Nandito na kami ngayon ni snoopy sa canteen. At tulad ng inaasahan ko lahat na naman naka tingin sa amin. Or should I say sakanya. Dahil alam niyo na. Maypagka habulin tong aso na'to. Psh."Oh, ayan na order mo" padabog akong umupo sa harap niya. Bale magka harapan kami. Ngumiti lang siya at nakakainis talaga. Kaya ngumiti rin ako. Yung pilit.
"Hayy! Andami talagang gentleman noh? Noh diba?" I said sarcastically. At ngumiti.
"Ah, oo. Sa katunayan nga. Ako na lang ang natitirang ganon" sabay kindat niya. Tss
"Wow ha. Hiyang hiya naman ako. Ikaw? Gentleman? Papatawa ka?"
"Sus. Totoo naman talaga ah. Ayaw pa kasi sabihin. eh?"
"Lakas talaga ng fighting spirit mo pre!" Sabay tapik ko sa balikat niya
"Syempre. Gifted ata ako"
"Oh shut up. Gifted na talaga sayo pagka epal mo" pinalo naman niya ako bigla sa labi. What did I do?
"Bakit ikaw? Gifted ka naman din eh. Dalawang likod" asdfghjkl! The nerve of this guy!
"Ah ganon?" Pumunta ako sa tabi niya at kinurot siya sa tagiliran
"Hoy wag ka! Malaki na'to kumpara sa iba."
"HAHAHAHAHAHAHA"
"Sige tumawa ka lang damuho ka! Mamatay ka kakatawa diyan!" Pinagpapalo ko siya
"O-okay. Pfft! I-I can't stop laughing. Pfft! HAHAHAHAHA--" hindi na siya natapos sa pagtawa dahil sa suntok na binigay ko sa pagmumukha niya.
"Aray! Ang napaka gwapo kong mukha. Ginanon mo lang?!" Abat! Anmeron sa mukha niyang snoopy siya?
"Tss! Umayos ka na nga dyan snoopy! May next class pa. Kaya alis!" Nakakabaliw kasama 'tong lalake na'to
--
Hayy salamat uwian na! Papunta nako kila kuya. At syempre si dwayne talaga ang sinadya ko. Haha!
Naglalakad ako mag isa papuntang likod ng building. Which is dun naman sila kadalasan tumatambay. At nagtataka ako kung bakit bigla nalang nawala si tristan at isa pang pinag tataka ko, ay hindi ko pa nakaka salubong si karl. Bakit kaya? Pero wala naman akong pake. Djk. Hindi ko dapat sila iniisip noh.
Habang naglalakad ako naramdaman kong may kasabay ako kaya napatingin ako aa gilid ko.
Ito talagang baklang 'to. Haha! "Hoy domskie. Anong paandar yan? Uwian na oy. Nandun sa kabila ang daan palabas ng gate" sabay turo ko sa gate
"Gaga hindi. Sasama lang ako sayo papunta sa kuya mo. Omyghad ang daming fafa dun" ewan ko dito ko kay doms. Nag sparkle pa ang mga mata habang purong tutulo na yung laway.
"Baka nakakalimutan mong lalake ka sa paningin nila? Mamaya kung ano pa isipin sating dalawa. Eh?"
"Ay oo nga noh? Pero please. Pakilala mo ako bilang bestfriend mo? Tutal mag bestfriend naman na tayo eh. Hihi" Tss.. Ano pa bang magagawa ko?
"Hayy. Tara na nga" pagpunta namin kila kuya nakita kong wala pa sila dito. Trip ko kasing sabay na kami ni kuya pauwi. Mamaya kasi makipag away na naman yun. Pasalamat talaga si kuya dahil mahal ko siya. Iyak nako pag may nangyari sa kanya :<
Nakarating na kami sa tambayan nila at wala sila. Kaya boom maghihintay nalang ako dito. Sasabay nalang ako kay kuya umuwi
Nadismaya naman si doms. Haha! Kawawa naman 'to. Di bale. Papakilala ko din siya kila kuya.
Nagpaalam muna sakin si doms na may bibilhin lang daw siya sa canteen. Pinilit niya akong sumama sa kanya pero sabi ko okay lang.
Naupo ako sa upuan sa tabi. Habang hinihintay si doms ay nag salpak muna ako ng earphones sa tenga at nag patugtog ng kanta.
Ang sarap talaga minsan mag patugtog. Yung famang dama mo yung bawat lyrics. Lalo na pag may pinagdadaanan ka.
*BOOGSH!!*
Napalinga linga nalang ako sa paligid ng makatinig ako ng ingay at nanlaki ang mga mata ko. Nakita kong nagrarambulan ang grupo nila kuya at nila karl. Shit!!!
Bakit sa school pa sila nag aaway? Are they out of their mind?
Napatayo ako bigla at nag punta sa awayan. Ewan ko. Basta hahanapin ko si kuya. Baka mamaya ano pa ang mangyari sa kanya. Nakaka bakla pakinggan pero hindi ko naman hahayaan masaktan si kuya diba. Ganun din ang intensyon ko sa iba.
Habang makipagsiksikan ako sa awayan na nangyayari. Nakita ko si kuya na nakikipag laban sa isang lalake. Pero may lalake naman sa likod niya aamabng papaluin siya.
And then hindi pa ako nakaka takbo palapit kay kuya. Ay naramdaman ko nalang ang matigas na bagay na pumalo sa ulo ko. And all went black...
--
"Is she okay now?" Narinig kong nag aalalang boses ni kuya at naramdaman kong lumabas na siya. Kausap niya ata yung kaibigan niya. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at nalaman kong nasa condo pala kami ni kuya. Aruy ko po. Ang sakit ng ulo ko. Huhu
Hindi ko naman maigalaw ang kanang kamay ko. Nakita ko nalang na natutulog pala si snoopy at nadadaganan niya lang pala ito. Naks naman 'to. Minsan ko nalang siya makitang mag coc eh. Kinuha ko yung cellphone ko at siniguradong hindi ko siya magigising. Tinutok ko sa kanya yung camera at
*click*
Sinigurado kong may walang flash. Tinago ko agad yung cellphone sa ilalim ng unan ko at nagkunwaring tulog.
"Psh. Dumilat kana diyan" habang kusot-kusot niya yung mata niya. Okay ang hot niya tignan. Messy hair pa. Ang cool kaya pag messy hair! Sinasabi ko lang yung totoo ah!
*TOK*
"Aray! Ano ba?!" Kamot kamot ko yung ulo ko. Binatukan niya kasi ako! Kuyaaaa help me!! :<
"Eh kasi naman! Alam mo naman nagrarambulan na yung mga tao dun tapos susugod-sugod ka?! You stupid little brat ! Don't you ever do that again! You make us worried! Are you freaking out of your mind?! Damn! I'll kill that bastard! Diba sabi ko sayo mag iingat ka!"O-okay. Bat siya galit?
"Bakit ka galit?! Parang ikaw naman yung napalo sa ulo! Masakit kaya yun! Tapos aawayin mo pa ako? Tss.."
"Ewan ko sayo! Psh!" Padabog siyang lumabas. Okay makaka relax nako.
Hayy~ ang sarap matulog!
Malamig,
Malakas wifi,
Maraming pagkain,
Pwede kang matulog kahit kailan mo gusto,
At walang istorbo.PERFECT!
BINABASA MO ANG
My fiance is a COC addict
Teen FictionAng story na ito ay punong puno ng kabaliwan. Pagpasensyahan na si author kung may mga wrong gramar or typographical errors.Thankyou for understanding. Enjoy reading!