Special Chapter #2

431 18 3
                                    

Isa-isang naglalabasan ang mga tao habang isinisigaw ang mga salitang, "Mabuhay ang Bagong Kasal!". Sino nga namang mag-aakala na dadalhin sila sa sitwasyon na ito.

Sa mga panahong ito, ang Girls' Generation ay isang pawang masayang memorya na lamang, hindi lamang sa mga taga-hanga kundi sa mga miyembro nito. At sa araw nga na ito, isang miyembro nila ang magbubukas ng bagong tsapter sa kanyang buhay.

Masayang nakatingin si Jessica habang pinagmamasdan ang kanilang maliit na lider habang pasakay sa isang sasakyan na may bulaklak sa una at sa likudang bahagi naman nito ay may nakalagay na "Just Got Married". Sino nga namang magaakala na sa hinaba-haba ng panahon ay doon sya babagsak sa lalaking iyon. Na ang akala nilang biro at tsimis ay totoo pala.

Napatingin naman si Jessica sa mga babaeng katabi niya na nakangiti din, maliban sa isa, kay Tifanny. Hindi niya mawari mung masaya ba ito o malungkot dahil naagaw sa kanya si Taeyeon. Napatawa nama siya sa naisip niya, kaya tinawag niya ito.

"Tifanny.. Yung nguso mo, mahuhulog na sa kinatatayuan mo." Mas lalo naman napasimangot si Tifanny.

"Kasi naman eh! Ang daya ng pandak na iyon! Pinagpalit niya ako sa bakla! Paano na ang TaeNy? Akala ko may forever kami. Huhuhu." Paghihimutok nito. Napansin naman ni Jessica na nangingilid na ang luha nito.

"May forever naman kayo eh. Habang buhay maalala ng mga fans niyo ang TaeNy, hindi lang fans kundi kami, tayo, at kayo." Sagot ko naman sa kanya.

"Nga naman Ppanyang! Tingnan mo kami ni Jessica, hanggang ngayon oh, may forever parin kami kahit malapit na itong sumunod kay Taeyeon."

Natawa naman siya sa sinabi ni Hyoyeon, lalo na sa reaksyon ni Tifanny tungkol sa huling parte na sinabi ni Hyo.

Malapit ng sumunod kay Taeng. Kinilig naman ako dun.

"Anong malapit ng sumunod ka Taeng?! Sino ha?! Aba! Anong meron??" Tanong naman ni Yuri.

"May narinig tayo diba? Pero nasaan ang nagsalita?" Tanong naman ni Sooyoung habang pahawak kay Sunny.

"Aba aba! Hoy patpat! Araw ngayon! Araaaaaw! Umaga! Huwag kang ganan!" Pasigaw naman na sagot ni Yuri habag dinuduro si Sooyoung.

Napatawa naman kami ni Sunny.

"Naku naku! Yooooonaaaaa!! Tawag ka ni Yuri, PATPAT daw oh!" Sigaw naman ni Soo kay Yoona.

"Excuse me! May laman ako, gaya pa sayo!" Sagot naman ni Yoona sabay dila.

Nagkakasamaan na sila ng tingin, pero sa totoo lang isa lamang itong normal na senaryo para sa mga abnormal na ito.

"Mga unnies! Nagtext na po si Taeng-unnie, tara na daw po sumunod." Sabi naman ni Seo.

"Hala! Nasaan si Sunny?! Di ko makita! Asaan? Hawakan niyo yun baka mawala!" Natatawang sabi ni Hyoyeon.

"Hoy Kim Hyoyeon! Akala mo naman ang tangkad mo! Maliit ka din!" Sigaw naman ni Sunny.

"Ang ingay niyo, tumahimik nga kayo, pwede?" Sabat naman ni Jessica.

"Opo maam!" Pagsangayon naman ng lahat.

Muli, isa na namang pagkakataon ang pinagsaluhan nila. Mga panahong masaya sila. Mga panahong hindi na sila Girls' Generation, kung hindi isang magtotropa.

Hindi alam ni Jessica kung magtotropa sila o magkakapatid pa nga, pero alam niya sa sarili niya, ang lahat ng ito Panghabang buhay. Ito ang forever nila. Ang forever ay kasama ang walong baliw na babae na ito.

Totoo nga, may forever ang Girls' Generation.

*****
So ayon, napanood ko na naman yung ITNW Ballad version nila sa Tokyo Dome. Nakakaiyak. Miss ko na silang 9.

-D

Her Side: Jessica Jung's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon