Chapter 5

3 0 0
                                    

Dahil sa wala talaga ako ngayon gana makipag usap kay snoopy. Kumuha nalang ako ng popcorn at naghanap ng magandang panuorin.

Romantic, Comedy, Action...

Romantic Comedy nalang. Hahahaha!

Naka pwesto nako. Naka ayos na ang lahat pero--

"Uy, movie. Nice tara din ako ah" Wala nakong nagawa. Umupo na agad siya sa tabi ko. Tss

Umusog ako ng kaunti. Mamaya anong gawin niya eh. Malay ba natin sinsapian siya minsan ng pagka pervert niya.

"Ba't ka umurong?"

"Para maka layo sayo" I just rolled my eyes.

"Sungit mo talaga" sabay pingot niya sa ilong ko

Pinag papalo ko tuloy ulit siya. Ang sakit ng ilong ko. Huhuhu

"HAHAHAHA! ang pula ng ilong mo" Pano ba naman kasi hindi pupula!? Ang sakit.

"Inggit ka lang. Hindi kaya mapula!" sabay bela ko

"Mapula kaya,Hahahaha!"

"Weh, hindi kaya"

"Oo nga sabi eh"

"Hindi nga sabi eh!"

"Pano pag oo?" my plan is working.

"O sige nga, Tignan mo ng malapitan yung ilong ko. Tapos tignan mo kung mapula" bigla naman parang may naisip siya at ngumisi.

Luh, may sira na talaga ulo nito. tsk tsk!

Lumapit siya ng lumapit sakin. Medyo kinakabahan ako kasi mamaya kung anong sumagi sa isip niya at anong gawin niya.

Nung sobrang lapit na ng mga mukha namin, tumingin muna ako sa mga mata niya. Tapos bigla akong ngumiti ng nakaka loko. Patay ka ngayon!

"ARAAAAAAY~" Sigaw lang naman niya dahil piningot ko yung tenga niya.

Yes! Naka bawi din. Hahahaha! Yung mukha niya talaga eh. ang epic.

Kumaripas agad ako ng takbo papuntang kwarto ko. Hahahaha! kawawa naman si snoopy. Pero tama lang sa kanya yan. Hahahaha!

"Hoy saddist, buksan mo'to!" katok niya ng malakas. Hahahaha! inis na siguro siya.

"Ayoko nga! Magtiis ka sa sakit ng tenga mo diyan, hinayupak ka!" Tumawa lang ako ng malakas. Hahaha! Natatawa ako sa mukha niya. Nagmu-mukhang tukmol na naman. Pfft!

Nahiga nalang ako sa kama ko habang nagsalpak ng earphones sa tenga ko.

Hayy! Music is my life. Pano nalang kung walang music? Edi ang lungkot natin nagyon. Luh. Paki-explain sakin kung anong connect ng pinagsasabi ko?

Hanggang sa makatulog nako.

"""""""""""""""""""""""""-""""""""""""-""""""""""""""""

*hikab* "Haaayy!" Nag uunat ako ngayon.

Pagka tingin ko sa orasan 7:34 pm na. Wtf! 7:34 na?! Nag bihis na ako agad ng pambahay para bumaba at kumain.

Pagkababa ko. Nakapatay lahat ng ilaw. Tapos may nakita ako na isang pigura ng lalake na naka higa sa sofa. Waaaaaaah! May magnanakaw! Jusko lord! Heeeeelp!

Kumuha ako ng tsinelas at dahan-dahan lumapit sa naka higa. Whooo! Kaya ko 'to!

Bigla nalang umupo yung lalake at bubuksan sana yung lampshade. Nako hindi pwede! Hindi niya ako maaakit sa mukha niya! Noooo!

Sabay palo ko ng tsinelas sa mukha nung lalake.

*PAK*

"Aray! Masakit yun ah!" Parang pamilyar yung boses. Binuksan ko agad yung ilaw nakita ko si snoopy. Himas himas niya yung pisngi niya na sinampal ko ng tsinelas. Hehe nag peace sign ako.

*glare*

*pout*

"Sa susunod kasi, alamin mo muna susugurin mo bago ka sumugod" sermon niya sakin.

"Oo na! Sorry na nga okay?! Bakit ka 'ba kasi nandito?! Mag e 8:00 na pre!"

"Aishh! Wag ka ngang sumigaw! Tumawag mommy mo. Sabi niya. Bantayan daw muna kita dito dahil hindi daw siya makakauwi." Ahh.

"Eh si kuya! Dapat si kuya nalang nandito eh!" Angal ko.

"Wala yung kuya mo. Alam mo naman yun. Nakikipag bakbakan pa. Mamaya susunod nalang ako dun. Bantayan muna daw kita." Aba! Ano 'to unli bakbakan. Kahit kailan they want? Aba matinde!

"Edi pumunta kana dun!" Pilit ko sa kanya.

"Ugrh! Ang ingay-ingay mo! Ako na nga lang napilitan dito tapos ako pa iniistorbo mo? Matulog kana nga! Aish!"

"Hoy ikaw ah! Kalalake mong tao ang init-init ng ulo mo! May period ka 'bang hinayupak ka?!"

My fiance is a COC addictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon