ang nakakalipas.

"Guard him well Ms. Skylar."

Tumingin ako sa paligid kung may nakasunod bago sumagot sa sinabi ni Sir Stefan.

"Did something happen, Sir?"

"He got stabbed."

"What?! When?!"

"Last night. I tried persuading him not to go to school but he insists. So let me just remind you that if anything happens to him while you're on watch, consider yourself dead. Got that?"

"Y-yes Sir." Nauutal na sagot ko.

Binaba ko na ang cellphone ko at naglakad pabalik sa classroom. Sa may hallway, naabutan ko si Sir Andrei na nag-aabang sa may pintuan. Nang makita niya ako ay lumapit siya sa akin.

"You. Me. At the garden, now," at dumere-deretso na siya.

Alam kong wala ako sa posisyon para magtanong kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Ang garden ng school namin ay parang isang dome na parang gubat sa loob. Base sa mga naririnig kong usap-usapan. Off-limits ito sa mga estudyante. Well, siguro talaga pag-mayaman, ikaw ang batas.

Pagdating sa loob at huminto si Sir Andrei sa may gitna. He crossed his arms and stared at me in suspicion. Marahan kong sinara ang pinto at humarap sa kanya. Bumibilis na ang tibok ng puso ko, namamasa ang mga kamay at gumuguhit ang malamig na pawis sa likod.

"Have you had enemies here yet?" tanong niya.

"Wala po."

"Kanina, nakipag-usap ka kay Stefan diba?"

"Opo."

"Sigurado kang wala kang kaaway dito?"

"Wala po."

"Sa labas?"

"Wa-" Wait lang. Ang pagkakaalam ko, hindi na kami guguluhin ng mga ibang clans dahil umalis na kami dun. Di na naming sila kaaway at, imposibleng idamay nila si Sir Andrei.

"Wala po."

Binaba niya ang mga kamay niya at bahagyang sumandal sa may metal railings sa likod niya. Pumamulsa siya at nag-isip.

"Alright, you can go."

Halatang may bumabagabag sa kanya pero wala ako sa tamang lugar para magtanong ng mga ganyang bagay. Physical harm ang iniiwasan kong maranasan niya.

Pagkatapos ng klase ay hindi na ko umuwi. Ginawa ko ang mga assignment namin sa library at dumeretso na para magbihis at maglinis. Nagkita kami ni Yuji sa 4th floor hallway at tinapos ang trabaho.

"Pakilagay na lang yung mop diyan sa gilid ng pinto." Utos ni Yuji. "Pakisama pala 'to," inabot niya sa akin ang mga balde.

"Ito na lang din ba yung part time mo ngayon Yuj?"

"Oo. Sapat naman na para sakin yung kinikita ko dito."

"Aahh..."

Tahimik lang kami ni Yuji habang naglalakad pauwi. Tumingin ako sa mga bitwin. Pakiramdam ko nanaman, mag-isa lang ako. Kahit hindi. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RCG: Switch Online!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon