SO4: Anonymous Student Council & the Punishment

148 6 0
                                    

"Ano pong gagawin niyo sa'kin?" tanong ko sa misteryosong 'student council' na umawat sa away namin. Nakatakip pa rin ang mata ko, nakatali ang kamay at paa, at kasalukuyang nakaupo.

"Wala naman basta magpapakabait ka diyan. Sige, pwede na kayong umalis para dalhin yan sa clinic. Baka nangangailangan pa ng tulong yung vice president natin sa kabilang building. Ako nang bahala dito." utos niya sa mga kasama niya.

Teka nga. Paano kung hindi pala talaga sila yung Student Council? :O Oo nga no! 

"Kailangan pa po ba talaga itali 'tong mga kamay ko?" tanong ko nang makaisip ako ng plano. 

"Oo for safety purposes. Ang mga estudyante pa naman dito, simpleng titigan at banggaan pinag-aawayan. Tsk. Tsk. Panglimang kaso na 'to ngayong araw. Atsaka, kaya rin namin tinakpan yung mata mo ay para hindi mo kami makita. Ako at yung mga kasama ko kanina ang anonymous student council ng Raging Fists Academy. Gusto naming manatilig 'anonymous' para madali naming maaapproach ang lahat ng studyante." pagkekwento niya.

"Ahh... Ano pa po bang ginagawa niyo diyan? Hindi naman po ako papalag pa eh."

May narinig akong nagbuntong-hininga. Sunod ay may presensya akong nararamdamang lumalapit.

"Anong pangalan mo," tanong niya habang tinatanggal ang tali sa kamay at paa ko.

Sweet! Haha. Humanda ka ngayon.

"Yuki Skylar po." puno ng paggalang na sabi ko. Natanggal na ng tuluyan ang tali ko sa kamay at paa.

"Mukha kang babae. Hahaha."

"Po? Babae ba kamo," bagamat nakapiring pa ang mata ko ay nagawa kong suntukin ang tiyan niya. Narinig ko siyang mamilipit sa sakit. Tumayo ako kaagad at nagmamadaling tinanggal ang piring ko sa mata.

Anonymous Student Council. Kahit mag-isa ka lang, makikita na kita! ^_^

"Hindi po ako babae. Lalaking-lalaki po ako at 'yan ang patunay," pagkatanggal na pagkatanggal ko ng piring ko ay napatayo siya. Nakakunot ang noo niya at nakatitig sa akin. Inis na inis ang expression niya. Mukha siyang mangangain ng tao!

"What do you think you're doing? Tsk," lumakad siya papalapit sa akin. Sa takot ko ay pumwesto ako sa fighting stance ko, pilit kong pinapakalama ang sarili ko. Nang katapat na siya ng kamay kong nakaextend ay nanliit ako sa katangkaran niya. 5'8"? Hindi! Baka 6 feet pa nga eh! Ang tangkad niya! Napalunok ako. 

Nag-squint siya bago magsalita. "No, I don't settle things by force. You saw my face now. You can't expect me to do nothing right," mariin niyang hinawakan ang kamay kong nakaextend papunta sa kanya. At dahil nga wala ako sa concentration ay mabilis niya akong nacorner sa pader. Napatalikod ako sa kanya at nakataas ang dalawa kong kamay, nag-aabang ng tamang pagkakataon para umatake ulit. Mukhang kakailanganin kong gumamit ng Muay Thai.

"Huwag mong ipagkakalat ang nakita mo... kundi, alam mo na ang mangyayari sayo." bulong niya sa akin.

Aba! Sino nga uli yung nagsabing hindi daw sinesettle by force? 

Umalis na siya at pabalik na ako sa classroom ng biglang may magsalita sa intercom.

"Yuki Skylar of Fourth Year Hydrogen, pumunta ka sa visitor's lounge. Pinapatawag ka ni Mr. Stefan." natigilan ako sa narinig ko. Wala pang isang oras simula nung nangyari yun at malalagot na ako kaagad. Naku! Sana pag-aralin pa rin nila ako! Aayusin ko! Aayusin ko na ulit 'to!

Nanginginig ang buong katawan ko sa takot habang patakbong pumupunta sa Visitor's Lounge. Sa may pintuan palang ay nakakaramdam na ako ng kakaibang aura. May mga security guard sa labas which is pretty uncommon. Pinagpapawisan ang mga ito at halatang takot na takot sa kung anuman ang nasa loob. Nang lumapit ako sa pintuan ay tinitigan nila ako ng masama na parang sinasabi: "Anong ginawa mo?" 

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok.

"Si-Sir Stefan," nakayuko ako.

"Oh, there you are Azumi," nakangiti siya sa akin. Nakakatakot. "Will you be kind enough to lock the door?" 

Sinunod ko siya. Bagamat pakiramdam ko ay hinuhukay ko ang sarili kong libingan, sumusunod pa rin ako hindi para sa akin kundi para sa mga magulang ko na paniguradong magugutom at mahihirapan paghindi ko inayos ang trabaho ko.

"Now come here." nakatayo siya sa gitna ng lounge at walang ibang tao roon maliban sa aming dalawa. Malamig rin sa loob dahil sa aircon at sa sobrang tahimik ay ang ingay na lang ng mga appliances at sarili mong paghinga ang maririnig mo. 

"I'm sorry Sir. I'll do better next time." nakayuko pa rin ako. Inangat niya ang ulo ko gamit ang isang daliri niya. Ngumiti siya sa akin ulit bago ako binigyan ng isang malakas na sampal. Sa sobrang lakas ay napahiga ako sa sahig at nang punasan ko ang gilid ng labi ko ay may nakita akong dugo.

"Of course you should. Dahil kung hindi, paaagahin ko ang kamatayan ng parents mo."

Kaya ko pa sanang magtiis kung hindi niya sinabi yun.

"Anong sinabi mo?!" wala na akong paggalang. Tumayo ako at nakakunot ang noong lumapit sa kanya. "Huwag na huwag niyong gagalawin ang parents ko!" 

"At sino ka para diktahan ako? Sa simpleng salita ko lang ay pwede ka naming burahin dito sa mundo. Tandaan mo yan. Your existence is just like of an ant in our world. You're nothing important. If you wish your parents a better living, do your job well. Or else, I'll destroy them right now. Hahaha!" nang hindi ko na nakontrol ang sarili ko ay sinubukan ko siyang sipain sa mukha pero nasalo niya ito gamit ang kamay niya. Halatang nainis siya sa ginawa ako at hinatak niya ang paa ko papalapit sa kanya tsaka binigyan ng 'chop'. Napasigaw ako sa sakit pero walang tumutulong sa akin galing sa labas. 

"AAAAH! Tulong!" nakaupo ako sa puting tiles at hawak-hawak ang parang-pinukpok-ng-bakal na hita ko. Mukhang hindi pa siya nakuntento at sinipa niya ako sa tagiliran. Napahiga nanaman ako sa sahig pero this time, nanatili akong ganun dahil sunod-sunod na sipa at tadyak ang binigay niya sakin.

"Kilalanin mo kung sino ang dapat mong respetuhin ha!" maayos pa ang paningin ko at nakikita ko ang dugong galing sa bibig ko na nasa sahig na. Hinatak niya ako patayo gamit ang kwelyo ko. "Pagkailangan mong ibuwis ang buhay mo para iligtas si Andrei, ibubuwis mo! Pagkailangan mong masaktan para kay Andrei, masasaktan ka! Pagkailangan niya ng utusan, magpapautos ka! Paggusto ka niyang saktan, hahayaan mo lang siya! Naiintindihan mo ba?!" 

Hindi ako sumagot. Hinang-hina ang katawan ko. Dahil kulang na ako sa training ay hirap akong ilabas lahat ng lakas ko para subukang lumaban. Kahit na alam kong talo naman na ako simula palang, gusto ko pa rin lumaba-

"Unless gusto mong ilayo ka namin sa parents mo at sasaktan namin sila." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Umiling-iling ako at napaluha na lamang sa sitwasyon ko. 

"Good. That means klaro na tayo sa isa't-isa," hinagis niya ako pababa. "Remember your lesson Azumi. If you think you're special, you're not. Your only reason for living here is because you need to be a slave of Andrei. Nothing more. That's the world we live in. Ang mga talunan at hampas-lupang kagaya mo ay binabasura lang at ang mga importanteng taong kagaya namin ni Andrei ay mas lalong umaangat. That's just how things go on. Get used to it." huling sabi niya habang pinapagpag ang coat niya at slacks na nagusot. 

Ang unfair. Bakit napakaunfair ng mundo? Wala ba talaga akong karapatan na maging masaya? Hanggang dito na lang ba talaga ako?

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Dahan-dahan akong tumayo at paika-ikang lumakad palabas ng visitor's lounge. Pumunta ako sa banyo para burahin ang dugo sa damit ko at mukha ko. Habang tinitingnan ko ang mukha ko sa salamin, napansin kong nangayayat ako. Maliban sa pasa sa gilid ng labi, pisngi at sa iba't-ibang parte ng katawan ko, nahahalata na rin ang eyebags ko. Ngumiti ako sa sarili ko habang iniimagine ang buhay ko kung iba ang kalagayan ko. Kung nakatira ako sa isang tahimik na lugar kagaya ng mga normal na estudyante. Kung nakakakain ng maayos ang pamilya ko araw-araw at nakakapag-aral ako ng walang ibang inaalala. Napakasarap siguro ng ganung buhay. 

Habang umiiyak ako ay may isang taong pumasok sa isip ko. Si Yuji. Siya lang ang taong nakakaintindi sakin. Ang taong malalapitan ko. Pero mukhang sa ganitong pagkakataon, hindi ko siya pwedeng lapitan. Madadamay lang siya. Mahirap na, sinusuportahan niya ang sarili niya, mapapahamak pa siya dahil sakin. 

RCG: Switch Online!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon