Prologue

851 22 9
                                    

Ilang linggo na lang at pupunta na naman kami sa China. Kami? Kami pa nga ba? O baka naman sila na? Tsk. Tama. Sila na lang.

Ilang araw na din akong paulit-ulit tinatawagan ng presidente ng SM. Paulit-ulit nila akong tinatanong kung sasama ba ako sa China o hindi. Fan meeting lang to pero gulong-gulo na ako.

Aalis ba o hindi?

Ano nga ba ang dapat? Hindi ko na din kasi alam.

Kung sila, ay may tatlong taon pa sa industriyang ito, ako, dito na ko nagtatapos. Matagal na namin itong pinaguusapan ng presidente ng kompanya. Walang nakakaalam nito kundi kami lamang. Kailangan na daw nila ng desisyon ko para maabisuhan ang iba. Para maabisuhan ang mga maiiwan ko. Para maipaliwanag ng higit sa pandak naming leader ang lahat. Matanggap kaya nila?

Oo naman. Magaling sila. Kaya nila ng wala ako.

Hindi ko alam kung ano ang desisyong gagawin ko. Habang iniisip ko pa lang na may maiiwan ako, bumabahag ang buntot ko. Nahihirapan akong gawin iyon. Naninikip ang dibdib ko.

Kasalukuyan akong nakaupo habang pinagmamasdan ang asul na kalangitan. Nandito ako kung saan ako babagsak kung sakali mang umalis na talaga ako. Nandito ako kung saan kapag wala akong schedule sa korea ay dito ako naguubos ng oras at panahon. Maganda ang tanawin dito. Natutuwa akong tingnan ang mga sasakyan na animoy langgam sa sobrang liit. Masaya ako sa mga ganitong bagay.

Masaya? Talaga lang ha?

Paano ko nga ba sasabihin na ang syam ay magiging walo na lang? Aminin ko man o hindi, natatakot ako sa reaksyon nila.

"Uhmmm, Jessica." Anong ginagawa nito dito?

Agad ko syang hinarap pero hindi nagsalita.

"Jessie, you are spacing out again. You are not even paying attention on what Im saying. Are you okay?" Tanong nya sakin. Itong ugok na to? Lagi na lang pinagkakamalan kaming mag-syota.

Pero kaibigan ko sya. Isa sa pinakamalapit.

"Jess? Are you there? Are you okay?"

Am I okay?

"Yeah. So what brings you here?" Casual na tanong ko sa kanya.

"Tss. Are you still thinking about it? Well, wala namang masama kung sasama ka dun eh. Besides, member ka padin naman."

"Buo na desisyon ko." I said with a cold voice.

"Are you happy with that decision? Are you satisfied?" Tanong nya.

Am I happy? Syempre hindi.

I let out a loud sigh. I just dont know what to think anymore.

"Think about it. Alam kong wala ako sa lugar para sabihin sayo to, but make you decision as soon as possible. Para hindi sila masyadong masaktan pati narin ikaw. 15 years is no joke." Sabi nya saka umalis.

15 years is no joke. 15. 15.

Unti-unting nanikip ang dibdib ko at nanuyo ang lalamunan ko. Lumingon na ang ako sa bintana at tumitig.

15 years is no joke.

15 years is no joke. Thats why Im very thankful to have them in my 15 years.

*phone rings*

Caller: Maknae Seo

[...]

Mukhang hindi nya napansin na sinagot ko agad.

[Unnie...] Sa pagkakarinig ko ng boses na yun ay para bang nanuyo ang lalamunan ko. Para bang gusto kong lumuhod sa harap ng presidente at sabihin na hindi na ako aalis. Napapikit na lang ako ng madiin.

[Unnie malapit na tayong pumunta sa China. Kelan uwi mo?]

Hindi tayo maknae, kayo lang kayo. Baka hindi na din ako umuwi.

"Ahh. Oo nga. May inaasikaso lang ako dito." Sagot ko.

[Ganun po ba. Sige. Ingat po kayo.]

Pagkatapos nun ay agad ko ng binaba ang tawag. Hindi na ako sumagot dahil hahaba lang ang usapan. Mas lalo lang maraming alaala ang babau
nin ko sa pag-alis ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa bintana. Ngayon, mas kitang kita ko na ang lahat. Muli akong nagisip...
SNSD O Blanc?

Blanc o SNSD?

Pareho? Hindi pwede. Isa lang ang dapat piliin.

SNSD?

"BLANC."

*****
Inedit ko po yung ibang parts dito. READ. VOOOOTE. AND COMMENT. THANKS!

Paki basa din ng isa ko pang story. http://my.w.tt/UiNb/90SiWyw9Pu o kaya check my profile. One shot lang yan. Thanks. Read. Vote. Comment.

-OTOR D

Her Side: Jessica Jung's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon