Teka...Azumi. Pangalan ng babae yun ah?
Tiningnan ko ng mabuti si uhh... Azumi o Yuki. Lalaki talaga siya. Di ako pwedeng magkamali!
Nakayuko lamang si... Azumi. Mukhang mahihirapan ako sa pangalan niya ah. "Yuji... yuji...," marahan niyang niyakap ang lalaking nagngangalang Yuji habang umiiyak.
"Ano bang nangyari sabihin mo sakin," tanong niya habang hinahaplos niya ang likod at ulo ni Azumi.
Ayoko mang aminin pero, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Naguiguilty ako sa mga sinabi at ginawa ko kay Azumi. Sa tuwing kasama ko siya, parang ang lakas-lakas niya, cold at independent. Pero ngayon, mukha siyang isang batang nangangailangan ng pag-aaruga. Gusto ko rin siyang yakapin at damayan habang umiiyak siya. Pero paano? Kung alam kong ako mismo yung dahilan?
Bakit ba kinuha ni Azumi ang trabahong pwedeng ikapahamak niya? Babae pa naman siya. Alam ba niya kung anong klaseng peligro ang kinalalagyan niya sa isang all-boys school? Oo, katabi ng building namin ang sa mga babae pero...hindi talaga tama yun!
Tumigil na sa pag-iyak si Yu-Azumi pero humihikbi pa rin siya. Inilayo siya ng konti ni Yuji para makita ang mukha niya. Inayos niya ng kaunti ang buhok ni Azumi na medyo nagulo na at saka niya hinawakan ang mukha nito at inangat sa kanya.
Nanatiling nakatingin sa baba si Azumi. Halatang hindi niya kayang sabihin kay Yuji ang totoo. Pero bakit kaya?
"Ano bang nangyari?" puno ng pag-aalalang tanong niya. "Pwede mo bang ipaliwanag sakin kung bakit," pinadaanan niya ng mga daliri niya ang buhok ni Yuki. "Pinutol mo ng ganito yung buhok mo at panlalaki yang porma mo?"
Hmmm... matalino pala 'to eh. Mukhang may ideya na siya.
Sa halip na sumagot, tumakbo si Azumi palayo. Tumakbo rin si Yuji pero huminto siya ng biglang may sumigaw sa loob.
"Hoy Yuji! San ka pupunta? Iiwan mo yung trabaho mo dito?!"
Lumingon si Yuji. Nang may mukhang papatay ng tao, sumagot siya. "Babalik na 'ko sandali lang!"
Kahit likod lang ni Yuji ang nasisilayan ko, klaro sa paningin ko na namumuti na ang kamao niya sa sobrang higpit. Gusto niya talagang sundan si Azumi. Kaano-ano ba siya nun? Bakit sobra siyang nag-aalala?
Maya-maya ay bumalik na si Yuji sa loob ng convenience store. Pagkapasok niya ay agad kong sinundan si Azumi. Sinulyapan ko din ang pangalan ng pinagtatrabahuan ni Yuji.
Mini-eleven... bibilhin ko yan.
Dumeretso lang ako at tumitingin sa paligid. Nagbabakasakali akong makita ko pa si Yuki at di ako nabigo. Patakbo siyang naglalakad habang nagpupunas ng luha niya. Tumigil siya sa harapan ng isang bakuran? Tinulak niya ng may pag-iingat ang bako-bako na pintuan pala. Pakiramdam ko, pag-ako ang papasok dun malamang masisira ko yung pintuan. Pero ayos lang, kayang-kaya ko pa siyang pagawan ng bahay eh.
Nang makapasok na siya ay hindi na niya inabala ang sarili niyang isara ang pinto. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng isang maliit na bahay. Kasing laki ng bahay niya ang kusina namin!
Ahh... baka siya lang mag-isa ang nakatira dito. Pero... delikado yun ah?
Lumapit ako ng kaunti sa may fence. Mahigit tatlong metro ang layo nito sa bahay nila. Kung tutuusin, malawak ang lote nila. Meron pa silang pond sa gilid na walang ibang laman kundi maruming tubig, lumot, at marahil ay mga palaka. Sa may pinakagawing kanan, medyo malayo sa bahay nila, meron isang...dojo? na mukhang guguho na kapagpinitik mo.
Tiningnan ko ulit ang pinasukang pintuan ni Azumi. Natigilan ako ng makita ko ang isang lolang nakawheel chair at isang lolo na nakahawak ng mahigpit sa tungkod niya. Tuwang-tuwa sila na makita si Azumi pero hindi sila nagsasalita. Tanging ngiti at paghawak-hawak lang kay Azumi ang paraan nila ng pagpapakita kung gaano sila kasaya na makita siya ulit.
Tinitigan ko ang hawak kong cellphone. Kanina ko pa balak tawagan si Stefan para sesantihin si Azumi pero ngayong nakita ko ang dahilan niya, parang gusto ko siyang tulungan, sa paraang ako lang ang nakakaalam.
Di ko napansing matagal na pala akong nakatayo sa harapan ng bahay nila. Makulimlim na. Biglang bumukas ang pintuan nila kaya agad akong nagtago sa gilid ng katapat nilang bahay. Lumabas si Azumi na nakasuot ng isang uniform. Nakita ko ang logo ng school namin pero sa baba nun ay nakalagay ang nakacapslock na mga letra: "Maintenance".
Pagkasara niya ng fence ay nagmasid siya sa paligid. Nakapagtago naman ako at narinig ko ang paglakad niya palayo. Naririnig kong malayo na siya kaya nilingon ko ang kinaroroonan niya at nagulat ako nang magkatitigan kami ni Yuji. Mapanuri ang titig niya na parang nagtatanong: "Anong ginagawa mo diyan?"
At syempre, hindi ko na kailangan pang hinatayin na puntahan ako ng Yuji na yun. Tumakbo na ako palayo at ng makarating na sa maraming tao ay tinawagan ko si Stefan para magpasundo. Sana lang, natakpan ng dilim ang mukha ko at ang suot kong uniform.
Hay nako. Sino ba kasing nagsabing magiging maayos na ang buhay ko sa bagong school?
BINABASA MO ANG
RCG: Switch Online!
Teen FictionBecause enrolling as a boy in an all-boys school is too mainstream, napilitang pumasok si Azumi Skylar sa Raging Fists Academy to serve and protect ang arroganteng si Andrei Merscilles. Matatapos kaya ni Azumi ang kontrata kasabay ng pag-aaral niya...