"Jessica! Huwag kang tutungo kapag napaiyak ka ha, baka mamatay ka! HAHAHAHAHAHAHA." Sigaw ni Hyoyeon sakin.
"Aba! Hoy! Huwag kayong ganan kay Jess..."
Napa-iling naman si Jessica.
"Unnie... Pahinge..." Paglalambing naman ni Yoona kay Taeyeon.
"Tumigil ka Yoona! Gutom ako gutom." Sabi naman ni Taeyeon.
"SOO UNNIE! AYAW MAGBIGAY NI TAENG UNNIE!" Padabog na sabi ni Yoona.
"Yoona! Bumili ka na lang sa baba!" Sigaw ni Tiffany.
Hindi mawari ni Jessica ang dapat nyang maramdaman. Araw niya ito, dapat hindi siya stress, pero sa totoo lang, dahil sa mga abnormal kasama niya, wala na siyang magagawa.
"AHHHH! Aray ko!" Sigaw ni Taeyeon habang hawak-hawak ang tiyan.
"Jusko! Ang buntissssss!" Sigaw ni Sunny.
"Hala! Hala! Hala!" Nagpapanic na lumapit si Yuri.
"Unnie, kumalma ka lang. Hinga unnie." Sabi naman ni Seohyun.
Namamawis na ang noo at palad ni Taeyeon. Mukhang manganganak na siya. NASAN BA NAMAN ANG BAKLANG IYON!
"TAWAGIN NIYO SI BAEKHYUN! DALIIIIIII." Sigaw ni Tiffany.
Agad namang tumakbo si Hyoyeon para kunin ang cellphone niya, nagtatakhang tiningnan siya ni Yoona, habang si Hyoyeon naman ay busy sa pagtatype ng number ni Baekhyun.
"Hyo unnie! Wala kang load!" Agad namang napatigil si Hyoyeon sa pagtataype ng marealize nya ang sinabi ni Yoona.
"Oo nga no! Sino may load?" Natatawang sabi ni Hyoyeon na nagpatigil sa lahat.
"AKO!" Sigaw ni Sooyoung.
Agad namang tumakbo si Hyo papuntang cellphone ni Soo.
"P*TA BAEKHYUN! MANGANGANAK NA ASAWA MO!!!!" Pasigaw na sabi ni Hyoyeon at pagkatapos nun, isang malakas na sigaw ang narinig ni Hyo mula sa kabilang linya.
"Nakatawag na ako ng ambulansya!" Sigaw ni Jessica.
Nagulat siya noong nakita niya si Taeyeon. Pawis na pawis si Taeyeon at kita mo sa mukha na hirap.
"Jess pwede ka pang mag-back out." Kalabit naman ni Sunny, sabay tawa.
"Tumigil ka nga." Sabag hampas ni Jessica kay Sunny.
"Ikaw bahala. Nakita mo naman ang itsura ni Taeng." Sabay alis ni Sunny.
Napahinga naman ng malalim si Jessica.
*****
Payapang nanganak si Taeyeon sa isang ospital habang si Baekhyun ay walang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw. Daig pa niya na siya ang nanganganak.
"Babe, bukas na lang natin ituloy ang kasalan natin." Pabulong na sabi ni Kris kay Jessica.
Kris. Kris Wu. Kevin Wu. Wu Yi Fan. Ang isa din sa dating miyembro ng EXO. Simula nung magtama ang mata nila ni Kris, alam niyang iba na. Ang korni nga e, pero ganon talaga. Sa totoo lang, walang nakakaalam na nagkakausal sila, tanging sila lang talaga.
"Ayos lang. Nakaka-stress din naman ang araw na ito." Iniharap siya ni Kris at hinalikan sa noo.
"Saranghae." Bigkas ni Kris.
*****
WU AND JUNG WEDDING DAY.
Ito na ang isa na namang bagong simula, sa buhay ni Kris Wu at Jessica Jung.
Lahat ay nakaayos na. Ang pagkakasalan, ang reception ang lahat. Mga abay, ang walong babae at onseng lalaki, ang mga kamag-anak nila, ang lahat-lahat. Wala ng makakapigil, sa kasalang magaganap na ito. Ngayon, sila ay susumpa sa harap ng Diyos.
Na habang buhay sila ay magmamahalan..
Na habang buhay sila ay magsasama, sa hirap at ginhawa..
Na habang buhay nila pagsasaluhan nila ang lahat-lahat..
Isa na namang FOREVER ang magaganap.
Ang forever ni Kris Wu at Jessica Jung.
*****
HELLO HELLO. AND EM BAAAAAAAACK! Hakhak. Uhm, this is my THANK YOU sa patuloy na nagbabasa nito.THANK YOU SA READS, SA VOTES AT SA MGA NAGLAGAY SA READING LIST NILA NG STORY NITO. MADAMING THANK YOUUUUUUUU!
PS. SOBRANG TAGAL NA NITONG UPDATE NATO, AS IN SOBRANG TAGAL NA. ILALABAS KO LANG :)
-D
BINABASA MO ANG
Her Side: Jessica Jung's POV
FanfictionIsang taon na ang lumipas simula nung umalis sya.. Naging masaya ba sya?