ONE

602 19 6
                                    

Blanc...

Blanc..

Blanc...

Blanc...

Tama na ba ang desisyon ko? Sigurado na ba talaga ako dito?

Kung noon ay linggo pa, ngayon ay araw na lang at papunta na silang China. Nakailang tawag na din sila sakin. Tinatanong kung bakit hindi pa ako nauwi. Ang totoo nyan, nasa Korea na ako. Umuwi ako para ibigay ang final decision ko.

Nandito ako ngayon sa Hotel. Nakatayo at pabalikbalik lang ng lakad. Kung nandito sana si Krystal ay nasabihan na ako noon panigurado. Bigla naman akong napangiti. Tawagan ko kaya sya. Hehehe. Tama, tatawagan ko sya.

Ida-dial ko na sana ang number niya ng bigla namang tumawag ang manager namin.

Nila na lang siguro.
"Napatawag po kayo?" Tanong ko matapos masagot ang tawag.

[Jess matagal na kaming tumatawag sayo at nagtatanong pero hindi ka pa din sumasagot. Ayaw mo pa din sabihin ang desisyon mo.. kaya naman tumawag ako sayo para sabihin na nakapagdesisyon na kami.]

"What do you mean?" Malamig kong tugon. Natahimik sya. Pati ako ay kinakabahan.

[Ceo wants to pull you out to the group. I'm sorry Jess.] Natigilan ako sa sinabi niya.

Huminga muna ako ng malalim.

"Well I'm choosing Blanc&Eclare over SNSD. So I guess ceo got the right decision."

Natahimik sya. Pati naman ako eh. Bumuntong hininga din muna sya bago nagsalita.

[And huwag ka na din daw pumunta sa fan meeting niyo sa China.]

He hang up after that.

Isa yun sa hindi ko inaasahan na desisyon nila. Akala ko makakasama pa ako sa China pero hindi na pala. Ginusto ko naman to, pero bat ang sakit? Bigla na lang nanuyo ang lalamunan ko. Nanikip ang dibdib ko. Naguna-unahan na din ang luha kong kanina pang hayok na hayok sa pagpatak.

Napatingin na lang ako sa wallpaper ng cellphone ko.

Ang walong babaeng to, ang walong bestfriend ko, ang walong kapatid ko, ang walong nakasama ko sa 15 years ko. Ang walong nakasama ko sa hirap at saya sa industriyang ito. Ang walong ito na naiwan ko.

Halos lumabo na ang mata ko sa kakaiyak. Wala na din akong makita. At alam kong sa oras na ito, sinasabi na sa kanila ang lahat. At mamaya, pupunta ako doon. Para kunin ang gamit ko, pati na din makita sila sa huling pagkakataon.

Agad akong sumakay sa kotse ko nung makasigurado na akong kaya ko na.

Kaya ko nga ba? Sana wala sila doon. Sana kinakausap pa din sila.

Mas sumikip ang dibdib ko ng makarating ako sa parking lot ng dorm namin. Parang bumigat ang paa ko. Nahihirapan akong maglakad. Nanlalamig din ako.

Ano bang gagawin ko? Magpapanggap ako na walang alam? O sasabihin na lang? Paano ba?

Dahan-dahan akong sumakay ng elevator. Pinindot ko ang numero ng floor namin. Feeling ko tuloy ninanamnam ko lang ang pagkakataong ito, dahil ito na ang huling pagkakataon na makakatuntong ako sa lugar na ito.

Huli. Huling pagkakataon.

Bigla naman akong nakaramdam ng init sa likod ng mata ko. Konti na lang at bubukas na ang pinto.

Pede pa akong umurong...

Pero wala na, nakita ko na lamang ang sarili ko sa labas ng pinto ng dorm.

Kakatok ba ako? O gagamitin ang susi ko?

At dahil nga sobrang kabado ako ay pinihit ko na lamang ang door knob at bukas ito. Patay ang mga ilaw. Pero may isang kwarto na bukas ang ilaw. Kina Taeyeon iyon. Naka-awang ng kaunti ang pinto, at medyo kita mo din ang nasa loob nito. Nandoon silang lahat.

"Pero unnie.. bat naman nila gagawin yun kay Jess Unnie? Bakit?" Kilala ko ang boses na iyon. Kay yoona. Umiiyak sya alam ko.

"Oo nga unnie. Bat naman ganun? Napaka-talaga nila. Ginawa naman ni unnie ang mga pinagagawa diba?" Seohyun. Si maknae. Umiiyak silang lahat.

"Taeng, ano ba talaga? Magsalita ka na nga. Antagal mo." Si sunny. Seryoso sya. Tono pa lang ng boses nya.

"Wala na si Jessica Jung sa Girls' Generation. Tinanggal na sya. Walo na lang tayo. Yun na yung desisyon." Saad ni Taeyeon. Tanging katahimikan lang ang bumalot sa loob ng kwarto. Walang nangahas magsalita.

"Tinanggal o baka unalis? May pagkakaiba yun diba?" Patanong na sagot ni Soo kay Taeng. Hindi umimik si Taeyeon, bagkos nabalot sila ng katahimikan na pati mga paghikbi ng iba ay pinipigilang marinig ng isa't isa.

I'm sorry. Yan na lang nasabi ko sa isip ko.

Agad naman akong pumanhik sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang mga gamit ko. Pinipilit kong huwag makagawa ng ingay. Nagmamadali ako. Naririnig ko pa din ang komosyong nabubuo sa kwartong iyon. Puro sila bakit?

Kasi selfish ako. Tapos. Ayaw ko ng kumanta. Nakakasawa.

Pagkalabas ko ng kwarto, muli, sinilip ko ang kwartong iyon.

Ito na ang huling pagkakataong makikita ko kayo ng malapitan. Paalam Girls' Generation. Paalam sa inyo. Sana ay maging matatag kayo.

At tuluyan na nga akong lumabas ng dorm na iyon.

Her Side: Jessica Jung's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon