Yipieeee sabado ngayon. At gagala kami ni doms, since siya ang aking one and only bestfriend. Yeah tama kayo ng nababasa. Bestfriend ko na si Domskieeee! Edi happy! \m/Hindi na namin sinabi ni kuya kay mommy yung nangyaring gulo. Pinilit ko si kuya na wag na sabihin kasi baka mag alala pa si mama. Eh oks na oks na ang beauty ko. Kekeke
Nagsisisi din daw si domskie dahil iniwan niya ako mag isa dun. Pero hindi naman dapat siya magsisi. Wala siyang kasalanan no! Kaya nag aya siyang mag bonding kami. Yah know. Soul sisters kami.
Atsaka perstym ko mag gala ng kasama ang kaibigan. HAHAHAHAHA malaking achievement 'to!
*beep beep*
Narinig ko yung busina kaya alam kong nandyan na si domskie. Bumaba ako agad. Nagpaalam nako kay mommy
Sa totoo lang, kung titignan mo si Domskie hindi mo mahahalatang beki siya.
Makisig✔️
Maporma✔️
Malakas ang dating✔️
Habulin ng babae✔️
Hayy. Nakakahinayang! Pero okay lang. Tanggap ko siya kung sino o ano man siya. I love my bestfriend no matter what. Atleast parang may sister narin ako diba.
--
Naka sakay nako sa sasakyan ni domskie at oh-my. Ang ganda! Gusto ko ng matuto mag drive! Si kuya kasi ayaw ako turuan :< unfair dude.
"Uh.. Domski, saan tayo pupunta?" Hehe. Siya daw bahala eh. Kaya hindi ko alam. Sorry naman
"Ah. Sa salon tayo bestie. At mag rerelax tayo. Tignan mo nga yang kuko mo. Parang patay na. Eww!" Dinaig pa ako nito. Hahaha!
"Paano ka? Baka malaman nila bakla ka"
"Hindi yan. Ikaw lang naman yung aayusan, hindi ako. Duh marunong ako mag ayos ng sarili. Hindi katulad ng isa diyan" sabay sipol. Alam ko naman ako yung tinutukoy niya eh. Baliw talaga 'to. Hahahha
Nakarating na kami sa salon at wow. Just wow. Ang ganda rin dito.
"Goodmorning po Sir! Goodmorning po Ma'am!" May bumati samin. At nginitian ko din silang lahat. Grabe ang ganda talaga. Palibahasa ngayon lang ako nagpunta ng salon eh. ._.
"Another girl na naman po sir? Ikaw ah"
"Baliw. Ikaw talaga trish. Haha! Paki ayusan nitong inday na'to. " sabay turo niya sakin
"Psst! Domskie. Ikaw ah may babae ka palang dinadala dito ah" bulong ko sa kanya
"Haha hindi ah. Cousin ko lang yun. Kaso matagal na siyang wala dito. Pumunta siya ng Europe mga isang buwan na naka lipas. Ewan ko nga dun sa babaeng yun eh. Masasabunutan ko yun. Tsk!"
Umupo nalang ako kung saan ako pinapaupo nung trisha. Ang bait niya. Nila. Sana maging friends din kami! ^^
"Uh.. Hello sayo! Ako nga pala si Phamela pero you can call me pam. Because we're friends na right? Hehe"
"Oo naman. Napaka swerte ko at nagkaron ako ng magandang kaibigan. At mabait pa" hehe. Enebe.
"Oy grabe hindi naman. Haha!"
Sinimulan na ni trisha ang pag aayos sa kuko ko. Ewan ko nga dito kay domskie, pano ba naman pupunta pa kami ng SALON para magpa manicure at pedicure.
Habang nililinisan ako ng kuko. Naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
My fiance is a COC addict
Novela JuvenilAng story na ito ay punong puno ng kabaliwan. Pagpasensyahan na si author kung may mga wrong gramar or typographical errors.Thankyou for understanding. Enjoy reading!