Chapter 4

14 1 0
                                    

"H-hey, bitawan mo'ko! Bakit kaba nandito?! Babayaran ko utang ko!" Enebeyen. Effort talaga siyang pumunta dito?

Pinagtinginan lalo kami ng mga tao dito.

Hila-hila ako ni snoopy sa kung saan planeta siya pupunta. At kailangan isama niya ako?

Nagpakaladkad nalang ako sa kanya. Ng bigla siyang huminto kaya na tumama ako sa likod niya.

"Stay away from him" seryoso niyang sabi. At humarap na siya sakin

"Bakit? Sino ka ba para sabihin sakin yan?" Pagmamataray ko

"I said, stay away from him. Understand?"

"Eh sa ayoko eh. Wala kang magagawa dun" naka ngiting sabi ko sa kanya

"Ang kulit mo" nice, ako pa makulit ah? Mag uutos nalang nga siya may kasama pang insulto?

"Ayoko"

"Sundin mo"

"Ayoko!"

"Sundin mo!" Halatang pinapanatili niya parin pagiging cool niya. Pero galit na siya. Problema nito?

"Pag di mo sinunod sinabi ko sayo" tumingin muna siya sakin

"Sige, anong gagawin mo?" Taas noo kong tanong. Di niya ako ma bu-bully dito. Hindi naman siya dito eh

"I'll make sure mahihirapan ka ng pumasok sa school na'to" W-H-A-T?!

"Pinagsasabi mo?" Hindi siya sumagot. Iniwan niya nalang akong naka tayo dun.

Tinignan ko kung anong oras na. Shet anong oras na! Late nako!

Binilisan ko pag takbo ko. Tinatabig ko na lahat ng makaka daan ko. Late n kaya ako kaya kailangan ko ng mag madali.

Ayoko mag stay sa detention room noh?

Sakto naman pag pasok ko naka tingin lahat sila sakin. Nice napansin na nila ako. Kaso nga lang ang talim ng tingin nila. Bakit?

"Andyan na pala ang malandi natin klasmeyt"

"Gosh! Siya ba yun?"

"Subukan niya landiin boyfriend ko."

"Slut"

Kahit ang sasakit sobra ng mga sinabi nila, hindi ako nag patinag. Umupo parin ako sa upuan ko sa likod na parang walang narinig.

Ayon, nag simula na mag turo prof namin. At ako naka tingin lang sa bintana.

Ang ingay  ingay ng mga klasmeyt ko eh. Yung, alam mo yun? Yung wala din paki alam samin mga teacher dito?

Maya-maya, wala na akong narinig ng salita. Bulong meron kaya napalingon ako.

Nanlaki mata ko nung nakita ko na naman pag mumukha niya. Ano na naman ginagawa niya dito?

"Siya si Mr. Tristan Vernon. Ang inyong magiging new classmate. Sana maging mabait kayo sa kanya. Alam niyo naman kung sino at ano ang pamilya niya" sunod-sunod na sabi ni prof. Ano ba talagang meron sa lalakeng yan?

"Hello sa inyo, sana maging friends tayo" sabay ngiti niya. Sus, papeymus na naman si snoopy. Ngiting aso ang putcha.

"Hello sayooo"

"Shit, shit, shit! Nag hello siya sakin! "

"Pwede nako mamatay, bes"

"Hi sa future boyfriend ko, hihihi"

Sus. Sinapian naba talaga ng mga pagka bata t'ong mga classmate ko at nahilig sila sa snoopy? Seriously?

"Kailan pa kayo nahilig sa snoopy? Tss..." Bulong ko.

My fiance is a COC addictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon