TWO

448 21 3
                                    

Tatlong buwan. Tatlong buwan na ang nakakalipas ng mawala ako sa grupong Girls' Generation. Tatlong buwan na akong magisa.

Namimiss ko na sila.

Tatlong buwan. Ibig sabihin, December na. Ito ang unang pasko na hindi ko sila kasama. Na wala sila sa tabi ko. Ang hirap lang kasi hindi ako sanay na wala sila sa tabi ko.

Eto namang kapatid ko, kasama ang f(x). Okay lang naman eh. Sanay ako na kasama nya ang f(x) tuwing December. Nakakapanibago nga lang dahil ngayon, wala na akong kasama.

Nakita ko na din ang unang live nila ng Mr. Mr. Wala pa ding nagbago. Ang galing nila. Si Sunny, Yuri at Sooyoung ang kumuha ng lines ko. Si Seohyun naman sa high note ko. Ang galing nila, at talagang kita ko na kaya nila na wala ako.

Masakit man isipin, pero wala na akong magagawa. Andito na to eh. Hindi naman sa nagsisisi ako, pero syempre mayroong part na nanghihinayang ako. Pati sa sarili ko, napapatanong ako na, Paano kung nandoon pa ako? Ano kayang mangyayari? Magkakaganito pa kaya?

Namimiss ko sila. Pero, ako kaya? Namimiss kaya nila ako? Kung pwede ko lang silang makausap, matagal ko ng ginawa. Pero alam kong makakasagabal lang din ako at magkakaron pa muli ng kumosyon kung gagawin ko yun. Natatakot ako sa mga tanong na ibabato nila sakin. Natatakot akong sagutin ang mga iyon, lalo na kung tungkol sa pag-alis ko. Natatakot akong sabihin na mas pinili ko ang business ko, kaysa sa kanila. Natatakot ako sa reaksyon nila.

Alam ko ding pinagbawalan sila ng kompanya na magsalita. Kaya ang nangyari, sila ang lumabas na masama. Sila ang lumabas na walang kwenta. Pero sila nga ba? Hindi ba't ako dapat dahil ako ang nangiwan.

Iniwan ko sila. Tama.

Pinaasa ko ang mga taong naniniwala na habang buhay ang Girls' Generation. Na may Forever kami. Pero ano? Nasan na yung Forever Na yun? Sabi nga ng ibang fans, sinira ko na. Ako ang dahilan ng lahat. Kung ano mang meron ngayon, kasalanan ko.

Masaya kumanta, masaya sumayaw pero kailangan ko ng pagbabago sa buhay ko. Hindi habang buhay ay nandoon kami, sa stage. Dadating ang araw na bababa kami doon at hindi na muling makakatapak pa. Ginawa ko ang sa tinging kong tama para sa sakin. Hindi naman sa takot akong mawalaan ng trabaho, kapag dumating na yung araw, sa halip gusto ko lang naman ng bago sa buhay ko.

Bukod sa pagkanta at pagsayaw, gusto ko din naman ang pag-dedesign. Matanda na ako. At gusto kong sumugal para sa pangarap kong to. Alam kong nakakapanibago, pero kakayanin ko.

Gumawa ako ng panibagong chapter ng buhay ko, ang pinag-kaiba nga lang...

Walang Girls' Generation na kasama.

Her Side: Jessica Jung's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon