FOUR

467 14 0
                                    

Nabalik ako sa reyalidad ng pumasok ang sekretarya ko.

"Ma'am, nandyan po si Sir."

Si sir. Nandito na naman tong lalaking to.

"Sige, papasukin mo. Thank you." Sagot ko sa sekretarya ko.

"Sige po Ma'am." At lumabas na sya.

Pagkalabas nyang yun ay isang pigura ng lalaki ang pumasok. Isang malamig na tingin lamang ang ibinigay sa kanya.

"Jess naman. Hindi mo man lang ba ako ngingitian?" Tanong nya sakin. Gusto kong tumawa ng malakas, pero huwag na.

"Bat ko naman yun gagawin?" Tanong ko sa kanya.

"Sige na nga. Ahmmm. Ano sa tingin mo Sica?

Bigla akong nanlamig sa sinabi niya.

Sica. Ako yun eh, dati.

"Huwag mo akong tawaging Sica." Malamig na sabi ko sa kanya.

Bigla na namang nanikip ang dibdib ko at alam ko anumang segundo ay babagsak ang mga luha ko.

"Sorry." Sagot niya sakin at saka ako nagiwas ng tingin.

Iniharap ko ang silya ko sa malaking bintana ng building na ito. Tumalikod ako sa lalaking tumawag sakin ng Sica.

Nakakamiss tawaging sa pangalan na iyon. Naalala ko na naman sila. Dahil sa kanila kaya nagkaroon ng Sica na nickname. Sa totoo lang, napapangitan ako sa palayaw na iyon. Pero nung sila ang tumawag sakin noon, pakiramdam ko ay gumanda ito. Lalo na kapag nilalagyan ni Yoona, Sunny at Sooyoung ng aegyo ang pagtawag doon. Yung malambing na boses ni Seohyun. Yung barakong boses ni Yuri at Hyoyeon. Yung pasigaw na tawag ni Tiffany lalo nat nakitaan nya ako ng pink na bagay. At higit sa lahat, ang boses ng pandak naming leader, si Taeyeon. Boses nya ng pinaka-namimiss ko. Iba na talaga kapag nasanay ka sa isang bagay. Nakakalungkot.

Ang dating Sica ay naging Jessica na ngayon. Jessica lang. Walang Girls' Generation Jessica. Walang Ice Princess Sica. Ang meron na lang ay CEO Jessica Jung ng kompanyang Blanc&Eclare.

"Jessie what do you think about sa magaganap na concert nila sa Tokyo Dome?" Tanong nya.

Ito talagang si Kwon. Daming alam.

"Its good for them." Sagot ko na lang. Good naman talaga eh.

"How about for you?"

"I guess.. Okay na sakin ang wala ako doon. Ngayon, diba? Wala na ako. Because Tokyo Dome concert will be another memory that I will regret. Kung sakali mang kasama nila ako sa Tokyo ngayon, malamang wala ako dito at mahihirapan lalo akong umalis." Tama naman diba? I don't want any regrets anymore. Mahirap kayang magpaka-emo.

Emo? Diba pedeng sad na lang? Sa totoo, lang natatawa na ako sa iniisip ko.

****

Isang pamilyar na tunog ang narinig ko mula sa cellphone ko. Nandito na ako sa condo at nagpapahinga. Nakakapagod ang maghapon ko.

Pero mas nakakapagod yung dati.

Tunog palang ng piano, alam na alam ko na ang kantang to.

Indestructible ng Girls' Generation. Siyam pa sila dito. Nandito pa ako.

Sinabayan ko ang kanta hanggang sa makarating ito sa chorus. Hanggang sa makarating ako sa line ko.

"Let go of Girls' Generation..."

Her Side: Jessica Jung's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon